Kim's point of view "Babe Duke kain na tayo." "Babe nano kaya kung umuwi nalang tayo at doon ka kumain. Maraming langgam, hindi ako maka-upo sa lapag." Sagot naman niya, napatingin ako at marami ngang langgam. Ilang minuto lang naman ang layo ng bahay sa sementeryo kaya pumayag na ako. Pero habang nag aabang na kami ng taxi ay nagsimula na akong kumain ng lechon. Habang kumakain ako ay taga punas ko naman siya dahil kung dip ako sa sauce ay gusto kong maramihan kaya nagkalat sa palibot ng aking labi. "Slow down babe baka mabulunan ka." Bulong niya sa akin habang nasa taxi na kami. "Two weeks kayang halos itlog ang pinakain ni Yaya sa akin." "That's not true, sa umaga lang na nilagang itlog ang kinakain mo." "Sa dami ng itlog na nakain ko, ang laman nalang ng utak ko ay itlog." Sagot