CHAPTER 28 WHEN MAFIA'S SON FALL IN LOVE Nasa grocery store kami ng kapatid ko, isinama ko siya para naman magkabonding kami ng matagal. Linggo ngayon at maaga pa lang ay gumayak na kaming dalawa para magsimba muna bago kami pumunta dito sa mall. "Gusto mo ito? Ayaw mo na sa isang biscuits na binili ko palagi sayo?" Malumanay ko na tanong sa kanya. Ngumiti ako na tumango ang kapatid ko. "Okay bibilhin natin ang mga ito. Tapos daan muna tayo ng pharmacy mamaya para bumili ng maintenance na gamot mo, remind mo si Ate ha at baka makalimutan ko." Paalala ko at hinawakan siya sa kanyang kamay para hindi siya mawala sa paningin ko. Sunod namin na pinuntahan ay mga stocks ng mga sabon. Pagkarating namin doon ay kukuha na sana ako ng isa na may nauna na sa akin kung saan ako kukuha. "Sorry,