Zoe's point of view
It's been months now that I'm staying here in this house. I'm here in the balcony inside of my room where I can see those man wearing their suit guarding the whole place. A bittered smile drew on my lips as I thought of my life staying here for passed months.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko at umalis na sa balkonahe. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto sa akin ng lalaking iyon. Why he forced me to stay here in his house but still being nice with me. It's making me confused, especially to a demon like him. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa ipinapakita nya sa akin o iyon lang ang rason para makuha nya ng loob ko. Ilang araw narin ang nakalipas na wala sya sa bahay na ito at sa araw na lumilipas parang nasasanay na ako sa bahay na ito. Hindi na ako nakakaramdam ng takot na baka mayroong masamang balak sa akin si Kaizen dahil ibang-iba iyon sa nasasaksihan ko at ipinapakita nya sa akin.
"Young Miss mabuti naisipan nyong pumunta dito sa kitchen. May gusto po ba kayong kainin?"
My attention caught on the maid when I suddenly realized, I'm here in the kitchen. Hindi ko na napansin na papunta na pala ako sa kitchen dahil sa malalim na pag-iisip. Isang simpleng ngiti ang sinagot ko kay manang pagkatapos ay dumeretso ako papunta sa cabinet kung saan nakalagay ang mga pagkain.
Isang ngiti ang gumuhit sa labi ko pagkatapos ay hinarap ko si manang na sinundan ako.
"Manang pwede po ba akong magluto ng pancake dito?" Tanong ko sa katulong na ikinagulat nito.
"Naku, young miss hindi nyo na po kailangang magluto kami na po ang gagawa ng pancake para sa inyo." Sagot nya sa akin na ikinailing ko ng mabilis kay manang.
"Manang gusto ko po sanang ako ang gumawa ng pancake." Sagot ko kay manang pagkatapos ay ngumiti sa kanya saka ko kinuha ang aipron na nandito sa kusina at sinuot ito.
"Young Miss si..sigurado po ba kayo na kayo na ang gagawa?" Tanong sa akin ulit nya na ikinatango ko ng tipid.
"Opo, gusto ko talagang gumawa ng pancake." Ang tanging sinagot ko kay manang at kumuha na ng mga kakailanganin para sa pancake na gagawin ko.
Samantala hindi ko mapigilang ngumiti dahil matagal ko nang hindi nagagawa ito ulit. Lagi akong gumagawa ng pancake sa apartment ko sa tuwing wala akong ginagawa o kaya gusto kong kumain.
Now, I finished preparing all the ingredients as I ignored the maids trying to stop me by what I'm doing here in the kitchen.
"Young Miss gusto nyo po bang tulungan namin kayo ka..kasi po baka magalit si Young Master sa amin dahil ginagawa nyo ang dapat naming trabaho eh." Ang sabi ni manang na ikinailing ko at nginitian siya.
"Manang ayos lang ako dito, isa pa wala naman dito si Kaizen kaya huwag na kayong mag-alaala sa akin." Ang sabi ko sa kanya at nagsimula na sa gagawin ko.
Alam kong simula na mapunta ako sa bahay na ito. Ang tanging nararamdaman ko ay takot at lungkot, lalo na matinding galit ko sa lalaking iyon. Lagi kong iniisip na baka may mangyaring masama sa akin, natatakot ako sa pwedeng mangyari sa akin dito pero habang tumatagal pakiramdam ko unti-unting nawawala ang takot sa dibdib ko. Hindi ko nakakalimutan kung paano ako nakarating dito at kung gaano kasama ang lalaking nagdala sa akin dito. He is the one who killed my parents and I will never forget it but I don't want myself live in feared all the time. It's hard to stay with that man but I can't explain that I started liking to stay in this place.
Hindi ko alam kung tadhana ko na ba ito pero naalala ko ang sinabi ni mama sa akin. Ang lahat daw ng mga bagay na nangyayari sa atin ay may dahilan. Hindi ko alam ano ang dahilan kung bakit ito nangyari sa akin ngayon pero hindi ko hahayaang lamunin ako ng kalungkutan at galit sa puso ko dahil lang dito.
Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa labi ko matapos kong ilagay sa frying pan ang unang pancake pero biglang nawala ang ngiti sa labi ko.
"Oh, f**k!" He cursed as I see him walked towards on the maid here in the kitchen angrily.
"Who the f*****g hell command her to cook huh?!" Galit na sabi nya sa mga maid na ikinatigil ko sa kinatatayuan ko dahil nandito na siya.
Mabilis kong iniwan ang ginagawa ko dito sa kitchen at pumunta sa dining area para puntahan si Kaizen. He is really mad as I see how he glares on his maids. The maids feel frightening because of him and even I'm afraid too. Mabilis akong lumapit sa kanila at hinarap ang lalaking ito.
"Kaizen hu..huwag kang magalit sa kanila." Ang tanging lumabas sa bibig ko habang nakatingin sa kanya at nasa tabi ko naman sila manang.
"I'm damn f*****g mad because it's not your responsibility!" Sigaw nya sa akin na ikinalunok ko ng laway ko habang ramdam ko ang mahigpit nyang paghawak sa kabilang braso ko.
