Isang malakas na sampal ang bumungad kay Elly pag pasok n'ya sa cottage nila ni Tanya pero wala doon si Tanya at nag sabi ito na sa cottage ng parents nito matutulog at gusto ng mommy nito kaya nagawa n'yang pumuslit sa cottage ni Noah. Umiiyak ang mama n'ya at mugto na din ang mata nito na tinulungan s'yang tumayo habang sapo-sapo ang pisngi na malakas na nasampal ng ama. Pahikbi-hikbi si Elly na tumingin sa ama pero agad din s'yang nag yuko dahil 'di n'ya kayang salubungin ang mga galit nitong tingin.
“Kailan pa nangyayari ito Shelly Mae.” mariin ngunit mahinang tanong ng ama. Hindi makasagot si Elly pero alam na n'ya kung anong tinutukoy ng ama.
“Sumagot ka Elly, tinatanong ka ng papa mo. Sabihin mo na mali ang hinala namin na tama ang ginawa namin pag papalaki sayo.” hindi parin magawang umimik ni Elly basta umiiyak na lang din s'ya kasabay ng ina. Ilang beses naman napamura ang ama na ngayon lang n'ya nakita na nagalit ng ganun.
“Kilala ko si Noah! Hindi ka n'ya pipilitin kung ayaw mo malandi ka babae ka.” sigaw ni Joshua na pigil na pigil ang sarili na masaktan muli ang anak.
“Pinagkatiwalaan ko kayong dalawa. Mga immoral kayo 'di ako makapaniwala sa edad mo pa lang na iyan Shelly Mae.” pati papa n'ya kandaiyak na din sa sama ng loob kaya lalong gustong manlumo ni Elly sa ginawa n'ya. Alam n'yang darating ang point na malalaman ng lahat ang relasyon nila ni Noah pero hindi sa pag kakataon na ito at hindi sa ganitong sitwasyon.
"Magbihis kayong mag ina. Ngayon mismo aalis tayo sa poder ng mga Monteclaro.”
“Joshua.” mahinang usal ni Shiela.
“Ano? gusto mo pa rin bang manatili tayo sa poder nila habang ang anak mong malandi nakikipag siping na sa lalaking halos kuya na nya.”
“Papa!”
“Wag mo akong ma papa papa Shelly Mae dahil hindi ikaw ang anak na pinalaki ko ng maayos.” ihahanda ko na ang sasakyan.” wika pa ng ama bago lumabas ng cottage wala naman imik ang ina na binitawan s'ya. Tinawag n'ya ito pero umiling ang mama n'ya.
*******
“Bakit biglaan silang aalis ng walang pasabi? may nangyari ba Mildred? Ano sabi ni Shiela sayo.”
“Wala e pero kanina madaling araw mugtong-mugto ang mata ni Shiela habang ka videocall ko. Ang sabi lang n'ya kailangan nilang itama ang naging pagkakamali nila.”
“Ano bang nangyayari? Tanya na contact mo na ba si Elly?” na tutulirong tanong ni Henry.
“Patay ang phone ni Elly Kuya” usal ni Tanya ng makita ang kuya n'ya na hinihingal pa mukhang galing sa pagtakbo.
“Bakit wala sila Elly wala din ang sasakyan?”
“Hindi nga din namin alam. Kanina madaling araw tumawag ang tita Shiela mo umiiyak aalis na dw sila.”
“Aalis? to where?” salubong ang kilay na tanong ni Noah.
“I don’t know.”
“May ginawa ka ba kay Elly Noah.?” deretsong tanong ni Henry sa anak.
“Wala po.” Agad na bumalik sa Manila ang pamilya Monteclaro pero labis silang nagulat lahat ng sabihin ng mga katulong at mga guard na nag alsabalutan na raw ang buong pamilya ni Elly. Napakuyom naman ng kamay si Noah. May kinalaman kaya sa relasyon nila ni Elly ang biglaang pag alis ng pamilya nito sa poder nila. Alam na ba ng parents nito ang relasyon meron sila ni Elly.
