Chapter 33 Tuwang-tuwa ako dahil naubos ko ang paninda ko na mga gulay at kakanin. Maaga ko pa iyon nilako at may kasama na rin na puto na ginawa namin kagabi ni Tita. Sa dalawang buwan namin na pag-uwi ni Angelo, rito sa Costa Villa ito na ang araw-araw kong ginagawa para matugunan ko ang pangangailangan namin araw-araw. Nahihiya rin kasi ako na umaasa na lang kay Mama. Ang pera na binigay sa akin ni Emerald, 'yon ang pinangpuhunan ko. Ang iba binili ko ng mga buto ng gulay upang may maitanim kami ni Tita. Sa tuwing naglalako ako ng kakanin at gulay si Tita, ang naiiwan at nagbabantay kay Angelo. Malapit na ako sa bahay ng marinig ko ang pagtatalak ni Tita. Parang may kalaban ito. "Mahuli lang talaga kita putol talaga 'yang ulo mo sa itaas at pati sa ibaba. Ano na kaya ang gagawin k