Kabanata 1

1388 Words
    Maganda ang kahabaan ng baywalk sa apartment complex kung saan ako namamalagi sa Wailea. Tulak ko ang aking ina sa kanyang wheelchair habang tinutulak ko ang wheelchair ng aking ina. Sa ilang linggo ko rito sa Hawaii ay hindi pa rin ako nagsasawa sa panonood ng paglubog ng araw sa dalampasigan. Palagi akong namamangha at sa tuwing hindi abala sa trabaho ay sinisikap kong umupo rito para makapagmuni-muni.         "Ang ganda, ano? Parang painting. Sa totoo lang isa ito sa pinakamagandang tanawin na nakita ko sa buong buhay ko." Pinisil ni Mama ang kamay ko na ngayon ay nasa balikat niya.     Pareho naming tinitingala ang langit na nag-aagaw dilim at liwanag sa pagitan ng bundok. Lumunok ako at tumango. Tunay na walang makakapantay sa senaryong ito. Pero, ang isa sa napakagandang tanawing nakita ko ay wala rito sa Hawaii kundi nasa Pilipinas. Maaaring sa oras na ito ay nasa isang bar siya gaya ng madalas niyang ginagawa. Napangiti ako ng mapait. Hindi ko na siya dapat naiisip sa panahong ito. Sigurado akong hindi niya ako naaalala man lang. Iyon ang hiniling niya sa akin ilang linggo na ang nakakalipas.         "Nabanggit sa akin ni Ate Eloise mo ang nangyari sa Pilipinas, anak. Gusto mo ba talagang magpa-citizen rito? Ilang taon kang hindi makakauwi kung ganoon. Paano na lang kung-"         "Mama, hindi ko kailangang umuwi sa Pilipinas. Narito ang pamilya ko. Wala na 'kong babalikan. Kayo lang ni Ate Eloise ang kailangan ko." Sagot ko bago pa man matapos ni Mama ang sasabihin niya.     Ayokong marinig ang pangalan niya. Sa totoo lang sariwa pa ang lahat sa akin. Sa loob ng sampung taon, umiikot iyon sa kanya. Naging kaibigan niya ako. Naging takbuhan niya ako sa tuwing nagkakaproblema siya. Wala akong problema roon. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. At ngayon, naririto ako at sugatan sa laban na mismong siya ay sinuko niya. Naalala ko pa ang una naming pagkikita.         "Kari! Magdala ka muna ng isang bucket ng yelo sa VIP Room 1. Si Eric naman magdadala ng mga alak." Utos ni Hubert sa akin habang pinupunasan niya ang bar kung saan ako naka-assign.      Kabababa niya lang ng telepono.     Nilingon ko siya. Kakaumpisa lang niya mag-mix ng isang inumin kaya naman ako lang ang libre doon. Masyadong jam-packed ang bar dahil weekend. Maingay ang mga speakers dahil sa isang EDM na tumutunog. Kumuha ako ng bucket at pinuno iyon ng yelo mula sa cooler. Si Eric naman ay pumunta sa likuran para kumuha ng mga mamahaling alak. Dumaan kami sa access ng bar staff para makaiwas sa mga tao na nagkakagulo sa dancefloor.         "Grabe 'no? Ang yaman siguro talaga ng mga mokong sa loob. Kailan kaya tayo makaka-inom ng mga ganitong alak?" Kuryosong tanong ni Eric habang tinitingnan ang pinakamahal na bote ng rum.     Kumatok ako sa pintuan ng VIP Room. Sa pagkakaalam ko, isang negosyante ang may birthday party doon kaya siguradong mga kilala ang naroon. Ayon pa sa mga katrabaho ko, may mga artista at model roon. Bumukas ang pintuan. Isang lalaking nakangisi ang nagbukas noon. Nagtatawanan sila mula sa natapos na usapan.         "Sir, Legacy  po for Mr. Agape Luna?" I asked.         "Damn, bro! You really ordered it? Patay tayo nito!" Pumalakpak ang lalaki at humalakhak.     Ang iba ay nagsipaghiyawan nang makita ang dala naming alak. Lasing na lasing na sila. Nilapag ko ang tatlong bote ng rum pati na rin ang yelo. Lahat sila ay nakaupo roon sa U-Shaped red couch. Ang mga babaeng naroon ay talaga namang napakagaganda at sa tv lang makikita. Ang iba ay nakikipaglampungan sa mga negosyante. Para akong nasa isang kuwarto na puno ng mga dyos at dyosa.         "Miss, can I ask a favor?" tanong noong may birthday.     Nilingon ko siya mula sa pagkakayuko at tumango. Nakahilig na ang ulo niya sa backrest at pulang pula na ang leeg niya. Si Eric naman ay nakatayo roon at nautusan nang isa sa mga model na kumuha ng mga litrato.         "Ano po 'yon, Sir?" tanong ko.         "Can you please pour us our shots? Damn, wala akong tiwala sa mga lagay namin. Ayoko lang masayang ang alak na yan. My Dad would kill me." He smiled.     Tumawa ang ilang kalalakihan. Pumayag ako at nag-umpisa na salinan ang mga baso nila isa-isa.         "Oh, let's ask Sil to pay for it. Lola would not mind." Kumento noong isa.     Tumingin sila sa lalaking nasa gilid na nakaakbay sa dalawang babae. Mukha ang mga ito na uhaw na uhaw sa lalaki. Parang seryoso at nakakatakot naman iyong Sil na sinasabi niya. Ngumisi ito at inalis ang mga braso sa mga babae. Humugot ito ng wallet at binato sa mesa ang isang itim na card. Naghiyawan sila sa ginawang iyon ng lalaki.     Nilingon niya ako. Tumigil ako sa pagsasalin nang ituro niya ang card na nasa mesa.         "Charge everything here, Miss. We're done ordering." Strikto niyang sabi.     Tumango ako at agad na kinuha ang card. Namamangha ako sa yaman nito. Ang tatlong bote ng rum na iyon ay nagkakahalaga ng daang-libong dolyar. Paano niya magagawang ilibre iyon sa mga kaibigan niya? Hindi na niya ako nilingon at nagpatuloy na sa pakikipag-usap sa model na halos hubaran siya sa haplos at tingin. Natapos na ako roon at umalis na kami. Dinala ko ang card at ginawa ang transaction doon. Tuwang tuwa si Hubert, ang manager dahil doon. Paniguradong doon pa lamang sa order nina Sir Agape ay kaya na bayaran noon ang ilang buwang bill ng bar.     Bumalik ako roon para ibigay ang card. Patay malisya iyong binalik ni Sil sa kanyang wallet. Mas mukhang lasing na sila kaysa sa kanina. Nasa isang bote na lang ang natitira doon. Ang iba ay nagpasya na bumaba na sa dancefloor. Ala-una pa lamang ng madaling araw at nasa peak na ang bar. Sinara ko na ang pintuan at naglalakad na papunta sa hagdanan ng mabangga ako ng isa sa mga tao roon. Inaayos niya ang suot na long sleeve shirt niya at tumingin sa akin.         "S-Sorry, Sir." Paghingi ko ng paumanhin.     Mukhang kadarating niya lang. Matino pa siya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Napalunok ako roon. Napakaguwapo ng lalaking ito at lahat sa kanya ay sumisigaw nang karangyaan. Umaatake rin sa ilong ko ang napakabango niyang perfume.         "Miss, isang blowjob nga." Aniya na nakapag-palaglag ng aking panga.         "Excuse me, Sir? Pero waitress ho ako rito, hindi escort." Offended na sabi ko. Naramdaman kong nag-init ang mga pisngi ko roon.     Paano niya nagagawang sabihin iyon sa akin? Casual lang siya at talaga namang nakakagulat. Para lamang siyang nag-aalok ng kendi.     Kumurap siya sa pagtataas ko ng boses. Mukhang nagulat rin siya sa pagtanggi ko. Alam kong maraming babae ang kung mapapagbigyan na mapapunta sa kinatatayuan ko ay walang dalawang sabing papayag roon. Twenty na ako at alam ko na ang mga usapang ganito. Pinigilan niya ako. Tinaas niya ang dalawang kamay niya na para bang sumusuko na siya sa paglaban ko.         "Miss, ano ba? Sshhh." Aniya.     Huminga siya nang malalim at tumingin sa akin.         "I was just asking for the drink. A friend of mine just texted me. Iyong blowjob? Waitress ka 'di ba? I can tell because of your uniform." Nahihirapan niyang sabi at pinakita ang text ng kaibigan na babae.     Nagulat ako roon. Pakiramdam ko tinakasan ako ng kaluluwa ko. Ngumiti siya sa akin. Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko dahil bumukas ang pintuan ng VIP Room. Lumabas doon si Agape na halos matumba na sa sobrang kalasingan. Tumatawa siya nang makita ang lalaki sa harapan ko.         "Clyde! You freaking came! I thought you forgot my birthday, bro!" Inakbayan niya ito.      Halos saluhin siya noong Clyde dahil halos bumagsak na siya.         "I won't miss it for the world. Something just came up. Nasiraan ng sasakyan yung kaibigan kong si Therese." Sagot nito.     Nilingon ako ni Clyde at nagbigay siya ng apologetic na ngiti.         "Oh! Hi, Miss..." Tumatawang sabi ni Agape.         "Boy, you're really maxed out. Let's go inside." Ani Clyde at nilingon ako.     Lumunok ako at tumikhim. Hindi ko siya kaya ngayon na tingnan sa mata sa sobrang kahihiyan. Ngumiti siya ulit bago tumungo sa pintuan.         "Miss, just deliver the blowjobs here. Thank you." Aniya at binuksan na iyon para pumasok sa loob.      Did I really assume na he's asking me for a blowjob? Hindi ko alam kung dahil ba sa bar ako nagtatrabaho kaya sadyang malikot at mahalay ang utak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD