Chapter 41 Hanna Ilang buwan ang lumipas, sasapit na ang kaarawan ni Angelo sa susunod na buwan. Maayos naman ang pagtira namin ni Angelo sa condo unit ni Dexter. Wala naman akong naging problema dahil binibigay naman ni Dexter, ang pangangailangan namin ni Angelo. Kasalukuyan nandito kami sa Heaven City. Dinala kami ni Dexter, dito kay Mama Lou dahil may medical mission ito malapit lang dito sa Heaven City. "Ano kaya ang pumasok sa utak ni Dexter at dinala niya kayo rito? Kung hindi pa ako pupunta sa Holand, hindi ko pa makikita itong apo ko," tanong sa akin ni Mama Lou. Karga-karga ko naman ang anak ni Allea na si Gabby. Ang cute nito at nakakaaliw na kung kulitin. Nagre-response na ito kapag kinukulit siya. Ilang buwan na rin kasi ito. "Ewan, ko po kay Dexter, Mama. Mabuti ng