PROLOGUE
Kanina pa kumakabog nang malakas ang dibdib ni Lady dahil sa excitement matapos niyang mabasa ang message ng boyfriend niyang si Colt.
They have been together for just a year and lately, Colt has been throwing hints about his plans for them settling down. Ilang linggo na itong nagpaparamdam sa kanya na seryosong-seryoso na ito sa kanya at mukhang gusto na nitong i-level up ang relasyon nila. Hindi naman posible iyon dahil kakatungtong niya pa lang sa wastong edad noong isang buwan. She just turned eighteen, for God’s sake! Ni hindi pa nga siya nakakatapos sa pag-aaral sa kolehiyo pagkatapos ay nagpapahiwatig na kaagad ito na gusto na nitong maging asawa siya!
Sa sitwasyon ng buhay niya ay hindi niya maisip na posibleng nang lumagay na siya sa tahimik. She could barely support herself and her studies! Kailangan niya pang maging working student para lang matustusan ang pag-aaral niya. Kaya paanong mag-aasawa na siya sa kalagayan niya ngayon? But on the other hand, she cannot help but feel excited. Mahal niya si Colt at ito ang pinaka naging seryoso sa lahat ng naging boyfriend niya kahit na nga sobrang layo na ng agwat ng mga buhay nila ngayon.
She used to be the heiress of a well-known real estate company owned by her father Larry Ross. Pero nang mamatay sa isang aksidente ang Daddy niya at nawala na parang bula ang Mommy niya ay biglaan ang naging pagbabago sa buhay niya. Ni ayaw na niyang balikan kung paano siya nalagay sa kasalukuyang sitwasyon ng buhay na kinalalagyan niya ngayon. Unti-unti na niyang natatanggap na wala na ang buhay na nakasanayan niya. Isa na lang siyang normal na tao kaya dapat ay ilagay niya ang sarili niya sa kung hanggang saan lang siya pwede.
“Ang aga pa, Lady. Uuwi ka na?”
Halos hindi tuloy niya napansin ang paglapit ng matalik na kaibigan at kaklase na si Wela. Literal na para siyang nasa alapaap habang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang pagyayaya ng boyfriend niyang si Colt ng isang dinner date. May isang klase pa sana siya ngayong hapon bago siya pumasok sa trabaho bilang tutor sa anak ng isang professor nila. Pero dahil sa invitation ni Colt ay wala na siyang balak na pasukan ang klase na ‘yon at nagsabi na kaagad siya sa professor niya na hindi siya makakapagturo sa anak nito dahil masama ang pakiramdam niya. Ngayon lang naman siya liliban sa lahat ng responsibilidad niya sa buhay. Gusto lang talaga niyang malaman kung ano ang mahalagang sasabihin ni Colt lalo na at ilang linggo na siyang hindi pinapatahimik ng isiping iyon.
“Oo, Wela. Masama ang pakiramdam ko ngayon kaya hindi ko na kayang pasukan ang huling subject natin,” pagdadahilan niya. Kumunot ang noo ni Wela at nilapit pa ang mukha habang sinisipat ang mukha niya.
“Masama na ang pakiramdam mo ng lagay na ‘yan, Lady?” Kunot ang noong tanong nito. Napakurap-kurap siya at hindi nakuha ang ibig sabihin ng kaibigan. “Sana lahat ng masama ang pakiramdam blooming pa rin!” Nakangising bulalas nito kaya umawang ang bibig niya at nag-init ang mga pisngi. Sanay na siyang masabihan na maganda at mabigyan ng pansin ang panlabas na itsura niya pero simula noong nagbago ang buhay niya ay palagi na lang siyang naninibago sa tuwing may babati sa kanya.
“Ano ka ba, Wela? Hindi naman—” Hindi na natapos ni Lady ang sasabihin dahil mabilis na nagpaalam na si Wela sa kanya dahil oras na para sa huling klase nila. Umayos siya ng tayo at saka agad na kumaway ng tricycle para magpahatid hanggang sa highway. Kung normal na mga araw lang iyon ay manghihinayang siya sa ipapamasahe niya kaya lalakarin na lang niya hanggang sa abangan ng jeep pauwi. Pero dahil espesyal ang araw na ‘yon ay kahit ang maglakad ay hindi na niya magawa dahil excited na excited siya sa pagkikita nila ni Colt.
Nakasakay na siya sa jeep para pumunta sa isang mamahaling restaurant kung saan nakatakda silang magkita ng boyfriend niyang si Colt nang maka received siya ng message mula dito.
Sa halip na sa restaurant ay sa isang hotel siya nito pinapapunta para doon na muna maghintay dahil may meeting pa raw ito. Kagat ang ibabang labi na napatitig siya sa screen ng phone niya matapos mabasa ang mensahe ng nobyo.
Ang hotel kung saan sinabihan siya nitong maghintay ay pagmamay-ari ng pamilya nito. Bigla tuloy siyang nakaramdam na naman ng sobrang panliliit dahil sa layo ng estado ng buhay nilang dalawa. Kung siguro ay hindi namatay ang Daddy niya ay hindi siya maiilang na makipag-date kay Colt. Ngayon niya mas nararamdaman ang layo ng estado ng mga buhay nila kaya halos wala tuloy siya sa sarili nang makarating sa harapan ng hotel na pagmamay-ari ng pamilya nito.
Ilang beses na bumuntonghininga si Lady bago nagawang pumasok sa loob. Nakatungo siya habang naglalakad sa lobby para sumakay sa elevator at puntahan ang suite na sinasabi ni Colt.
“I am not going there to replace you, Jace. And don’t dare ask Justin because he will surely turn you down…”
Isang lalaki na mukhang abala sa pakikipag-usap sa phone nito ang kasabay niyang nag-aabang sa harapan ng elevator.
Hindi naiwasan ni Lady na mapasinghot ng ilang beses dahil gustong-gusto niya ang swabeng amoy ng pabango ng lalaki. She can actually tell the brand of his perfume because she smelled that a lot of times already. Iyon ang brand na sikat na sikat at madalas na gamit ng mga business partners ng Daddy niya. She can actually tell that the guy who is standing next to her is a part of a group of elites.
Hindi tuloy naiwasan ni Lady na pasimpleng lingunin ito pero hindi niya nakita ang mukha dahil napamura ito ng mariin matapos kausapin ang kung sino sa phone. Likod na lang ng lalaki ang nakita niya bago tuluyang bumukas ang elevator. Kabadong sumakay siya doon at halos hindi makahinga ng maayos habang palapit siya nang palapit sa floor kung nasaan ang suite na sinasabi ni Colt.
Nang tumunog ang elevator ay malakas na malakas pa rin ang kabog ng dibdib niya habang naglalakad sa hallway para hanapin ang room number kung saan siya pinaghihintay ni Colt.
Nang makapasok sa kwarto ay bumuntonghininga si Lady habang ginagala ang tingin sa buong kwarto.
Ibababa na sana niya ang bag niya sa kama nang matigilan siya dahil sa narinig na ingay sa gawi ng comfort room.
Agad na kumunot ang noo niya dahil sa pagtataka. Ang alam niya ay nasa meeting pa si Colt kaya imposible naman na nasa hotel na ito at nasa kwarto na ‘yon.
Pero ilang sandali lang ay tuluyan nang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas mula doon ang nobyo niyang si Colt na halatang bagong ligo. Nakatapis lang ito ng tuwalya sa bewang at walang pang-itaas kaya nakabalandra sa harapan niya ang halos hubad na katawan nito.
“Colt? What are you doing here?” Hindi na napigilang usisa ni Lady. Kung narito na pala ito at tapos na ang meeting ay dapat sana ay sinabi nito iyon sa kanya para sa restaurant na lang siya naghintay. Hindi magandang nasa isang hotel sila lalo na at pamilya pa nito ang may ari ng hotel kung nasaan sila ngayon.
