Chapter 54 Hanna Kasalukuyan nagkakape kami ni Mr. White, dito sa coffee shop sa harap ng paaralan. Katatapos niya lang magturo sa akin. "Napapansin ko, Hanna parang palagi ka na lang nakangiti. Siguro mayroon ng nagpapa-inspired sa iyo ano?" hindi ko inaasahan na tanong niya sa akin. Napapansin niya rin pala ang pagiging palangiti ko nitong mga nakaraang araw. "Halata ba na masaya ako, Mr White?" Tumango-tango siya sa tanong kong iyon at uminom ng kape. "Oo, halata at napapansin ko rin na lalo kang nagiging blooming. Medyo nagkalaman ang katawan mo," sabi pa nito sa akin. Hindi niya na lang sinabi na tumataba na ako. Ang galing kasi ni Dexter, mag-alaga. "Syempre, maayos na po kami ng ama ng anak ko, Mr. White." Ngumiti siya ng marinig ang sinabi ko. "Sino si Dr. Villega? Siya
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books