CHAPTER 2

2659 Words
Don't Mess With The Billionaire Chapter 2 APRIL'S HEART hammering wildly against her ribcage, chest rose and fell in a heavy manner. Pakiramdam ni April ay dumoble ang nararamdaman niyang bigat na nakapatong sa dibdib niya ngayong nandito ang taong ito sa harapan niya. Wolf Atlas. Hindi kaya... Imposible! Masyado yata siyang maliksi sa pagtalon sa konklusiyon. "Christ, no! I hope it's not what I... He's not. Hindi," she whispered violently to herself as she shot her prying gaze at the unconscious man lying on the carpeted floor. Nanginginig ang mga kamay niya sa hindi maliwanag na dahilan. "Hindi maaari. Hindi. Imposible." Frustrated niyang binabalik ang huling beses na kinausap niya ang biological mother ng triplets na si Caroline Aguilera. Malinaw sa kanyang pagkakatanda na wala na ang lalaking nakabuntis dito- ang Ama ng triplets kaya malabong magkatotoo ang haka-haka niya. I am here to claim what's rightfully mine. Pero ano ang ibig sabihin ng sinabi nito kanina bago ito bigla na lamang nawalan ng malay? Hinimatay kasi ito sa doorstep kanina kaya kahit rumaragasa ang pagkabahala at takot sa dibdib ni April ay minabuti pa rin niyang ipasok sa loob ang lalaki. Lumalakas na rin kasi ang bagyo baka kung mapaano pa ito. Maingat siyang nag-squat sa uluhan ng lalaki at pinag-aralan ang mukha nito. Indescribably pleasing and s****l attractive, pangunahing paglalarawan niya sa lalaki. Medyo natuyo na ang medium length nitong buhok at nakakalat sa noo nito ang ilang hibla niyon. His hair has an onyx style that looks so perfect in his Latin face. It doesn't it a genius to identify that he's not a Filipino. Maybe half, something that she's not sure of. April spent another moment to study the man's face closer. Binaybay ng maurirat niyang mga mata ang prominenteng ilong nito patungo sa cheekbone nito hanggang sa mga labi nitong bahagyang namumutla. His large jaw and strong chin just highly defended his masculinity. Looks like God has put a higher-than-usual effort into this man's physical appearance. Her stomach suddenly clenched after she unacceptably notice the similarities between this man to Alamo and Aragon. "Please huwag naman sana. Hindi ko kayang tanggapin kung magkatotoo man itong suspetsa ko." Nanghihinang napaupo si April sa ikalawang baitang ng hagdanan. Hindi alintana ang lamig no'n at ng buong paligid. Gulung-gulo ang isipan niya. Ang dami-daming bagay ang humahagupit sa kanyang isipan. Dumagdag pa ang kung sino mang lalaking ito. Ngunit gaano pa man kabigat ang pagsubok na dumating sa kanya, alam niyang makakahanap pa rin siya ng paraan upang malampasan iyon. Hindi siya maaaring sumuko lalo na ngayong may tatlong musmos ang umaasa sa kanya. Kailangang mas tatagan pa niya ang kanyang sarili para kay Alabama, Alamo at Aragon. Para sa kanila ay walang imposible para kay April. She's tired of being alone and feeling weak and she promised to herself that she's no longer the frail version of herself. Kung ano man ang mayroon siya ngayon, aangkinin niya ito at ipaglalabanan sa kahit anong paraan. She lost her husband and child once at hindi na niya hahayaang pagdamutan siya ulit ng kapalaran. "Who the hell is this man?" Marahas na napaangat ang mukha ni April nang dumating ang kaibigan niyang si Garett. Tinawagan niya kasi ito kanina para puntahan siya. Dahil sa pagdating ng lalaking ito ay naisip ni April na ngayon na niya hahakutin ang mga gamit nila sa bahay na iyon. Sa tulong ni Garett ay mapapadali ang last minute decision niya. Hindi kasi ligtas ang pakiramdam niya sa biglaang paglitaw ng naturang lalaki sa eksena. "E-ewan ko rin. Ngayon ko lang nakita ang taong ito. Sa tingin ko'y naliligaw lang ito." Lumapit si Garett sa kinaroroonan ng lalaki at mabilisang sinipat ang hitsura nito. "So, sa kanya iyong Ford na umararo sa mga alagang halaman ng triplets sa labas? Kapag mayaman nga naman." Napakunot-noo si April. “Ano ‘kamo, Garrett? Kilala mo siya?” "What? Of course, not. N–ngayon ko lang din nakita ang mukha niya. Teka, bakit walang malay? Hindi mo naman siguro tinodas ang taong ito, ano?" Matinding usisa ni Garett atsaka lumuhod upang salatin ang noo ng estranghero. "Inaapoy siya ng lagnat." April's lips ran dry. Bakit hindi niya naisip kanina na kaya nawalan ito ng malay dahil inaapoy ito ng lagnat? "Ilipat mo muna siya sa couch tapos bahala ka na. Ikukuwa ko siya ng pamalit na damit. Teka." "Hurry up, Rose baka hindi na tayo makaalis. Madaling araw magla-landfall ang bagyo. Kailangan nating makaalis kaagad para puntahan si Aba sa ospital." "Oo sige." At tinakbo niya ang hagdanan papunta sa itaas. Hinalungkat niya ang naiwang mga damit sa cabinet. Ang iba kasi niyon ay naimpake na niya. Lahat ng damit niya ay maliliit dahil wala siyang hilig sa mga maluluwang na pang-itaas. No choice! Iisang damit lang ang mayroon siya na magkakasya sa taong iyon. Ang pinaka-iingatan niyang maternity dress na pangarap niyang isuot noon. "Garett,” Pagbaba niya ay napansin niya ang kakaibang kilos ni Garrett. Hindi siya gaanong kumbensido na hindi kilala ng kaibigan niya ang estranghero. “Yes? N–nandiyan ka na pala.” “Iyong mga bagahe sana sa itaas, ibaba mo na. Aalis tayo bago pa magkamalay ang isang ito. Ako na ang magpapalit sa kanya." Prisenta niya na ikinaawang ng mga labi ni Garett. "What? Are you sure?" Disapproval danced in Garett's eyes. Why? There's nothing wrong with what she said. Kung ano man ang makikita niya, it's no big deal. "Leave his underwear." Mariing habilin sa kanya ni Garett bago ito umakyat. Nervously, April plopped down into the carpeted floor inches away from the stranger with classical attractiveness and choicelessly do what she has to do. Her bothered eyes remained into the man's face. Kung ano ang dahilan ng biglaang pagsiklab ng mga insekto sa kanyang tiyan habang pinakatitigan niya ang mukha ng natutulog na lalaki ay hindi niya rin maunawaan. Para saan ang matinding kaba na iyon? And he has a deep blue eyes, wolfish pair of eyes. Napangiti si April nang maalalang may pagkakataon noon na may ikinukuwento ang Nanay niya na may kaibigan daw itong ganoon din ang description. Iwinaksi ni April ang hindi kaaya-ayang pakiramdam na iyon at sinimulan na ang pag-aalis ng saplot ng lalaki. Tila lumubo pa ang tensyon sa kalooban niya nang dumampi ang kanyang balat nang hawakan niya ang malamig na kamay nito upang sana'y iangat at alisin sa katawan nito ang basang jacket. Ano itong nangyayari saiyo, April Rose? Bakit ganiyan ang reaksiyon ng katawan mo? She decided to continue what she had started. Oras ang kalaban niya kaya kailangan na niyang mabihisan ang estrangherong lalaki. Nagtagumpay naman siyang ialis ang jacket nito nang magtagumpay siyang supilin ang kakaibang tauli ng katawan niya. Sinunod niya kaagad ang T-shirt ngunit marahas siyang napamura nang mahulog ang kanang kamay ng lalaki sa couch at aksidenteng lumanding iyon sa boobs niya. Tila perpekto ang lapad ng palad ng lalaki upang gawing panakip sa pinagpala niyang dibdib. Parang sinindihan ang kanyang katawan sa nangyari. Pinagpawisan siya ng malapot at nanigas sa kanyang kinaroroonan. Her s****l behavior that she thought will be forever lifeless, suddenly changes so drastically with that accidental contact of the stranger's hand on her t**s. May pagkakataon siyang umatras at iwaksi ang kamay nito pero bakit nawalan siya ng lakas upang gawin iyon? With his touch, she could feel something pleasuring her soul. Same feeling when she first made love with her husband. Her n*****s reacted too. Nahihibang na siya. Nababaliw. Marahil ay inaatake siya ng matinding kahibangan. Natauhan lang si April nang marinig niya ang yapak ni Garett mula sa itaas. Inayos niya ang kanyang sarili at mabilisang tinapos ang pagbibihis sa lalaki. "Let's go." Ani Garett na nauna nang tinungo ang pinto dala ang dalawang malalaking maleta. April's still catching her breath as she stared blankly at the man's face for the last time. She still managed to hit the door despite the infirmity of her knees. "HOLY motherfucker! Balak mo bang gibain iyang pinto? Damaging of property itong ginagawa mo. Idadamay mo pa ako." Seryosong sikmat ng kasama ni Wolf na si Klyde Atlas Ricaforte na siyang pinakamatalik niyang pinsan. Hinihingal na umatras si Wolf at itinigil ang mapusok na pagkalampag sa pintuan ng bahay na iyon. Ika-apat na araw na niyang nagpabalik-balik sa bahay na iyon ngunit tulad noong araw na nagising siya ay wala pa ring tao roon. "Malapit nang maubos ang pasensya ko. That woman is really driving me up the wall!" Wolf irritatedly ran his hand against his onyx hair and shoot daggers into the giant door. Pinagtataguan ba siya ng babaeng iyon? "Woman? Are you even sure that the woman you saw here that night is the same woman who has your children? Baka namali ka ng nasagap na impormasyon. Masyadong kang nagiging agresibo. Alalahanin mo, Wolf, wala ka pang matibay na ebidensiya na magpapatunay kung totoo ba ang sinabi saiyo ng nobya mo." "Gracie is not my girlfriend for crying out loud, Klyde!" He frowned. Klyde gave him a smug smile, showing how uninterested he is if Gracie is really his girlfriend or not. "Doesn't matter! Ang sa akin lang, bakit naniwala ka kaagad sa kanya na nabuntis mo nga iyong- what's the name of your ex again?" "Caroline and she's not my ex, damn you." Caroline was the first girl he met after he returned back to the Philippines from São Paulo. Ipinanganak si Wolf sa Pilipinas ngunit noong siya'y dalawang taong gulang ay dinala siya ng kanyang Ina na isang Beauty titlist na Latina sa Brazil. Na-eskandalo kasi ang Mommy n'ya nang mabulgar sa publiko na querida ito ng kanyang Ama na si Wendell Atlas- isang tanyag na doktor mula sa isang prominente at mayamang pamilya ng mga Atlas. He was twenty-five years old when her father asked him to stay in the Philippines for good. Kailangan siya nito upang sanayin siya sa pagpapatakbo ng ilan sa mga negosyo ng pamilya Atlas. Ngayon nga ay prinsipal na siyang namamahala sa Atlas Twin Tower- a fifty-storey high-end residential condominium skyscrapers. Unang taon niya sa pagbabalik-bansa ay nakabuklod siya sa bahay ng kanyang Ama kasama ang legal nitong asawa't kanyang dalawang kapatid sa Ama. Doon ay nakilala niya si Caroline- apo ng mayordoma sa kanilang ancestral house. And like other Brazilian asshole and a typical womanizer, Wolf agressively got into Caroline's pants, taking her for granted for she was too deeply attracted to him. Wolf admitted that he isn't capable of taking relationship too seriously. Isang araw ay isinama si Caroline ng Lola nito pauwi sa hindi niya alam na probinsiya at hindi na muling nagbalik hanggang nitong nakaraan lamang ay naungkat ang alaala ng babae nang makilala niya si Gracie- a new unit owner to one of the Atlas Twin Tower unit. Wolf isn't a mysterious and secretive type of man kaya binubuksan niya ang sarili niya sa sino mang magpakita ng interes sa kanya and Gracie is one of them. He told her some information about him until he mentioned Caroline Aguilera. Masugid kasi si Gracie na malaman ang mga naging babae sa buhay niya which is countless to be honest. According to Gracie, Caroline was her schoolmate before. Small world, though. Sa Maynila ito nag-aral ng kolehiyo, same thing that he remembered when he met the girl. Bumalik daw ito sa probinsiya nila na nagdadalang-tao na. And with his mental calculation, isinilang ni Caroline ang triplets pitong buwan matapos itong nawala sa mansion. Tatlong buwan na halos araw-araw ay kasama niya ito noon kaya malakas ang kutob niya na siya ang Ama ng triplets na isinilang nito. Also according to Gracie, ibinenta raw nito ang triplets sa isang nagngangalang April Rose Trujillo noong nagipit ang pamilya nito at mula noon ay nawala na lamang na parang bula si Caroline. "You know what, Wolf? You're just wasting your time searching for that woman. I don't understand you. Bakit iyong iba mong naging babae kapag ipinipresenta na nabuntis mo, todo deny ka and then now, ikaw na itong naghahabol. Imagine! It's been what? Five years, correct me if I got it wrong. Can't you point out the difference, dude? Kaya hindi naghabol si Carolina saiyo, marahil ay hindi naman ikaw iyong nakabuntis sa kanya." Klyde somehow had a rational point. Lohikal ang pinagbatayan ng sinabi nito. "It's Caroline not Carolina, dickhead!" He corrected Klyde acidly. Pero hindi e. Caroline was a very decent girl, innocent. At batid niya noon na siya ang kauna-unahang lalaki na pinapasok ng babae sa buhay nito kaya may dahilan siya upang ipalagay na siya ang nakabuntis dito. "Whatever her name is, it doesn't concern the s**t out of me at all. My concern here is you and your stupidity, dude. Why don't you hire a PI to find the woman who according to you got your kids, right? You should probably do that, instead of smashing this poor door every f*****g day." Napakamot si Klyde sa makapal nitong kilay, kaugalian nito kapag bored o iritado. "Oh! Or maybe you can ask your newest mistress kung may alam siya kung saan mo pa puwedeng matagpuan ang mga anak mo. Hindi ba't kakilala rin niya ang ina-inahan ng mga bata? Because obviously, the whole damn house is f*****g empty. Do it immediately kasi pati ako naaabala mo nang gago ka." "Because I don't have a driver." Agarang saad ni Wolf at hinarang ang madilim na alaalang sumusundot na naman sa isipan niya nang maungkat ang paksang iyon. He can't drive all by himself. "But you drove up to her that stormy night, didn't you? How did you f*****g do that, anyway?" Napapantastikuhang usisa pa ni Klyde sa kanya. Alam ng lahat na matagal na siyang hindi nagmamaneyobra ng kotse kaya malaking misteryo na nakarating siya ng mag-isa sa lugar na iyon noong nakaraang gabi upang magbakasali na naroon ang April Rose na tinutukoy ni Gracie. April Rose Trujillo. Maybe she was the woman who has his kids and the crazy woman who almost shoot him that night. Ito rin iyong baliw na babae na nagsuot sa kanya ng maternity dress, bagay na nagpapasiklab sa alta-presyon niya hanggang ngayon. Oh f*****g yes. Paano nga ba niya nagawang ipagmaneho ang sarili ng gabing iyon? And what shocked him the most is the fact that he's still alive. "Excuse me, gentlemen!" Isang Ginang ang umagaw sa atensyon ni Wolf at Klyde na hindi nila namamalayang naroon pala sa kanilang likuran. "Interested buyers?" Maliwanag ang ngiting iginawad sa kanila ng Ginang. Interested buyers? Nagpalitan ng nagugulumihanang tingin ang magpinsang Wolf at Klyde. "You mean, this house is for sale? I am Klyde by the way and this is Wolf, my cousin." "I am doctor Zelma Trujillo. You two look familiar." Lumalim ang kunot sa noo ni Wolf. "Trujillo? So, kaanu-ano mo si April Rose Trujillo? Your daughter perhaps or what? Hindi ba siya ang nakatira sa bahay na ito?" Hindi na napigilan ni Wolf na mag-usisa. Disgust suddenly appeared in the woman's face expression like he said the most disgusting words in the world. "April Rose Trujillo? Oh please, young man! That woman is not a part of Trujillo family. Salot ang babaeng iyon. Her surname is Nuyda not Trujillo, my dear." Wolf unbelievably stared at the woman. Napupuna niya na may angkin galit ito sa babaeng iyon. Pero bakit? Kaanu-ano ba talaga nito ang babaeng iyon? "If you don't mind, madame. Can we ask you if you somehow know where can we find April Rose Tru- I mean Nuyda?" Klyde formally asked. Iyon din ang gusto niyang malaman. "No idea." Walang-ganang tugon ng Ginang. "Marahil ay sumama na sa lalaki niya. I don't know and I'm not interested where that woman is as long as she doesn't pestering me anymore. So paano, interesado nga ba kayo na bilhin ang bahay na ito o ano?" Tila hindi yata gusto ni Wolf ang tabas ng dila ng Ginang. Nagagaspangan siya sa ugali nito lalo na kapag si April Rose ang sangkot sa usapan. What the exact f**k is going on? "Kung hindi kayo interesado sa bahay na ito, maaari na kayong umalis." Pagtataboy sa kanila ng Ginang. Nagpatiuna na si Klyde at nagawa pang magpaalam ng pormal sa Ginang sa kabila ng kagaspangan na ipinakita nito. The good mannered man as ever. Susunod na sana si Wolf sa pinsan niya nang may biglaang desisyon ang lumitaw sa utak niya. "Fine! Leave the house alone. Say the price!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD