Zoe's point of view
Eight years later...
Nakatitig ako sa puntod ng mga magulang ko dahil ngayon ang kanilang death anniversary. Mapait akong ngumiti sa kawalan habang inaalala ang mga panahong masaya ako at kasama ko pa silang dalawa. Hindi ko lang matanggap na wala na sila, bahagya kong naramdaman na tumutulo ang mga luha ko. Mabilis ko itong pinunasan at huminga ng malalim, tumayo narin ako sa pagkakaluhod sa damuhan para umalis na dito.
I'm Zoe, 20 years old. I'm still studying but since it's vacation. Ito ang tyansa para magtrabaho ako at makapag-ipon para sa pag-aaral ko.
Noong mamatay ang mga magulang ko, walong taon ang nakalipas ang uncle ko na ang nagpalaki sa akin. Ang sabi ni uncle hindi daw ligtas ang buhay ko dito sa Pilipinas kaya dinala nya ako sa states para doon tumira at mag-aaral, kasama ang pamilya nya at simula noon. My uncle changed my name as I started living on them. I don't know why but he said it because he doesn't want me to get hurt because of my surname.
Simula noon ako nalang ang nakakaalam ng tunay kong pangalan na ako si Zoe Corpuz, hanggang sa maging labing-walong taon ako. Nagdesisyon ako na bumalik ulit dito sa Pilipinas dahil masyado na akong matanda para makisiksik pa sa pamilya ng uncle ko, simula noon ay wala na akong alam kung ano ang kalagayan nila ngayon.
Until then, a bittered smile drew on my lips as I remember what happened eight years ago. I will never forget what happened that day, we've been kidnapped by that man, who killed my parents merciless. I see lots of armed men around on us and I'm too young those times. I don't know what's going on. I can't do anything but to watch my parents dying on my side. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha ng lalaking iyun, kinamumuhian ko sya, wala syang puso at kahit kailan hinding-hindi ko sya mapapatawad sa ginawa nya sa mga magulang ko. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko upang isipin na ito siguro ang pangalawang buhay ko. Malaki ang pasasalamat ko sa lalaking inutusan na patayin ako dahil nagkaroon siya ng puso upang hayaan akong mabuhay.
I'm here in the cemetery to visit my parents grave. I suddenly make a heavy sighed as I managed myself not to cry. Mabilis na akong tumalikod at isinakbit ang bag sa braso ko at dahil malapit narin ang pasok ko sa part-time job na pinagtatrabahuhan ko ay umalis narin ako.
Madali akong nagpara ng taxi at sumakay. Mabilis rin akong nakarating sa trabaho ko ay pumasok na ako sa loob. Ako ay nagtatrabaho sa bar na ang mga pumupunta dito ay mayayaman at kilalang tao. Oo, dito ako sa bar nagta-trabaho pero hindi bilang dancer o nagta-table sa costumers dahil ang trabaho ko dito ay bilang bartender.
"Oh, Zoe you are already here, masyado pang maaga ah?" Ang sabi ni Miss Anne na syang manager ng bar na ito.
Isang tipid lang na ngiti ang sinagot ko sa kanya nang tawagin nya ako at lumapit sya sa akin.
"Hehe, wala naman po kasi akong ginagawa kaya ayos lang sa akin kahit na maaga po akong pumasok dito Miss Anne." Sagot ko sa kanya, tumango sya at ngumiti sa akin.
"Then, it's good I choose you to work on here Zoe." Ang sabi pa ni Miss Anne na ikinatango ko.
Isang mabait na manager si Miss Anne na kahit 24 years old palang siya ay mayroon na siyang napatunayan sa buhay. Ang magtrabaho bilang bartender sa bar na ito ay isa talagang malaking bagay na sa akin.
"Sige po, maraming salamat Miss Anne." Sagot ko kay Miss Anne na ikanatango nya.
"It's fine Zoe keep on doing good work, okay?" Ang sabi pa ni Miss Anne pagkatapos ay iniwan narin ako dahil mukhang mayroon pa siyang pupuntahan.
Umalis narin ako at pumasok sa loob ng stuff room para magpalit ng uniform na pang-trabaho at mag-ayos narin ng sarili ko. Halos magta-tatlong buwan narin pala akong nagtatrabaho dito sa bar at sa buwan na lumipas. Masasabi kong naging sistema ko na ang magtrabaho dito.
Noong makita ko si Mia na naglalakad papunta sa akin. Isa rin sya sa mga nagtatrabaho dito sa bar at naging kaibigan ko agad dito dahil noong unang pasok ko dito, siya na ang unang kumausap sa akin.
"Zoe, mabuti naman nandito ka narin!" Ang ng babae ito na alam kong may iku-kwento sa akin.
"Oh, bakit?" Tanong ko sa kanya na ikinagulat ko matapos nya akong kapitan sa braso at kiligin.
"Hehe, may iku-kwento ako sayo."
Ang sabi pa nya na sobrang lapad ng ngiti, bahagyang kumunot ang noo ko dahil doon. Ano kaya ang sasabihin ng babaeng ito?
"Hmm, tungkol saan?" I asked Mia again while thinking about it because I know this woman.
May pagiging tsismosa at madaldal ang babaeng ito kaya alam kong may panibago na naman syang nasagap na tsismis para ikuwento sa akin.
Si Mia ay isa rin sa mga nagtatrabaho dito sa bar pero ang trabaho nya dito ay isang waitress na nagta-table rin sa mga lalaking pumupunta dito. Hindi ko alam kung bakit mas gusto ng babaeng ito magtable ng mga lalaki kahit na pwede naman syang magpalipat ng trabaho dito. Magaling kaya mag-mix ng mga alak ang babaeng ito katulad ko pero ang sabi nya sa akin. Isang boring daw na trabaho ang maghalo ng alak para sa kanya. Hindi sya makahanap ng lalaking mayroong apat na 'M'—Mayamang Matipunong Marunong Magmahal. Hindi ko nga akalain na kahit ganito ang trabaho nya ay virgin pa siya.
She said, living in this cruel world is we must have to be practical for the three things on ourselves. It's about the love, life and our future.
"Zoe alam mo ba pupunta daw dito mamaya ang may-ari ng bar na ito?" Ang sabi ni Mia sa akin na ikinahinto ko at hinarap sya.
Ang alam ko na sabi ni Miss Anne ay ni minsan, hindi pa dito pumupunta ang may-ari ng bar na ito pero marami ang nagsasabi na sobrang yaman daw ng may-ari nito at misteryosong tao.
"Oh, gosh! Marami ang nagsasabi na binata pa ang may-ari ng bar na ito pagkatapos ay sobrang yaman at gwapo!" paliwanag nya sa akin na ikinangiti ko ng tipid at tinignan sya.
"Mia hindi naman importante sa akin kung sino o mayaman at gwapo man ang owner ng bar na ito." Ang nasabi ko sa kanya, nakita ko syang ngumiwi pagkatapos ay pinag-krus ang mga braso nya.
"Zoe minsan isipin mo namang huwag puro paghahalo ng alak. Mabuti pa mamaya sumama ka sa akin para makilala nating dalawa ang gwapong may-ari ng bar na ito, hehe!" Ang sabi nya sa akin na ikinangiwi ko dahil sa pinagsasabi ng babaeng ito.
"Mia ikaw nalang dahil hindi ako interesado na makilala ang may-ari ng bar na ito." Sagot ko sa kanya pero kumunot-noo ako nang makita ko syang huminto sa kinatatayuan niya.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ko kay Mia dahil bigla syang natahimik na mukhang may biglang naalala.
"Zoe alam mo ba mayroon ding kasi na sabi-sabing hindi lang isang simpleng maimpluwensyang tao ang may-ari ng bar na ito. I don't know if it's true about the rumors that our boss is also a mafia but Zoe who do you think believe mafia exist, right?" Paliwanag pa sa akin ni Mia na ikinatigil ko. Ano daw?
"A mafia?" Gulat na sabi ko pa dahil sa sinabi nya.
"Uh-huh, mafia iyun yata yung tawag sa samahan ng isang organisasyon na ang pagpatay sa kanila ay ordinaryong gawain lang." Paliwanag nya sa akin na kinatahimik ko at mahigpit na napakapit sa damit ko.
"Zoe sa tingin mo totoo ba na may Mafia?" Narinig kong tanong pa sa akin ni Mia na mabilis kong ikinalingon sa kanya pagkatapos ay umiling.
"Mia hi..hindi naman siguro totoo iyon." Ang tanging nasagot ko sa sinabi nya.
"It's only what I heard but who knows about it. Oh, sige dyan ka na Zoe mamaya naman tayo magtsikahan dahil magsisimula na ang trabaho ko at maghahanap pa ako ng lalaking may apat M!" Ang sabi pa nya at iniwan na nga ako dito sa stuff room.
Isang buntong-hininga ang ginawa ko habang iniisip ang sinabi ni Mia sa akin pero iwinaksi ko agad iyun sa utak ko at isipin nalang ang ibang bagay.
I shouldn't think those things that Mia told me. Ito lumabas narin ako sa stuff room pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ko. Ito nagsimula na akong magtrabaho dahil alas-singko narin naman ito ng hapon at marami na ang pumapasok dito sa bar.
"Serve me one glass of Cocktail with your best flavored ingredients."
Ang sabi ng lalaking umupo sa stool na nasa harap ng liquor counter. I give a glance to this white guy wearing a seductive smile but I ignore it.
"Yeah, right up!" I just said. I started mixing his drink and minutes passed. It's already done. Mabilis ko itong inabot sa kanya na kinuha nya rin agad.
"One glass of vodka please!" Sabi rin ng isang lalaki sa gilid ko, tinignan ko ito na mukhang umiiyak yata. Hindi na ito bago sa akin kaya ang ginawa ko ay ibinigay agad hiling nyang inumin.
"Give me your hottest drink Miss!" Sabi pa ng lalaki na nasa kabila ko na mukhang gusto na uminom. I see him waiting and based on his posture, this man is a kind of alcoholic person.
"I will give you our best drink mister."
Isang ngiti ang gumuhit sa labi ko habang sinasabi iyun sa lalaking ito. Simula nang tumira ako sa states, itong paghahalo ng alak ang naging libangan ko. Isang ngiti ang gumuhit sa labi ko nang matapos na ako sa pagmi-mix ng alak.
"This is hard liquor with neural spirits, I hope you like it." Ang sabi ko pa sa lalaking ito pagkatapos ay tumalikod na para sa iba pang mga costumer.
Noong mabaling ang tingin ko sa lalaking pumunta sa harapan ko. Ang ngiti sa labi ko ay nawala at napalitan ng takot sa lalaking ito. Umatras ako ng bahagya sa kinatatayuan ko habang ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko sa kaba. Lalo na matapos magtagpo ang tingin naming dalawa.
"I want a shot of your best seller here." Seryosong sabi nya habang ang mga tingin nya ay nakatuon parin sa akin.
Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya habang ramdam ko ang panginginig ng katawan ko dahil sa mga mata nyang titig sa akin.
I cleared my throat as I still managed to move myself, even my body is trembling because of fear. I tried to not shed a tears on my eyes as I still feel his eyes looking at me. I hold the bottle of vodka and mix it. Until then minutes passed and I'm done making the drink he wants.
Hindi ko alam ang gagawin ko habang ramdam ko parin ang panginginig ng buong katawan sa takot at galit sa lalaking nasa harap ko. Ang lalaking ito na hinding-hindi ko makakalimutan, ang taong dahilan kung bakit namatay ang mga magulang ko. Ang demonyong ito na siyang sumira ng buhay ko, gusto ko syang lapitan para ilabas ang matinding galit ko sa kanya pero wala akong magawa.
"This is our be..best seller he..here mister." Ang nasabi ko sa kanya habang nanginginig itong inabot sa kanya.
Noong nakita ko syang kinuha ito pero hindi ko na hinintay na makita nya itong inumin dahil mabilis na akong tumalikod para umalis na dito. Hindi ko kayang makita ang lalaking ito, noong bigla akong natigilan matapos kong maramdaman ang kamay nya sa braso ko.
"Saan ka pupunta?" Ang sabi nya sa akin habang ramdam ko ang mabilis na t***k ng puso ko at dahil sa gulat ay mabilis kong inagaw ang braso ko sa kanya pero hindi nya man lang ito binitawan na mas ikinataas ng balahibo ko sa kanya.
Hindi ko sya sinagot at umiwas ng tingin, pagkatapos ay pinilit na binawi ang braso ko na hawak niya, noong bigla nalang akong natigilan sa susunod nyang ginawa. Mas bumilis ang t***k ng puso ko nang maramdaman ko ang labi nya na dumampi sa labi ko. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero kaagad ko syang syang tinulak at malakas syang sinampal sa pisngi.
"Lumayo ka sa a..akin." Ang tanging lumabas sa bibig ko at umatras palayo sa lalaking ito habang ramdam ko ang patuloy na pagtulo ng mga luha ko na nakatitig sa lalaking ito.
Noong lumingon ako sa paligid namin, lahat ay sa amin na pala nakatingin dahil sa nangyari parang ang buong paligid ko ay tumigil habang and lahat ng mga tao dito sa bar ay nasa akin ang atensyon.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pero ang tanging nasa isip ko nalamang ngayon ay umalis at lumayo sa lalaking ito. Mabilis akong tumakbo palabas dito sa bar habang umiiyak.
"Zoe!" Narinig ko ang boses ni Miss Anne na tinawag ako na halatang nagulat sa pag-alis ko.
"Zoe saan ka pupunta?" Sigaw rin ni Mia sa akin pero hindi ko sila pinansin.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero ang tanging nasa isip ko ay lumayo sa demonyong lalaking iyun. Umiiyak ako habang tumatakbo pero bigla nalang akong natigilan noong mayroon humila sa braso ko at basta nalang tinakpan ang bibig ko.
"Hmm..hmm..hmmm!" Pilit akong nagpupumiglas sa taong ito habang tumutulo ang luha ko pero wala akong magawa.
Noong maramdaman ko nalang ang pag-ikot ng paningin ko, sinubukan ko pang tumakas pero tuluyan na akong nawalan ng lakas ng katawan hanggang sa hindi ko na alam kung ano ang nangyari pagkatapos na tuluyang pumikit ang mga mata ko.
His point of view
"Young Master ano ang balak nyong gawin sa babaeng iyan dahil sa ginawa nya sa inyo?"
Narinig ko na tanong ni Robin na syang nagmamaneho ng kotse ko. Isang malademonyong ngisi ang lumukob sa labi ko at tinignan ang babaeng ito na mahimbing na natutulog sa tabi ko.
"Young Master papatayin nyo ba ang babaeng iyan?" Tanong pa niya sa akin.
"No." Sagot ko at pinagmasdan pa ang babaeng ito na para sa akin ay ang unang magandang babaeng nakita ko.
"She's the only one I see who hurts you Young Master. Do you really doesn't want to give this woman a punishment?" Tanong pa ng tauhan ko na mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ko pero ngumisi lang ako.
"I know but the punishment I will give on this woman is the feeling of living in hell with me."
Ang sabi ko sa kanya pagkatapos ay malademonyong ngumisi habang nakatingin sa babaeng ito habang iniisip ko na ito na ang simula ng lahat.
I'm Kaizen Zeus, 27 years old. They'll know me as the ruthless demon. A leader of an organization, known as the Mafia Prince. Ang pumapatay ng walang awa sa mga gustong kumalaban sa akin at nagbibigay ng parusa sa mga lumalabag sa utos ko. Isang tao na hinding-hindi mo gugustuhin na makilala at makasama. Nobody wants to fight against me or else do you want to feel how comes hell in my hands.