"Ako ang nagpumilit sa kanila na magluto ako kahit na paulit-ulit nila akong pinagbabawalan kaya sa akin ka magalit." Paliwanag ko sa kanya na ikinatitig nya sa akin kaya bahagya tuloy akong umiwas ng tingin.
"What?" He said irritatedly.
"Why are you doing this?" He asked me which makes me stunned because of the way he stared at me.
"Gusto ko lang naman aliwin ang sarili ko sa bahay na ito. I want to make pancakes and I'm the one who forced them to don't bother me." Paliwanag ko ulit sa kanya nang mapansin ko syang malaim na bumuntong-hininga bago nya ako tinignan sa mga mata.
"Zoe why you have to cook. Look, there is lots of maids here." Mariin na paliwanag nya ulit sa akin na ikinasama ko ng tingin sa kanya habang ramdam ko ang kabog sa dibdib ko.
"Oo, alam ko yun pero siguro ang walang pusong katulad mo hindi naiintindihan ang ibig kong sabihin..."
Paliwanag ko sa kanya pero natigilan ako at hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa na-amoy ko.
"Nakalimutan ko yung pancakes." Natataranta na sabi ko pagkatapos ay mabilis kung iniwan ang galit na lalaking ito.
Madali akong pumunta sa kitchen para baliktarin ang pancake sa frying pan. Isang buntong-hininga ang ginawa ko dahil mabuti nalang hindi masyadong nasunog. Inilagay ko na ito sa serving plate pero hindi ko inaasahan na makita si Kaizen sa harap ko. Marahas nyang hinila ang kamay ko na dahilan para mabitawan ko ang pancake at malaglag ito sa sahig.
"Zoe I'm still talking to you!" He said angrily as he grabbed my wrist but I ignored him.
Itinuon ko ang atensyon ko sa pancake na nasa sahig na ngayon. Mabilis kong binawi ang braso ko na hawak ng lalaking ito pagkatapos ay kinuha ang nalaglag na pancake. Inilagay ko ito sa plato bago ako tumingin sa kanya. Mariin akong napakagat ng labi ko hanggang sa hindi ko na napigilan pang tumulo ang mga luha ko.
"Damn, why the hell you are crying!" Ang sabi nya na ikinaiwas ko ng tingin sa kanya at tinignan ang pancake na ginawa ko. I made this pancake and this is the first time, I cooked again but this he wasted it.
"It's just a pancake!" Sigaw nya sa akin.
Isang masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya dahil sa sinabi nya habang gusto ko syang sampalin dahil hindi nya man lang pinahalagahan ang ginawa ko pero baka hindi ko pa nadidikit ang palad ko sa pisngi nya nakahandusay na ako. Alam kong napakababaw na iyakan ko ang isang simpleng pancake pero pinaghirapan ko gawin iyan. I tried to do something that makes me feels okay just for ones.
I want to feel that I'm not imprisoned in this house even I know the fact, how this demon forced me to bring me here.
"Hindi iyan isang simpleng pancake lang dahil para sa akin espesyal yan. Alam mo ba pinaghirapan ko yan gawin. I want myself a chance to be happy staying here even just making that pancake but you make me realize, the fact of how heartless demon you are to imprisoned me in this house." Ang sabi ko sa kanya habang umiiyak.
Mariin kong pinunasan ang pisngi ko pero nagulat ako dahil sa tingin nya sa akin at mas nagulat pa ako matapos nyang kunin ang pancake na nasa plato na nalaglag kanina.
"This pancake is that special and you made this because of that reason?" Seryosong tanong nya sa akin na ikinahinto ko at umiwas ng tingin pero bigla akong nagulat dahil kinuha nya ang pancake sa plato.
"Ma..Madumi na iyan." Pagpigil ko sa kanya pero parang hindi nya yata ramdam na nalaglag iyon pagkatapos nya itong kainin.
"It's taste really good." Nakangiti nyang sabi na ikinagulat ko dahil ito ang unang beses na nakita ko siyang ngumiti ng tunay.
Hindi ko tuloy maiwasang tumingin sa kanya habang hindi makapaniwala na ito ang unang pagkakataon na mayroon isang tao na pinahahalagahan ang ginawa ko. Simula noong tumira ako kay uncle at bumalik dito sa pilipinas pakiramdam ko mag-isa lang ako kaya sa simpleng bagay na ito masaya na ako. Ang sakit lang isipin na ang lalaking ito ang nagparamdam sa akin hindi ako nag-iisa.
"Oh, damn that tears. Zoe why you are crying again?" Inis na sabi nya pagkatapos ay marahan nyang pinahid ang luha ko sa pisngi.
"Bakit mo pa kinain?" Ang nasagot ko at pinahid ang luha ko habang nakatingin parin sa kanya.
"It's special to you and I don't want to wasted it." Ang sabi niya habang hindi nawawala ang ngiti sa labi nya na ikinatigil ko.
