NATHAN POV Gamunggo kaagad ang pawis ko sa mga nangyayari. "Ba-baka lasing ka lang kaya nagagawa mo ito. Look, ayaw ko sanang humantong ito sa ganto dahil nirerespeto kita bilang boss ko. Ang mabuti pa siguro ay magpahinga ka na, uuwi na rin ako," sambit ko sabay pwersahang alis sa kanyang kamay. Sa isang iglap, bigla na lamang niyang hinalikan ang bibig ko. At sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi na ako nakapikit pa. Hindi ako makapaniwala na magka dikit na ang labi naming dalawa. Hinawakan niyang maigi ang ulo ko at halatang halata na nasasabik siya sa mga labi ko. Ganito ba ka wild si Hannah? Does it mean na nag cheat ako kay Joyce... hindi! Wala na kaming dalawa kaya wala na akong taong masasaktan. Lalaki naman ako at wala namang mawawala sa akin kung papayag akong makipag