I did not do anything that might stop Clyde and Graciella’s wedding. It was clear as the day. Gustong pakasalan ni Clyde ito. Wala akong karapatan na makialam. “I do.” Titig na titig ako habang sinasabi ni Clyde ang mga salitang iyon. Nasa harapan sila ng napakagandang dagat, nag-aagaw ang dilim at liwanag dahil sa papalubog na araw. Napakaganda ng paligid sa mga oras na iyon. Parang nasa isang painting. Silang dalawa, magkahawak ang kamay at parehong nakangiti sa isa’t-isa habang sa likuran nila ay ang napakagandang dagat at papalubog ng araw. Even the weather’s playing its part. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Luis sa akin. Marahan ngunit may diin ang pagpisil niya sa kamay ko. Nilingon ko siya. He smiled at me with genuine happiness. I smiled and looked at Graciella,