Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang pinapanood siyang binabasag ang kahit na anong bagay na mahawakan niya sa loob ng bahay niya. Sobrang ibang-iba ang hitsura niya. Hindi na niya magawa pang mag-ahit ng kanyang balbas. Ang buhok niya ay mahaba na rin. Napapikit ako sa tuwing mababasag ang ilang figurine na naroon.
"f**k! Kailan ba matatapos ang parusa mo sa akin?" Sigaw niya sa taas at binasag ang center table.
Umalingawngaw ang iyak mula sa aking likuran. Nakita ko doon ang isang batang lalaki na mukhang kagigising lamang. Hawak-hawak nito ang isang teddy bear. Mabilis akong dumalo rito.
"Jake!" tawag ko at agarang niyakap ito.
Sampung taon pa lamang ito. Nanginginig ito sa takot habang pinapanood ang kanyang ama na nagwawala.
Hinila ko siya papunta sa kanyang kuwarto. Bakas ang kaba rito dahil nauulit na naman ang nangyayari kada gabi. Lasing na naman siya at sa tuwing mangyayari iyon ay hindi niya mapigilan ang emosyon niya. Naaawa ako sa kanya at pati na rin sa anak niya na nakikita ang lahat ng ito.
"Tita Ninang, please call Lola Gemma. I'm so scared of Papa. He might hurt me again. Please!" Hysterical na sabi nito at kulang na lang ay masira ang t-shirt ko sa higpit ng hawak niya rito.
Ilang beses nang nasusugatan si Jacob sa pagpigil sa kanyang Papa sa tuwing mangyayari ito. Tumatak na sa isipan nito na sinasaktan siya ng kanyang Papa kahit hindi nito sinasadya. Sa ilang pagkakataon na nangyari iyon, bigla namang natatauhan si Clyde pero bumabalik rin sa tuwing malalasing ulit.
Sa totoo lamang, nakakapagod na ito dahil paulit-ulit lamang pero nangako ako sa kanya na tutulungan ko siya hanggang sa makabalik ito sa dati niyang sarili.
"N-No, Jake. I cannot call your Lola Gemma. It's late na." sabi ko at pinunasan ang luha ng bata. Inihiga ko siya sa kanyang kama. Napapapikit ako sa tuwing makakarinig ng kung ano na nababasag sa labas.
Niyakap ni Jacob ng mahigpit ang teddy bear na regalo ng Mommy niya last christmas. Kinuha ko ang aking telepono para matawagan sina Therese o kahit na sinong kaibigan niya. Therese did not answer but thank God, Silvestre picked his phone.
"Hello." Inaantok pa ang boses nito at halatang nagising ko siya. Pasado alas-dos na nang umaga. Kasusundo ko lamang kay Clyde sa bar dahil itinawag ito ni Hubert sa akin. Nakipagsuntukan ito sa ilang bar hopper na naroon. Ngayon, nagwawala na siya sa labas.
"P-Pasensya ka na, Silvestre. But it's happening again. Wala sina Manang dahil day-off nila. Jacob is crying again. Can you please, come here? It's very chaotic and traumatic for Jake." Sabi ko.
Huminga nang malalim si Silvestre at rinig ko ang ingay ng pagbangon niya sa kama.
"I will be there. Lock the doors and make sure he will not be seen by Jake. That bastard." Mura ni Silvestre.
Kalahating oras at nakatulog na rin si Jacob. I sang his favorite lullaby at nilaksan ko pa iyon ng sa ganoon ay hindi niya marinig ang kanyang Papa. Maya-maya pa ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Huminga ako ng malalim at lumabas na rin para salubungin si Silvestre. Nakapangbahay lamang ito at tamad na nakatingin sa pinsan.
Sa likuran nito ay si Therese at Von na maigting ang mga panga. Tumango ako at pinanood silang lumapit kay Clyde na nakayuko sa kanyang mga palad. Therese came to me and ask for Jacob. Sinilip niya ito at bumalik rin para tingnan ang kanyang bestfriend. Ang palad ni Clyde ay dumudugo na. Silvestre sat down so they're on the same level.
"Clyde Harrison Luna." Seryoso ang boses ni Silvestre. "Please, f*****g grow up."
Tumingala si Clyde at ngumisi.
"f*****g Silvestre Nathaniel," he laughed. "Here comes, Mr. Perfect Life."
Nang-aasar at nanunubok ang mga ngisi nito. Silveste did not let him get on his nerves. Matiim lang siyang nakatitig rito. Pero iba si Von. Tinulak niya si Silvestre para mabigyan niya ng malakas na suntok si Clyde sa panga niya. Pumatak ito sa sahig na may bubog. Impit akong napasigaw. Kinuwelyuhan nito si Clyde.
"Von!" Saway ni Therese at dumalo na pero hindi rin naman nilayo si Von.
May dugo ang gilid ng labi nito at parang wala nito iyong pinunasan.
"Putangina mo, Clyde ah! Kanina ka pa, ah. Gago!" sigaw ni Von.
Tumawa si Clyde. Nakakataas balahibo iyon. Nakakakilabot dahil malayong malayo iyon sa Clyde na kilala ko. Napalunok ako at mahigpit na humawak sa strap ng bag ko.
"Tangina niyo 'ring lahat!" Mura ni Clyde.
May luha na pumatak sa mga mata nito habang nakangisi siya. Mas humigpit ang hawak ni Von sa kuwelyo nito na para bang masisira nito ang damit ni Clyde sa kahit na anong oras.
"Von, stop it..." Ani Therese pero hindi nakinig si Von.
"Hindi, Therese. May anak ka na, Clyde. Magpakatino ka dahil kahit sarili mong anak takot na sa'yo! Hindi lang ikaw ang naiwan rito! Ako at si Sil, naiwanan din naman kami. Namatayan rin ako ng anak! Hindi lang ikaw ang masalimuot ang buhay rito!" ani Von at binitiwan si Clyde.
Pumatak ang luha ko ng mag-umpisang tumaas baba ang balikat ni Clyde sa paghagulhol niya. Sinandal nito ang ulo niya sa couch na nasa likuran niya. He is bleeding so much. Umupo si Von sa harapan niya.
"Naiwan nga kayo pero bumalik si Therese kay Sil. Si Veronica naman, nasa America at kaya pang bumalik. Eh, ako? Paano ako? Paano babalik ang taong patay na? Nasasabi niyo lang 'yan dahil hindi niyo alam ang nararamdaman ko." Hagulhol ni Clyde.
Sa loob ng isang taon, ngayon ko lang siyang nakitang umiyak nang ganito. Para bang sumabog ang lahat ng emosyon niya. Somehow, I can see the old Clyde. Ang Clyde na masayahin. Ang Clyde na kaibigan ko, Ang clyde na natutunan kong mahalin ng palihim.
Lumunok si Silvestre at umupo na muli para tapikin sa balikat si Clyde.
"Pero nandyan pa si Jacob, Clyde. May iniwan si Graciella sa'yo. Anong iisipin niya kung ganyan ka sa anak niyo? Bro, alam mo ba kung bakit kami nandidito? Kari called us. Si Jacob takot na takot na sa'yo. Don't make him to go away from you. I've been there. Lumaking malayo ang kambal ko sa akin. You're still lucky, you watched him grow up."
Therese sobbed. Pinisil ko ang palad ko.
"Graciella died because of me, Sil. She died because of me. I killed her because of my infidelity. I'm sorry, I am so sorry. I cannot face Jacob. I killed his mother." Hagulhol niya.
"No, you didn't. Stop saying that." Ani Therese at pinahid ang luha niya.
Nagmura si Silvestre at niyakap ang pinsan. Von looked at Clyde with so much pity. Nakakuyom ang palad niya habang pinapanood si Silvestre na i-comfort iyon.
"Alam ko ang nararamdaman mo, Clyde. Namatay ang anak namin ni Ven, dahil ko. Pero huwag mo namang itapon ang buhay mo. Be better for your son. Nandito pa ang inaanak ko. Buhay na buhay." Naluluhang sabi ni Von.
Clyde nodded and cried like a baby. Napalunok ako. It has been a year since Graciella died. Araw-araw halos ganito. May mga araw naman na hindi siya umuuwi. Malalaman ko na lang na nasa police station siya dahil may binugbog siya.
"He's right. We all know the reason why she did that. Tanggapin natin na ikaw ang rason noon, but please be responsible... The DNA test came back positive. You have two sons, now. Marco is also your child."
"Please be a better father for both of them. If you don't know where to pick up your life... then start with them." Ani Therese.
Nakatulog na si Clyde sa sofa. Naiwanan kami sa sala ni Therese at Von para linisin ang mga bubog. Alas singko ng umaga ng matapos kami. Nagpaalam na sila at nagpasalamat sa akin. Sinama na muna nila pansamantala si Jacob. I volunteered to stay with Clyde hanggang sa mawala ang hangover niya at bumalik sina Manang.
Kumuha ako ng first-aid kit at nilinis ang mga sugat ni Clyde. Mahimbing at humihilik siya. Pinasadahan ko ng daliri ang mukha niya. Malalim at maitim ang kanyang eyebags sensyales na halos hindi siya nakakatulog ng ilang araw. Ang mapula niyang labi na ilang beses ko nang pinangarap na mahalikan.
Pero hindi puwede. Dahil kahit kailanman, hindi niya ako nagustuhan. It was always him ang other girls. Hindi pwede maging kami. Humiga ako sa tabihan niya hanggang sa hindi ko mamalayan na nakatulog ako. Nagising ako matapos ang isang oras. Napatitig ako kay Clyde na blankong nakatingin sa akin. Nakahiga pa rin siya at tahimik lang.
Kanina pa ba siyang gising? Bigla naman akong natauhan. Malapit ang mukha namin sa isa't-isa. Sinubukan kong tumayo pero pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko. Napalunok ako.
"I-I will prepare your breakfast." Ani ko at sinubukan ulit bumangon.
"Don't move." Aniya sa pabulong na boses.
"Why did you stay all this time?" aniya.
Nanatili akong nakahiga. I've been mesmerized by him many times. But this time it is so different. Parang tinutusok ng punyal ang dibdib ko sa bawat segundong lumilipas. Sa totoo lang, hindi ko alam. Una pa lang, I know that this man is beyond repair. He's too ruined.
But still, look at me.
Nandidito pa rin. Ilang beses man akong umalis at umiwas, bumabalik rin naman ako. It's a never-ending cycle. Umaasa ako na kaya ko pa siyang ayusin kahit na imposible na.
"Why, Karisa..." He said again.
Naramdaman kong lumandas ang luha sa pisngi ko.
"D-Dahil mahal kita, C-Clyde."