Duke's point of view Mabuti at nasalo ko si Kim nang nawalan siya ng malay. Napamura ako dahil dugo na pala ang dumadaloy sa kanyang mga hita. Agad kong hinubad ang aking boxer at ginamit ko na pinampunas sa kanya. Nataranta akong hinawi ang kurtina na hindi ko pa pala naitaas ang aking short. "T*ngina ka Sir, biglaan ang call na ito tas dito ka pa talaga nag honeymoon." Bulaslas ng piloto na pawisan kaibigan ni Luke. Mabuti at hindi siya lumingon sa akin kaya naitaas ko na ang aking short at kinuha ko ang manipis na kumot kay Yaya. Para si Kim na muna ang kumutan ko para hindi makita ni Yaya ang dugo sa mga hita ni Kim. Pinunasan ko man ito pero hindi naalis lahat sa taranta ko. Mula sa taas ay kita ko na ang beach kaya nakahinga na ako ng maluwag. May malaking clinic naman ang resort