HINDI kumbinsido si Thumbler sa sagot ng asawa niya kaya si Sylvia ang kaniyang tinawag at dali-dali naman itong lumapit. "May nangyari ba na hindi ko alam?" tanong niya sa kasambahay "Kuwan, sir…Katatapos lang nilang mag-usap ng Papa niya at—" "—At na-miss ko lang sila!" biglang sabat ni Aggie. Dahil ayaw niyang makarating kay Thumbler ang pinag-uusapan nila tungkol sa pasahuran na kamag-anak. Baka isipin pa nito na feeling mayaman na siya. At sabihin pang nitong, 'Isa lang siyang langaw na nakatuntong sa ibabaw ng kalabaw at feeling kalabaw na rin'. Hindi pa rin kumbinsido si Thumbler sa asawa niya ngunit hinayaan na lang niya ito, pero ang balak niya at lihim niyang tanungin si Sylvia. "Halika na, kakain na tayo," mahinahon niyang yaya sa asawa. Tumayo naman si Aggie at main