Kabanata 16

1344 Words

Sumapit ang kaarawan ni Lianne. Gaya ng sinabi ni Eva, pumunta siya sa apartment ko para ayusan ako. Kumpleto ang mga gamit niya. Maging sa brush hanggang sa accessories. Hinayaan niyang hiramin ko iyon. She sprayed my face with a finishing mist. Ngumisi siya at tiningnan ang salamin sa harapan namin. She put on a proud face. “You’re ready, Karisa.” aniya. Tiningnan ko ang sarili ko. Hindi ako makapaniwala sa hitsura ko. Talagang iba ang mukha ko. Magaling si Eva. Tinulak niya ako papunta sa banyo at iniabot ang gown. “Magbihis ka na.” utos niya. Sinunod ko siya at lumabas. Kung kanina, napakalaki ng ngisi niya, mas lalo na ngayon. Hindi pa rin ako kumportable sa gown. Lumabas na kami. Nagulat ako na may taxi na naghihintay. Binuksan ni Eva ang likuran at nginuso iyon sa akin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD