Chapter 2

1212 Words
Celine's POV, Nakaupo ako sa cafe habang pinagmamasdan ang mga taong dumadaan. Nasa labas ako ngayon, mas pinili kung mapag-isa, dala-dala ko ang folder ng mga pinatay ng mga assassin na iyon. Tahimik na ang trabaho ko sa USA tapos pauuwiin nila ako dito, damn! At kasalanan ito ng mga assassin na iyon! They will pay for this! Hindi na ako nagpasama sa mga army na nasa base, mas gusto ko na ako lang mag-isa. Humigop ako ng kape ko  habang tinatanaw sa labas ang tatlong lalaki na papasok sa cafe, naka leather jacket sila. It's look like a gangster, but a stunning and gorgeous gangster. The hell I care. "Can I sit here Miss?" Agaw pansin sa akin ng isang lalaki na naka tuxedo. Kaagad naman akung tumango, nakangiti itong umupo sa harapan ko. "Thanks, by the way I'm Jethro." He said at itinaas ang kamay niya para makipag kamay sa akin. Hindi naman ako bastos na babae, pinalaki ako ng maayos ni Daddy. "Celine." Sagot ko at tinanggap ang kamay niya, matamis na ngumiti ito sa akin. His handsome but not my type. "You know what, you look familiar." Saad nito ng bitiwan niya ang kamay ko. Tinignan ko siya at tinuro ang T.V na nasa loob ng cafe, which is ako ang laman ng balita. Headline lang naman na bumalik na ang anak ng general, the hell I care. "Damn! Sorry about that Captain Galaxy, hindi kita namukhaan agad." Natatawang saad ng lalaki, ngumiti ako sa kanya. Siya lang ang tumuwa matapos malaman na ako si Galaxy. "It's okay, call me Celine not Galaxy please." Wika ko sa kanya, isang munting tawa nito ang narinig ko. "Okay, Celine. You look beautiful." Saad nito, isang munting tawa ang pinakawalan ko ng dahil sa sinabi niya. "What? I'm just telling the truth." Usal pa nito kaya napatawa pa ako. Hindi lang ako sanay na may nagsasabi sa akin ng harap-harapan matapos malaman na ako si Galaxy. "Okay, thanks. Will are you busy?" Tanong ko sa kanya, maayos din naman pala kausap ang isang ito. "Hayss, sadly yes. Lumabas lang ako para magpahangin, my company need me. Bakit?" Kaya pala naka tuxedo siya, sayang. Ipapakilala ko sana siya kay Daddy. "Nothing, nagulat lang ako sa inasal mo." Wika ko, ngumiti ito at nilahad sa akin ang phone niya. "If you don't mind can I get your number. If I have time I will treat you dinner." Magiliw na saad nito, napapangiti ako sa mga ngiti niya. Tinanggap ko ang phone nito at nilagay ang number ko. "Call me." I said and smile at him. Kaagad na ngumiti pa ito at tumayo sabay hawak sa kamay ko at hinalikan ito. Nagulat pa ako sa ginawa niya pero, kaagad din naman akung nakabawi. "Of course. Sorry about this, but I have to go." Saad nito, ngumiti ako sa kanya at tumango. "It's okay. Maybe next time. I had fun talking to you Jethro." I said, isang munting tawa na naman ang narinig ko mula sa kanya. "Really? Will me too. Next time then, have a nice day Celine." With that kumaway siya sa akin habang palabas ito ng cafe. Hanggang sa nawala na ito at sumakay sa kotse niya. I like gentleman guy. Kinuha ko ang take out ko na order at tumayo. May aayusin pa ako tungkol sa assassin na iyon, I need to hunt them down. Para makabalik na ako sa USA, hindi ako sanay dito sa Pilipinas. Nadaanan ko pa ang tatlong lalaki na pumipila habang nag-aaway, seriously? Ang lakas-lakas pa ng mga boses nila. "Hinayupak ka pala eh! Kill will surely kill you kapag mali ang nabili mo! Wala na tayong pera gago!" Sigaw sa kanya ng lalaki na pula ang buhok. Napabusangot naman ang lalaki na blue ang buhok. "Sa nakalimutan ko ang bilin niya eh! Hoy Knov, tawagan mo nga si Kill kung ano ang pinabibili niya! At Kite pwede ba mag-isip ka nalang bobo!" Sigaw sa kanila ng lalaking blue ang buhok. The hell? I heard those name. Napailing nalang ang lalaki na tinawag niya na Kite, habang ang lalaki naman na tinawag niya na Knov may hawak na cellphone. Napailing nalang ako, ng tinawag ako ng lalaking kulay blue ang buhok. Kaagad na tinaasan ko ito ng kilay. "Hoy! Bakit ka nakatingin sa akin?" Tanong nito, napaikot ang mata ko. Seriously? Hindi lang naman ako ang nakatingin sa kanila ako lang ba ang napansin nila. "Why should I not look at you, you look like stupid." Saad ko, mas lalo lang akung napairap ng hawakan nito ang ilong niya. "Anong sabi? Minura niya ba ako?" Tanong nito sa tinawag niya na Kite, seriously? Saan ang utak ng lalaking ito. "Iwan ko, tanungin mo gago! Nagpapakagago bobo kana naman!" Bulyaw sa kanya ng Kite bago ako tinignan. "Sorry about that, nababaliw lang ang kaibigan ko." Sagot nito sa akin, tumingin ako sa lalaki habang nagsasalita ito. Halata naman na may pinag-aralan sila, pero nagpapakabobo. "It's okay, I'm just shock when that blue guy, say those names." Pag-amin ko, talaga namang nagulat ako. Paano ba naman ang weird ng mga pangalan nila. Nakita ko ang pagsimangot nilang tatlo habang nakatingin sa akin. What? May nasabi ba ako? "Talaga naman oh! Ano kaba naman Tetsuya! Sinigaw mo pa ang mabantot nating pangalan!" Bulyaw sa kanya ng tinawag niya na Knov, damn! Seriously? Tetsuya? Ang sarap tumawa! "Kasalanan ko pa talaga! Matalas ang tenga niya eh!" Sigaw naman ng lalaking tinawag nilang Tetsuya. Tapos tumalikod ito habang bumubulong-bulong. Isa lang ang masasabi ko, bata isip! "Damn!" Saad ko at umalis na lugar na iyon, tinawag pa nila ako pero hindi na ako lumingon. Tuloy lang ako sa paglabas, ang ingay nila. Lumakad pa ako papunta sa kotse ko dahil walang space kanina na pwedeng mag park ng kotse sa harap ng cafe. Narating ko ang kotse ko, pero ang nakaagaw ng atensyon ko ay ang lalaking nakasandal sa isang kotse na nakaparada sa likuran ng kotse ko. Naka tuxedo siguro ito, pero naka pulo nalang ito at nakayuko habang nakasandal sa pinto ng kotse niya. Iniwas ko ang mata ko at nagtuloy nalang ako sa kotse ko, pero napatingin ulit ako sa lalaki nakakaagaw pansin ang kulay grey nitong buhok, mataas din ito. Damn! His handsome. "You can picture me, I don't care but just stop staring." Napaigtad ako ng magsalita ito at dumapo ang tingin sa akin. Pakiramdam ko natulos ako sa kinatatayuan ko ng makita ng buo ang mukha niya, like his hair he have a grey eyes. Napabalik lang ako sa wisyo ng tumawa ito binato sa akin ang panyo niya na kaagad ko namang nasalo. "Harap-harapan mo talaga akung pinag papantasyahan. Babae nga naman." Wika nito at napailing, doon na bumalik sa tamang wisyo ang utak ko. Tangina! Natulala ba talaga ako? "What! Mangarap ka! Asa kapa! Hambog!" Sigaw ko sa kanya at binato pabalik ang panyo niya, sinalo niya ito at tinapon sa kalsada. "Nahawakan mo na, madumi na iyon. Baka naman may tissue ka jan, nakikita ko pa kasi ang laway mo. Kadiri!" Saad nito at basta nalang pumasok sa kotse niya. Hindi ako nakasagot sa sinabi niya, pero basta nalang dumapo ang kamay ko sa gilid ng labi ko. Gago! Wala naman ha! Gago! Mabilis akung pumasok sa kotse ko at hinampas ang manibela ko! Tangina! Sa susunod na magkita ang landas namin ng lintik na iyon, makikita niya talaga ang buong galaxy! Tangina! Napahiya ako doon ha! Tangina! Gago!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD