Chapter 13

1060 Words
Hinatid na lamang ako ni Pia pagkatapos naming magkwentuhan doon sa high-end na restaurant. Napakarami niyang kwento sa akin na tila ba kasintagal na ng friendship nila ni Ridge ang friendship namin. Napakakompotarbleng kausap ni Pia. Mas naging personal na rin ang mga kinikwento niya sa akin at masaya ako na ganoon siya sa akin. Sa pagpasok ko sa bahay ni Ridge ay siya namang pagbaba niya sa hagdan. “Did Pia drop you off here?” tanong ni Ridge nang makababa na siya ng tuluyan. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa labi, isa sa mga actions na nakasanayan ko nang gawin kay Ridge sa loob ng mahigit isang buwan. “Good evening. Oo, umalis na rin siya kaagad pagkahatid niya sa akin. Busy na raw kasi siya bukas dahil sa mga upcoming events na pupuntahan natin.” Sakto namang nag-ring muli ang aking phone. Ang akala ko ay si Pia. Pagkabasa ko ng pangalan ng caller ay si Lauren. Inangat ko ang mukha ko just to see Ridge’s frown. “Who’s Lauren?” tanong niya. “Ah, kaklase ko. Teka lang, ha. Sagutin ko lang,” saad ko ngunit bago pa ako makatapak para lumakad palayo ay hinawakan ni Ridge ang kamay ko para patigilin ako. “No. Answer the call here. I wanna hear what he’s gonna say,” ani Ridge. “H-ha?” Kinuha ni Ridge ang phone ko at saka niya pinindot itong green na circle, saka niya ni-loud speaker ang tawag. Inabot niyang muli sa akin iyong phone habang ako naman ay hindi makapaniwala sa ginawa niya. Nakaawang lamang ang labi ko. “Hello?” ani Lauren sa kabilang linya. “Lauren, h-hi. Napatawag ka?” Nakatitig si Ridge sa akin. Walang emosyon na makikita sa kanyang mukha. Tila ba may hinihintay siyang mga salitang hindi niya magugustuhan. Bakit ba kasi niya gustong marinig ang pag-uusap namin ni Lauren? “Ah, yeah. Nakalimutan kong i-share sayo yung sa last subject natin kanina. I answered everything you can copy my answers and paraphrase it para hindi halatang parehas tayo ng sagot,” ani Lauren. Lalong kumunot ang noo ni Ridge sa narinig niya. “Ah, s-sige. Salamat, Lau,” wika ko. “Also, thank you sa pagpapahiram ng notes kanina. It helped me a lot to answer the activity. You’re amazing, Ena,” ani Lauren. Nagulat ako nang pindutin ni Ridge iyong red button. Pinatay niya iyong tawag. “Ridge! Bakit mo pinatay! Hindi man lang ako nakapagba-bye kay Lauren!” “He got it. Nagpasalamat ka naman na. That’s all good.” “Ridge naman, eh! Nagmamagandang loob lang naman yung tao. Tsaka nagtutulungan lang kami para matapos na yung mga activities.” “You’re having fun with him?” ani Ridge. “Hindi sa ganon. Magkaibigan kami ni Lauren. Siya nga lang ang palagi kong nakakausap at iyong isa na palaging absent si Misty.” “You’re with him the whole day at school?” “Oo,” sagot ko. “Why are you being dry now?” malamig na tanong ni Ridge. “Bakit ba tayo nag-aaway? Nasa agreement ba ‘to?” tanong ko. Hindi nakapagsalita si Ridge o nakapagbigay ng reaksyon sa sinabi ko. Mabilis din namang dumapo sa akin ang pagsisisi. Pakiramdam ko ay nasaktan ko siya bilang boyfriend ko. Ngunit tama bang maramdaman ko iyon? “Yeah, you’re right,” ani Ridge. Lumakad siya pabalik sa kanyang kwarto. Napailing na lamang ako sa kakaibang inaakto ni Ridge. Sa huli ay tinawagan ko na lamang kaagad si Pia habang nasa bathtub ako. “Hindi ko alam kung bakit siya nagkaganon kanina,” wika ko. “Hanggang ngayon na-gi-guilty pa rin ako sa mga sinabi ko kanina. Para siyang batang nagtampo.” Tumawa ng tumawa si Pia sa kabilang linya. “Nagseselos na yata! Nako ishi-ship ko talaga kayo ni Ridge! Mas nagiging interesting ang madrama ninyong set up, ha,” excited na saad ni Pia. Napabuntong-hininga na lamang ako sa kanyang mini fantasy na binubul niya sa kanyang imahinasyon. “Tinawagan mo ba ulit si Lauren?” “Hindi na. Nag-message na lang ako at nagpasalamat ulit. Sinabi ko na-low battery ang phone kahit hindi naman,” sagot ko. “Pero about doon sa sinabi mong wala naman sa agreement iyong misunderstanding ninyo, may punto ka naman, Ena. Minsan weird itong si Ridge. Hindi mo malaman kung anong gusto. Hayaan mo na lang muna siya. Mawawala din iyang tantrums niya,” ani Pia sabay tawa ulit. “May dapat ba akong gawin, Pia? Ayoko namang dumating sa punto na hindi niya ako pansinin.” “He’s gonna talk to you. Imposibleng hindi,” ani Pia. “Just let him cool down first.” “Sige,” saad ko. Nagkwentuhan pa kami ng konti ni Pia hanggang sa mapagdesisyunan niyang patayin na ang call dahil may gagawin pa siya. Lumabas ako ng banyo ay nag-ayos. Nagsuot lamang ako ng malaking shirt at shorts. Pagkatapos ay bumaba na para magluto. Hindi naman ako ni-require ni Ridge na magluto dahil may tagaluto naman siya. Hanggang five pm lamang kasi iyong tagaluto niya kaya solo ko palagi anf kusina tuwing gabi. Gusto ko lang magluto dahil ito ang paraan ko ng pagpapahinga sa isip ko. Parang naging therapy ko na lalo na iyong baking. “What are you cooking?” biglang tanong ni Ridge mula sa likuran ko. Natuod ako sa kinatatayuan ko sa tapat ng sink nang haplusin niya ang tagiliran ko. “Ah, ano… Korean food. Madami akong ginawa para matikman niyo rin nila Mateo.” “I’m sorry about earlier,” malambing na wika ni Ridge. Ipinatong pa niya ang kanyang baba sa aking balikat. “H-ha? Wala naman yon,” saad ko. “I trust you, Ena. It’s those people na umaaligid sayo ang hindi ko pinagkakatiwalaan. But if they’re your friends, I’m considering them.” “Thank you. Sorry din,” saad ko. Humarap ako sa kanya at hinalikan siya sa labi ng isang beses. “Let’s make up. I mean, make out,” ani Ridge saka niya ako siniil ng malalim na halik. Nabuhay ang aking buong katawan sa kanyang ginawa. Halos isang linggo na rin simula noong huling may nangyari sa amin. Para bang nag-activate ang aking katawan at alam na nito ang gagawin. Mukhang dito na kami gagawa ni Ridge ng kapusukan sa kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD