Kim's point of view Pagkagising ko ay mag-isa lang ako sa kwarto. Babangon sana ako pero ang sakit ang aking pwerta. Napapikit ako ulit at naluluha dahil sobrang sakit talaga kasama na ang aking mga hita, balakang at singit. Narinig ko na parang may nagbukas na pinto kaya ibinukas ko ang aking mga mata. "Babe, gising ka na pala. Naligo lang ako saglit." Sabi niya na basa ang kanyang buhok. Ang pinto pala ng banyo ang bumukas. "Nasaan ako at si Yaya?" Mahinang tanong ko. "Si Yaya ay pinahatid ko na sa kanilang lugar at nasa clinic ka ng resort babe. Gutom ka na ba?" Masuyong tanong niya na mabilis na hinalikan ang aking mga labi na nakatikom dahil nakakahiya hindi pa ako nag mumog man lang. "Oo gutom na ako pero masakit na magalaw ang pang-ibaba kong katawan." Naiiyak ulit na sambit ko