Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Clyde. Nakatulog din siya kakaiyak. Huminga ako nang malalim at sinara ang kurtina nang sa ganoon ay makatulog siya nang mahimbing. Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha. Noong mailibing si Graciella, para na ring namatay si Clyde kasama niya. Palagi siyang tulala at hindi kumakain. Talagang sinisisi niya ang kaniyang sarili sa pagkawala nito. The investigation ruled this as suicide. The Lunas kept that information private. At dahil kilaka at mayamang pamilya sila, nalusutan nila ang kontrobersyang iyon. Bumili ako ng sariling condo. Same tower iyon ng condo unit ni Clyde. Umalis na rin sila ni Jacob sa bahay nila ni Graciella. Agape sighed nang makita niyang lumabas ako ng kuwarto ni Clyde na may dala-dalang tray ng pagkain na hindi man lang nagala