“What the hell is happening. This is not as simple as I think. Hindi sila aalis dito kung walang mabigat na dahilan.” ani Henry.
-
-
--
-
-
-
“Drop out?” bulalas ni Mildred ng dumating ang anak na iyak ng iyak dahil dumating daw doon ang Ninang Shiela nito sa school kanina at nag file daw nag drop out para kay Elly.
“Sinabi ba sayo kung saan sila lumipat kung saan sila nakatira.” sunod-sunod ang iling ni Tanya.
“Ano bang nangyayari? nalilito na kami ng daddy nyo. wala kaming maalala na ginawang mali.”
“Galit sila kay kuya mommy pero wala sinabi si Ninang kung bakit.”
“Mildred.” sabay na napalingon ang mag ina sa dumating na si Joshua. Feeling ni Mildred tumanda ng 10 taon si Josh sa hitsura nito halatang halata na malaki ang problema nito.
“Joshua.”
“Ninong si Elly po asan si Elly.” umiiyak na tanong ni Tanya. Pilit naman ngumiti ang matandang lalaki at hinaplos ang pisngi ni Tanya.
“Okay lang si Elly anak pero sa ngayon wag muna kayong mag usap. Meron kasing nagawang kasalanan ang kaibigan mo na kailangan namin parusahan.”
“Pero bakit kailangan n'yong umalis dito ninong.”
“Hindi kami puwedeng habang buhay na maninirahan dito sa inyo. Narito lang ako para personal na makapag paalam na pansamantala muna kami mag papahinga ni Shiela. Mildred sana e wag n'yong masamain na Henry.” komento ni Josh. Kapag nasa bahay lang sila malinaw nilang usapan na mag kakaibigan sila pero kapag nasa company employer to employee ang tratuhan nila para iwas conflict sa ibang empleyado.
“Naiintindihan ko pero bakit kailangan umalis ng school ni Elly. At anong ginawa ni Noah ko may kinalaman ba s'ya sa naging desisyon n'yo.” pilit na ngumiti si Josh saka umiling.
“Ang totoo n'yang si Elly namin ang may crush kay Noah pero wala yun walang kinalaman si Noah sa naging desisyon namin.
******
“What? bakit biglaan Dad?”
“Dahil gagawin mo to para kay Elly.” kumunot ang noo ni Noah.
“Alam ko na ang totoo sinabi na sa akin ni Josh pero hindi ito alam ng mommy at ng kapatid mo. Request narin ng tito Josh mo.”
“Si Elly saan po si Elly Dad is she okay?” nag aalalang tanong ni Noah. Ilang araw na s'yang nag tatanong tanong para matunton kung saan lumipat sila Elly he even hired a private imbestigador para hanapin si Elly ng lingid sa kaalaman ng magulang n'ya.
“She will be fine as long as makikipag break ka sa kanya.”
“No way Dad.” matigas at napatayong pagtutol ni Noah.
“I love her and I will fight for her.”
“Are you stupid. She’s a minor Noah and yet pinakialaman mo s'ya kahit ako ang nasa kalagayan ni Josh parehas ang magiging desisyon namin or worst baka ipakulong pa kita.”
“Dad mahal namin ni Elly ang isat isa.”
“Mahal? mahal ba ang tawag sa ginawa mo that you beded a minor. For christ sake Noah. Sa inyong dalawa ni Elly ikaw ang mas matured ikaw ang makakapag isip ng tama kung tama ba ang ginawa n'yo pero hindi. Pinairal mo yang puson at init ng katawan mo.”
“Now mamili ka makikipag hiwalay ka kay Elly o habang buhay ka ng aayawan ng Tito Josh mo. Your calls Noah at sana this time maging tama ang choice mo.”
“Paano kapag nakipag hiwalay ako? paano kung makakilala ng ibang lalaki si Elly paano pa ako babalik pa?” frustated na tanong ni Noah na sapo-sapo ang noo.
“You really in love with her?”
“Hell, yes pa! If I have a choice, I will marry her.” napabuga ng hangin si Henry.
