SUGAT-SUGAT ang mga kamay ni Aggie na umuwi sa kanila at may bitbit na itong bigas at ulam. "Papa, Mama, nandito na ako!" sambit niya, at kasalukuyang nasa bakuran pa siya. Dali-dali namang tumayo ang ama niya na nasa maliit nilang sala at minamasahe ang paa ng mama niya. Binuksan nito ang pinto upang salubungin ang anak. "Pa, kumusta si Mama?" tanong niya at sabay mano niya. "Mabuti naman ang Mama—" putol nitong tugon dahil nakita niya ang mga sugat sa kamay ng nag-iisa nilang anak. "A-ako na ang magluluto, anak. Magpahinga ka na," presenta niya, dahil naawa siya rito. "Salamat, Papa." Agad siyang lumapit sa ina niya at nagmano ito. Nangb matapos siyang magmano ay lumapit siya sa ama niya upang sabihin ang tungkol sa plano niyang pagpunta sa Manila "Papa…" sambit ni Aggie at