CHAPTER 14 WHEN MAFIA'S SON FALL IN LOVE Halos malula ako sa ganda ng hotel na pinasukan namin ni Dark. Meron palang ganito sa Cebu City. Ang sabi niya hotel daw ito na pinatayo ng mga magbabarkada noong panahon na heartbroken pa sila. Wee.. may ganun ba? Ma search nga yan kinabukasan. "Let's go…" aniya at naglakad na kami patungo sa exclusive room kung saan doon gaganapin ang auction. Mabuti na lang at kahit papano ay marunong na ako maglakad gamit nitong black Stiletto, may pinapili siya pero nagustuhan ko itong t-strap ang style. Wearing my black backless sheath dress, feeling ko ang ganda ko at ang yaman ko na nilalang sa mga oras na ito hanggang matapos ang event na ito ay dapat lubos-lubusin ko na. "I hate it why I let you wear this kind of dress," ayan na naman siya. Siya ang p