NAKARAMDAM ng awa si Sylvia para sa inosenteng probinsyana. Niyakap niya ito upang i-comfort at nang sa ganoon ay maibsan ang nararamdaman nitong kalungkutan. "Kailan ka pala manganganak?" "Sa susunod na buwan na." "Naku! Malapit na pala. May pangalan ka na ba para sa kanila?" "Wala pa, Nay. Baka may naisip na si Thumbler." Nang makaramdam ng antok si Aggie ay niyaya na niya si Sylvia na bumalik sa kuwarto. Ngunit ang tugon nito ay mamaya na dahil ipasyal muna niya si Aggie sa buong paligid. Hindi naman tumanggi ang buntis. Thumbler's POV Maaliwalas ang mukha niya na pumasok sa opisina niya at napansin agad iyon ni Anya. "Good morning, boss! Kailan ka pa nakauwi?" masayang tanong nito sa kaniya. "Good morning! Last night." Blooming ang mukha niya habang nagsasalita ito. "Ku