Duke's point of view Halos lahat nang sinasabi ko kay Kim ay puro kasinungalingan. Napahinga ako ng malalim na pumasok na sa aking kwarto. Konting damit lang ang kinuha ko dahil ang hotel na pupuntahan namin ay bagong bili ko lang ng ilang buwan. May mga gamit na ako doon at hindi ko na kailangan pang magdala sana pero baka magtanong si Kim at magsisinungaling na naman ako. Lumabas na ako sa aking kwarto dala ang aking maleta na laptop lang ang laman. Papalabas na rin si Kim sa kanyang kwarto at agad kong kinuha ang maleta para ako na ang magbuhat. Nakasunod naman si Yaya sa amin pababa . Pagbaba namin ay agad kong nakita ang dalawang maleta na dala ni Yaya. "Duke, yung isang maleta ay mga damit na ipamimigay ko sa amin." Ngiming nakangiti si Yaya. "Wala pong problema Yaya." Sagot ko d