Chapter 12

1062 Words
Kakatapos lamang ng klase ko. Sinusundo ako ni Mateo sa tapat ng malaking gate ng unibersidad na pinapasukan ko. Walang mintis iyon. Palagi siyang nasa tamang oras ng pagsundo. “Mateo, kahit hindi mo na ako sunduin. Kaya ko namang umuwing mag-isa,” wika ko kay Mateo habang siya ay nagmamaneho. “Hindi naman na ako bata.” Ilang beses ko na rin siyang pinapaalalahanan ngunit hindi talaga siya matinag. “Sumusunod lamang ako kay Sir Ridge. Hindi ko pwedeng balewalain ang trabaho ko, Miss Ena,” wika naman ni Mateo habang siya ay nagmamaneho. Bumuntong-hininga na lamang ako. Halos dalawang linggo na ring nagsimula ang klase ko. Isang buwan na rin simula noong mamalagi ako sa bahay ni Ridge. At walang araw na hindi namin ginagawa iyong ano. Ngunit mahigit isang linggo na rin ang nakakalipas simula noong huling ginawa namin iyon. Naging busy na siya sa kanyang tungkulin bilang soon-to-heir ng Vallejo Group. Sakto namang tumatawag si Pia. Sinagot ko iyon kaagad. “Ena, ipinagpaalam na kita kay Ridge. Lalabas tayo. Sinundo ka ba ni Mateo?” “Oo, nasa byahe na.” “Okay, tell him to drop you off at this place,” wika ni Pia. Ni-loud speaker ko iyong phone para marinig ni Mateo iyong sinasabi niyang lugar. Pagkasabi ay pinatay na niya ang tawag. Hinatid naman ako kaagad ni Mateo sa building kung saang mayroong skyview na sinasabi ni Pia. Nasa roofdeck iyong high-end restaurant. Nang makararing ay nakita ko kaagad si Pia na nakaupo at umiinom ng juice. “Hi,” bati ko sa kanya nang makalapit. Umupo ako kaagad sa stool na katabi niya. “How’s school?” tanong ni Pia. “Okay naman. Kinakaya. Dedikado akong makatapos, eh. One time lang ang oportunidad na ito.” Ngumiti si Pia sa akin. “Alam mo, I’m amazed. Nakakatuwa ka talaga,” aniya sabay sipsip sa stainless steel na straw. “In just a month ang laki na ng ipinagbago mo. I mean, physically. Look at you. You’re so gorgeous.” “Salamat sa iyo, Pia. Kung hindi din naman dahil sayo hindi ko ito ma-a-achieve, eh.” “You look like a celeb. Wala bang nagkakagusto sayo sa school?” Tinusok ni Pia ang tagiliran ko. “Ayiee.” “Pia, naman, eh.” Umiwas ako sa pangalawang pagtusok niya. Sa katunayan, mayroon akong mga kaklase na nais akong i-date. Ngunit palagi ko rin naman silang tinatanggihan. Hindi kasi mawala sa isip ko si Ridge. Siya lamang ang… gusto ko. “I urge you to date somebody,” ani Pia. “But! Only after we finish working with Ridge. Sa ngayon, turn the poor guys down kung may nagpapapansin sayo, okay?” “Oo, Pia.” “Good.” “May naging kaibigan pala ako sa klase. Si Lauren.” “Babae?” tanong ni Pia. “Uh, lalaki,” sagot ko. “Huwag kang mag-alala, Pia. Hindi siya nangliligaw o nagpapapansin sa akin. Nagtanong kasi siya last week tungkol sa mga gagawing activities kaya kinausap ko. Okay naman siya sa akin.” “Ah, okay. Wala namang masama if you gain new friends. Knowing what you had been through, you deserve to have people who you can be friends with.” “Salamat, Pia.” “But, what about Ridge? I mean, he may be my boss, but he’s also a friend of mine. Don’t you find him attractive?” ani Pia saka pa nagpangalumbaba. Hindi nga pala alam ni Pia na may nangyayari sa amin ni Ridge. “Ano… walang duda ang kagwapuhan ni Ridge. Sa katunayan, tahimik lang siya pero napaka-understanding niya. Inakala ko nga noon na cold-hearted siya. Sadyang mukha lamang siyang suplado dahil tahimik siyang lalaki.” “Which is making him more attractive, right?” ani Pia. “You know, maraming nagkakagusto diyan sa lalaki na yan. At alam mo ba,” lumapit si Pia sa akin at bumulong. “He’s single since birth. He never had a girlfriend like ever!” Nanlaki ang mga mata ko sa rebelasyon ni Pia tungkol kay Ridge. “T-totoo?” Tumango ng mabilis si Pia bilang sagot. “Meaning, ikaw pa lang ang nagiging girlfriend niya. I mean, technically speaking because you had an agreement with him.” “I-ibig sabihin… wala pa siyang experience sa…” Tumango na naman ng mabilis si Pia. “He never kissed any girl. Ikaw pa lang. And you two look cute together. Siya rin ang first kiss mo, right? Fvck, nakakakilig!” Naalala ko nakita niya nga pala ang lahat noong nagpunta kami sa unang party iyong sa may hallway. Maliban doon, hindi na alam ni Pia na ilang beses nang may nangyayari sa amin ni Ridge. Uminit ang mukha ko nang maalala ang kapusukan namin. Ibig bang sabihin… ako rin ang una ni Ridge sa ano…? “Baka mayroon naman siyang mga kinikilala noon o kaya naman ay mga naka-fling?” saad ko. “Girl, ano ka ba. Magkaibigan na kami ni Ridge since first year college. More than a decade na kaming magkaibigan. Of course, kilalang kilala ko na ang bituka niyan. And you’re the luckiest girl for having his first kiss! Sh*t talaga! Hindi ko lang masabi noon kasi baka hindi ka komportable. But now, I can tell you this stuff. Shh ka na lang, ha. Baka malaman ni Ridge na may kinwento ako sayo.” Umiling ako at ni-zipper ang aking bibig. “Good. I don’t wanna get in trouble. He may be understanding just like what you’ve said, but he can be a beast when he’s mad. Nakita mo na ba siyang nagalit?” “Hindi pa,” sagot ko. “Good. Don’t make him mad. You won’t like it,” wika ni Pia sabay sipsip muli sa kanyang juice. “Bakit? Paano ba siya magalit?” pagtataka ko. “See it for yourself, Ena. Madalang pa sa blue moon kung magalit yon,” aniya naman. Wala pa naman akong nagawa na hindi niya nagustuhan. Wala nga din siyang ipinapagawa sa akin lalo na ngayong nag-aaral na ako. Para bang hinahayaan niya lamang ako sa mga ginagawa ko. “Hindi pa naman uminit ang ulo niya sa akin,” saad ko. Hindi alam ni Pia na ibang ulo ang nagagalit kay Ridge. Nag-playback na naman sa isip ko ang aming kamunduhan. Para bang hinahanap-hanap ko na iyon kay Ridge.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD