CHAPTER 36 WHEN MAFIA'S SON FALL IN LOVE (Mature Content) "Wow! Sayo ba talaga itong bahay Dark?" "For us my dear queen, for us." Tumingala ako sa kanya at ngumiti. Kanina niya pa sinasabi na sa aming dalawa ang bahay na nandito sa Tagaytay. Nasa balcony kami ngayon, pinagmamasdan namin ang magandang tanawin na makikita sa paligid, naglalakihang mga punong kahoy na napapalibutan sa bawat kabahayan, habang nasa likuran ko si Dark at nakayakap sa akin, nilagay niya ang kanyang baba sa aking leeg. "Wala akong ni isang ambag sa bahay na ito Dark. Kaya dapat sayo lang." "Hmm… " "Dark, nag-uusap pa tayong dalawa," nahihirapan kong sabi, paano ba naman kung saan-saan na naman napupunta ang mga halik niya. "Basta, sa'yo o ikaw ang may-ari ng bahay… aw," langya talaga itong lalaking ito.