Ito ang unang beses na makita ko siyang ngumiti ng totoo na mas ikinagulat ko lalo. Noong maramdaman ko ang pagyakap nya sa akin at mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko pero wala akong nagawa kundi ang hayaan sya ka..kahit naiilang at naguguluhan ko. Lalo na hindi ko alam sa ipinapakita nya sa akin na para bang hindi sya ang kinakatakutang mafia na kilala ng lahat.
Kaizen's point of view
I'm here in my office sitting on my swivel chair while there's a smile curved on my lips. I look at my watch and finally decided to leave my office. I'm damn miss my slave but my attention suddenly caught on the door. My servant entered and walked towards on me. Mabilis na naglaho ang ngiti sa labi ko at isang seryosong tingin ang ipinukol ko sa kanya. Ang tauhan kong ito ay masasabi kong magpagkakatiwalaan ko sa lahat ng bagay.
"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya pero yumuko muna sya sa harap ko bago nagsalita.
"It's about those death threat Young Master, we tracked who's giving you those threats." Ang sabi ni Robin sa akin na ikinangisi ko pagkatapos tumango.
"Good." Ang tanging sinabi ko.
Mariin kong ikinuyom ang kamao ko habang nanggagalaiti na maiparamdam ang galit ko sa taong ito na gustong kumalaban sa akin. I will make them feel the hell comes on my hands and make them suffer in pain. I will give them death they'll never imagined.
"I'll keep my eyes on him, sabihin nyo lang kung kailan nyo sya gustong makita. I will send him to you." Paliwanag pa nya na ikinangisi ko lalo.
"It's not the right time meeting that man dahil gusto ko munang malaman kung sino ba ang taong ito at kung bakit gustong-gusto nya akong kalabanin bago ko sya ipadala sa impyerno." Paliwanag ko kay Robin na tumango sa akin.
Samantala hindi ko na siya pinansin at lumabas na nga ako ng opisina ko para umuwi at makita na ang babaeng pag-aari ko. Noong sandali akong napahinto at mabilis na ibinalik ang tingin ko kay Robin na nakatayo parin.
"Robin." Tawag ko sa kanya.
"Bakit po Young Master mayroon pa ba kayong ipapagawa sa akin?" Tanong nya sa akin pabalik na ikinasingap ko habang nagdadalawang-isip kong dapat ko ba itong tanungin sa kanya. Oh, f**k it!
Mariin akong pumikit at ibinalik ulit ang tingin ko kay Robin. It's just that I suddenly remember what my slave said that the pancake she made is special and it's made me confused to death.
"Young Master?" He speaks confusedly.
"Robin nakakain ka na ba ng pancake?" I asked him when I see how he looks stunned.
"Pancake?" Gulat nyang tugon na ikinasama ko ng tingin sa kanya bago ako humugot ng hininga.
"Yeah." I answered him annoyed.
"Young Master mahilig magluto ang lola ko ng pancake e, ba..bakit po ninyo natanong?" Ang sabi ulit na Robin na ikinagiwi ko.
"Really, then tell me how an ordinary pancake become that special?" Sagot ko sa kanya.
"I th..think maybe because of the in..ingredients Young Master." He explained which makes me hissed and I remembered that my slave's pancake is just simple pancake, except that it's falls on the floor.
"Nevermind, I shouldn't asked you about it!" Inis na sabi ko sa tauhan kong ito pagkatapos ay tuluyan narin akong umalis sa loob ng opisina ko.
Mabilis ako nakarating sa parking lot at sumakay na agad ako sa kotse ko. Madali ko itong pinatakbo dahil gusto ko nang makita ang babaeng pag-aari ko. Mabilis rin akong nakarating sa bahay ko, ito ginarahe ko na ang kotse ko. Pumasok na ako sa loob ng bahay ko. Noong makita ko ang mga guard na nagbabantay dito sa buong bahay pero wala ng mga maid ang naglilinis.
It's already night and I think she is now in bed. I fastly come over there and I turned the doorknob, when a smile drew on my lips because the door isn't locked. I entered the room as I see my slave sleeping on the bed.
Marahan ko syang nilapitan at umupo sa tabi nya na ikinangisi ko pagkatapos ay pinagmamasdan ang inosente nyang mukha.
"Good night my dear slave." Ang sabi ko noong makita ko siyang nagising habang gulat na gulat sa presensya ko.
"Ano ang gi..ginagawa mo dito?" She asked me which makes me smirked, even I can see how she looks stunned.
Marahan kong tinanggal ang mga buhok na nakaharang sa pisngi nya dahilan para mas makita ko ang mukha nya hanggang sa mapunta ang tingin ko sa mga labi nya at wala na nga akong hinintay na sigundo matapos kong pagdikitin ang labi naming dalawa.
"I'm here to see you and give you my good night kiss." Ang nasabi ko sa kanya bago ko sya hinalikan sa noo.
Samantala kitang-kita ko ang gulat sa mga mata nya pero hindi ko iyon pinansin hanggang sa makita ko na syang pumikit para matulog na ulit. I smirked appeared on my lips. I see how she is attractive even her eyes were closed which makes me sighed heavily. This woman is mine and I'll kill those who tried to hurt and stay this woman away from me.