Sa halip na sagutin siya ng maayos ay ngumisi si Colt at saka naglakad palapit sa gawi niya. “I booked this room. Malamang ay narito ako,” papilosopong sagot nito sa kanya. Napasinghap si Lady at agad na napamaang nang makitang mas lalo pa itong lumapit sa kanya.
She is never against having an intimate moment with someone she loves. Pero sa tingin niya ay hindi talaga iyon tama lalo na at masyado pa siyang bata para lampasan ang limitasyon niya sa pakikipagrelasyon.
“Why, babe? Aren’t you happy to see me here?” Malambing at halatang nang-aakit na tanong ni Colt nang tuluyang nakalapit sa kanya. Amoy na amoy niya ang alak mula dito kahit na nga ba kakaligo lang nito. Halatang-halata rin na nakainom ito dahil bukod sa malikot ang mga mata ay bahagyang namumula pa ang mga pisngi nito.
“A-ang akala ko ba ay nasa meeting ka pa, Colt? Did you lie to me when you said that you are in a meeting with your client?” Hindi na naiwasan ni Lady ang manumbat dahil sa tagal ng relasyon nila ay hindi lang isang beses na nagsinungaling si Colt sa kanya. May mga pagkakataon na nahuhuli niya ito pero nagagawan nito ng paraan na iwasan ang mga tanong niya at nagagawa rin nitong ituwid ang mga kasalanan nito. Hindi niya alam kung paano nito iyon nagagawa sa kanya pero may mga pagkakataon na parang kontrolado na nito ang emosyon niya kaya napapasunod siya nito sa kung ano ang gusto nitong mangyari.
“Does it matter when I lied to you? Kahit naman magsinungaling ako sa’yo ay patatawarin mo ako dahil mahal mo ako ‘di ba? You love me and you adore me so much that you can’t even resist me…” he said as a matter of factly. Hindi naman ito nag-iilusyon lang dahil gano’n naman talaga ang tingin niya dito. Pero dahil nasa ibang sitwasyon sila ay parang na-offend siya sa sinabi nito. It was like he was bragging to her face how fragile she is when it comes to him. Na kahit na magsinungaling ito ay hindi niya pa rin ito kayang tiisin dahil mahal niya ito.
Napasinghap si Lady nang gumalaw ang kamay ni Colt para saklitin ang bewang niya palapit sa katawan nito. Nagsisimula na siyang kabahan dahil sa nagiging marahas na paghawak nito sa kanya.
“Colt, lasing ka. Mag-usap na lang tayo kapag maayos na ang pakiramdam mo—”
“You love me, right?” Tanong nito sa halip na bitawan siya. Kumunot ang noo niya habang nakatitig sa mukha nito. Hindi niya maintindihan kung bakit nito iyon ginagawa sa kanya.
“Colt, bitawan mo ako—”
“If you really love me, you will give in to me, Lady…” marahang sambit nito at halos magtaasan ang mga balahibo niya sa katawan nang ilapit nito ang mukha sa kanya. “You will sleep with me if you really love me…” bulong pa nito at walang inakyasang oras. Sinimulan nitong halikan ang leeg niya kaya halos mapasigaw siya habang tinutulak ito palayo sa katawan niya.
Pero masyadong malakas si Colt. He even managed to carry and throw her to bed! Gulat na gulat siya sa ginawa nito sa kanya. Parang maiiyak na siya habang nakatingin dito na gumagapang sa kama habang nakangisi sa kanya.
“I’ve been waiting for a year now, Lady. Masyado nang matagal ang ginawa kong paghihintay para dito. It’s time for you to prove how much you love me…” tuloy-tuloy na sambit nito ay pwersadong hinawakan ang magkabilang binti niya para ibuka.
Tuluyang napaiyak na siya nang marinig ang pagkapunit ng skirt na suot niya. Alam na alam niya kung ano ang nakatakdang mangyari sa kanila ni Colt. Hindi niya lang matanggap na sa ganoong paraan nito iyon gagawin. Handa naman siyang ibigay ang sarili dito dahil mahal niya ito pero hindi pa siya handa para sa bagay na ‘yon dahil masyado pa siyang bata!
Hinalikan ni Colt ang binti niya kaya mas lalo siyang napaiyak. Noon ay kapag umiiyak na siya ay magtatanong na ito kung ano ang problema niya. Pero ngayon ay kahit humahagulgol na siya sa harapan nito ay tila wala itong naririnig.
Muling gumalaw si Colt para ilihis ang skirt na suot niya. Sumubok siyang gumalaw at pumalag pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa magkabilang binti niya.
Kaya nang tumunog ang phone nito at tuluyang na-distract si Colt doon ay mabilis ang kilos na tinadyakan niya ito sa mukha kaya napahawak ito sa mukha habang dumadaing at nagmumura ng sunod-sunod. Isa pang tadyak sa mukha nito at tuluyan na itong napabitaw sa kanya. Sumubok pa itong muling hawakan siya pero mas nilakasan niya ang pagsipa dito. Dahil nakainom at mukhang napuruhan niya ang mata nito ay hindi na ito nakapagtangka na hawakan siya ulit.
Dali-daling bumangon siya sa kama at mabilisang pinulot ang bag bago tumakbo palabas ng hotel room nito.
Sa paglabas niya sa kwarto ni Colt ay halos wala siya sa sarili kaya nagtagal siya sa paghahanap ng daan papunta sa elevator.
“Lady! Where the hell are you going?” Kung hindi niya pa narinig ang boses ni Colt na mukhang nakalabas na sa kwarto nito at nakabawi na sa pananadyak na ginawa niya, ay hindi pa siya matatauhan.
Pero mukhang huli na nang matauhan siya dahil nasa harapan na niya ito at ilang hakbang na lang ay malalapitan na siya nito. Ni hindi pa naman niya maigalaw ang mga binti niya dahil sa panginginig ng mga ito dahil sa nerbyos na tinamo niya kanina!
Walang nagawa si Lady kung hindi ang tahimik na umiyak na lang at pumikit habang hinihintay niya si Colt na tuluyang makalapit at ituloy ang balak sa kanya.
“Get off me!”
Malakas na sigaw ni Colt ang muling nagpamulat kay Lady. Nang tingnan niya ang harapan niya ay hindi na lang si Colt ang naroon. May isang matangkad na lalaki ang nakatayo sa harapan nito at nakatalikod sa gawi niya. Hawak-hawak nito ang kamay ni Colt at mukhang pinipigilan na lapitan siya.
“You are drunk. I already called the staff—”
“Dare to call a staff member and watch how they will lose their job!” Narinig niya pang banta ni Colt sa lalaking kausap nito pero tinawanan lang ito ng lalaki. Nagmura si Colt at muling pumalag sa hawak nito pero tinulak na siya ng lalaki kaya napaupo sa sahig. Malakas at malutong na mura ni Colt ang huli niyang narinig bago siya nanlalambot na napaupo sa sahig. Napasapo siya sa noo dahil sa agarang pandidilim ng paningin. Ramdam na ramdam pa rin niya ang panginginig ng mga binti niya dahil sa nerbyos kaya nang magsalita ang lalaking tumulong sa kanya ay hindi na halos niya maidilat ang mga mata niya.
“Miss? Do you hear me?” Paulit-ulit na tanong nito pero hindi na niya magawang magsalita dahil unti-unti na siyang nawalan ng malay. Pero bago siya tuluyang nahimatay ay naamoy niya pa ang pamilyar at swabeng pabango nito. She's pretty sure that it is the same guy she saw at the elevator earlier!