Mahigpit ang hawak ko sa aking pouch bago humugot ng lakas na tumingin kay Clyde. His face screamed that he’s tired. Nakatayo lang siya habang nakatingin sa akin. “P-Pasensya na, Clyde. Hindi ko alam na nandito kayo. Naghanap lang ako ng tahimik na lugar para mapag-isa.” sabi ko. Baka mamaya, isipin niya na nakikinig ako sa kanila. This is coincidence lang. Huminga siya nang malalim at tumango. “It’s okay.” aniya. Natahimik kaming dalawa. Maingay pa rin ang music sa hall. Inaasahan ko na aalis na siya pero hindi nangyari iyon. Nanatili siyang nakatayo sa harapan ko. “Hindi mo ba siya susundan?” tanong ko, hindi na mapigilan ang sarili. Ganoon naman kadalasan hindi ba? Susundan ang nag-walk-out na kapareha para aluin? Umiling si Clyde at nilagay ang kamay niya sa bulsa. “No