CHAPTER 19 WHEN MAFIA'S SON FALL IN LOVE "Wait! Saan ka pupunta?" Tanong ni Paloma sa akin. Inayos ko muna ang uniform ko at naglagay ng face powder ang mukha ko na kaya ko namang ipagmalaki mamaya at kaunting lip balm sa lips ko bago siya sinagot. "Sa loob ng office ni boss, girl! Nagpapatimpla ng kape ang boss natin, bibigyan ko lang," sagot ko sa tanong niya kahit hindi naman talaga nagpa timpla ng kape si boss a.k.a ewan. Asawa sa mata niya! Malilintikan ka talaga sa akin kapag may ginawa kang milagro dos diyan sa opisina mo, hay naku na lang Dark Romanoz. Makikita mo na lang na nagliliparan na ang mga gamit mo sa opisina kung ako mainis. "Huh? Nagsabi ba? Kailan lang?" umirap ako sa kawalan. Isip-isip Chevy kung ano ang dahilan mo. "Basta nagsabi girl! Busy ka lang sa kaus