Chapter 50 Hanna Ang bilis lumipas ng panahon kalahating taon na akong nag-aaral. Subalit araw-araw parang may nakabaon na punyal sa dibdib ko. Hindi ko kasi makalimutan 'yong araw na pumunta kami ni Dexter sa restaurant. Naroon si Tina, kasama si Mama Lou at Angelo. Nang magtungo si Mama Lou sa banyo sinabi sa akin ni Tina, na masayang-masaya siya dahil sa wakas malapit na silang ikakasal ni Dexter. "Alam mo ba, Hanna? Noong nasa Europe kami ni Dexter, halos sasabog ang dibdib ko dahil palaging si Allysa, ang nasa isip niya. May punto pa nga na sinabi ko sa isip ko na sana maghiwalay na lang sila ni Allysa, para bumaling ang tingin niya sa akin. Tapos no'ng marinig ko na wala na sila ni Allysa, natuwa ako, kaya umuwi agad ako rito upang sundan siya. Subalit nagulat ako ng malaman n