ISANG segundo na tinitigan ni Lovely ang tseke bago niya ito tinanggap at bahagya niya itong pinaypay at nakangiting tiningnan si Claudia na walang boses na lumabas sa bibig niya. "Tatanggapin mo rin lang pala ang dami mo pang sinasabi." Nagmamaktol si Claudia, sabay dampot ng shoulder bag nito at tumayo na para lumabas. "Sandali!" Pigil ni Lovely at tumayo rin ito, sabay lapit sa kanya. "Sinong nagsasabing tinatanggap ko ito?" nakangiting tanong ni Lovely, at pinupunit niya ang hawak na tseke sa harapan ni Claudia. "Isaksak mo sa baga mo iyang pera mo!" At ibinato niya ang durog-durog na tseke sa mukha ni Claudia, sabay labas niya. "Bullshit!" Napamura si Claudia sa sobrang galit niya sa ginawa ni Lovely. Halos hindi niya matanggap na binabastos siya ng isang hamak na prostitute la