Chapter 53 Hanna Kinabukasan nagising ako sa boses ni Dexter, na kumakanta mula sa kusina. Dito sa kanyang rest house. Dito na nga kami nagpaumagang dalawa. Bumangon ako sa kama. Nakita ko ang roba na nakasabit sa may pinto, kaya kinuha ko iyon at iyon muna ang itinakip ko sa aking hubad na katawan. Hindi ko kasi alam kung saan ang mga damit na hinubad ni Dexter kahapon. Lumabas ako ng silid ni Dexter at nagtungo sa kusina kung saan naroon siya at kumakanta. "Good morning," bati ka sa kanya. Malawak ang mga ngiti niya sa akin habang nagsasangag siya ng pagkanin na naiwan sa in-order niya kagabi. "Good morning, wife. Ang aga mo nagising. Imagine, weekend ngayon kaya wala kang pasok," paalala nito sa akin. Lumapit ako sa kanya at yumakap sa kanyang likod. "Nakasanayan ko na ka