Chapter 49 Dexter "Alexander ikaw ang mata ko kay Hanna, kapag nandito siya sa paaralan. Hindi niya alam na dito ka nag-aaral. I-report mo sa akin kung sino ang kasama niya palagi at kung ano ang ginagawa niya," bilin ko kay Alexander, nang pumasok si Hanna sa loob ng eskwelahan. Dito rin kasi siya mag-aaral. "Opo, Kuya. Ire-report ko po oras-oras ang ginagawa ni Ate," tugon ng pinsan ko na pinapaaral ko rin. "Okay, good. Nag-deposit pala ako ng allowance mo sa bangko mo. Pwede mo na iyong widraw-hin. Sige, uuwi na ako," paalam ko kay Alexander. Dito kami sa kapehan. Inubos ko ang kape ko at lumabas sa coffee shop. Bago ako umuwi nagtungo muna ako sa munisipyo para officially na ma-registered ang mga document na nilagdaan ni Hanna kagabi. Pagkatapos kong ipasa ang document tumaw