Chapter 40 Hanna Nandito kami ngayon ni Dexter sa Costa Villa, dito sa bahay ni Tita. Maaga pa kaming nabyahe mula sa Holand. Nakaupo kami sa lamesa habang iniikot-ikutan kami ni Tita. Pareho pa kaming nagulat ni Dexter, nang hampasin ni Tita ang lamesa. "Mabuti naman at may mukha ka pang iharap sa akin impaktong kapreng puti ka! Pagkatapos mong tangayin ang apo ko may gana ka pang magpakita sa akin? Eh, kung biakin ko kaya 'yang ulo mo? Tarantado ka pinapataas mo ang dugo ko sa ginawa mong iyon!" sermon ni Tita kay Dexter. "Pasensya na po-" Hindi natapos ni Dexter, ang kanyang sasabihin ng magsalita ulit si Tita. "Anong pasyensya-pasensya, ha? Eh, kung na highblood ako noon? Sa tingin mo kaya may magagawa 'yang pasensya mo? Mabuti at hinatid mo rito ang pamangkin ko at ang ap