Lumilipad ang isip ko habang nasa biyahe kami pauwi ni Luis. Mabuti na lang at pagod din siya kaya hindi na siya nagbukas pa ng mga usapan. He just kissed me good night and left. Umakyat ako sa apartment ko. I opened the door at agad akong naligo para makatulog. Ala una na ng madaling araw. Akala ko makakatulog na agad ako pero hindi. Bumabalik at bumabalik iyon sa usapan nila. Pumasok ako noong tanghali sa coffee shop. Binati ko si Analyn pagkalabas ko ng locker room ng mga empleyado. “Nasa loob si Sir Clyde, Karisa. Hinahanap ka.” sabi nito sa akin. Inayos ko ang aking hairnet. “Para saan daw ba, Analyn?” tanong ko. Nagkibit-balikat ito. “Hindi ko alam eh. Puntahan mo na lang muna habang wala pang masiyadong customer.” sabi niya. Tumango ako at sinunod iyon. Kumatok ako