“Marami pang babae Noah masyado pang bata si Elly para hintayin mo sya at sa nangyari palagay mo ba papayag pa ang mga tito mo. Kung talagang kayo ni Elly ang naka tadhana kahit ilang lalaki o babae pa ang dumating sa buhay n'yo kayo at kayo parin tandaan mo yan.” Nasapo ni Noah ang noo at walang maapuhap na sasabihin.
“Noah!” bulalas ni Elly ng makita ang boyfriend sa labas ng gate ng school na pipasukan n'ya. Mabilis silang nag yakap ng mahigpit bago sila sumakay ng kotse nito mainit na nag salubong ang mga labi nila.
“Im sorry for taking me so long to find you.” mahinang usal ni Noah umiyak naman yumakap si Elly rito.
“Kailangan kong humarap sa parents mo this time Ell.”
“Pero paano kung saktan ka ni papa.”
“I dont care. Noon ko pa sana ito ginawa hindi na sana umabot sa ganito.” muli mapusok s'ya nitong hinalikan na para bang miss na miss na talaga nila ang isat isa.
Bumagsak sa sahig si Noah ng suntukin ito ng papa n'ya ng dalawang beses. Mabilis na humarang si Elly sa ama ng akamang lalapitan nanaman nito si Noah.
“Papa please.” galit naman na binalingan ni Joshua ang anak na muling nasampal sa galit na agad naman niyakap ni Noah ay hinaplos ang pisngi ng nobya.
“Ako na lang po ang saktan n'yo tito. Ako na lang po please.”
“Tutal ayaw n'yo naman ata mag hiwalay hala sige mag sama kayong dalawa na parang mag asawa. Yan ba ang gusto mo Elly ha? sana 'di ka na lang namin pinag-aral gagawin ka lang pa lang parausan ng lalaking yan.”
“Tito.” malakas na sigaw ni Noah na halatang nagalit sa sinabi ng matanda.
“Bakit mali ba ako ha Noah! hindi ikaw ang pinangarap kong lalaki para sa anak ko ni sa panaginip hindi ko na isip na darating ang araw na to. Kaya tutal din naman natunton mo kami puwes mula ngayon mag sama na kayo dalawa. 'di ka rin naman titigil diba lalo ka ng babae ka malandi ka.” dinuldol pa ni Josh ang daliri sa sintido ng anak sakto naman pasok ng ina ni Elly na may bitbit na pinamili na binitawan ng makita ang nangyayari.
“Tamang tama Shiela. Iimpake mo ang damit ng babaeng to dahil mula ngayon wala na tayong anak.”
“Papa.”
“Umalis ka na sumama ka na sa lalaking yan. Kakalimutan kong may anak ako.” tumalikod si Josh at 'di na lumingon pa na pumasok ng kuwarto.
“Ano bang ginagawa mo dito tao ka.” pinag papalo sa balikat ni Shiela ang binata habang umiiyak.
“Bakit pumunta ka pa dito.”
“Tita please I'm sorry mahal ko po si Elly.”
“Umalis ka na baka masaktan lang din kita. Bestfriend ko ang mama mo at halos magkapatid na kayo ni Elly. Kung alam ko lang na darating ang punto na to sana noon pa lang bumukod na kami ng bahay.”
“Mama.”
“Bakit Elly. Mas pipiliin mo ba si Noah kesa sa amin ng papa mo. kailangna ko ba talagang iimpake ang gamit mo.” umiling si Elly.
“Bata ka pa Elly marami ka pang makikilalang lalaki hindi lang si Noah ang lalaki na darating para sayo. At ikaw Noah hindi si Elly ko ang para sayo masyado pa s'yang bata pumili ka ng babaeng nararapat para sayo at sana naman makinig ka kung talagang mahal mo ang anak namin. Alam kong mabuti kang tao Noah at napaka suwerter ng babaeng mapipili mo pero wag ang anak nmin Noah utang na loob.”
“mama.” bulalas ni Elly ng bigla lumuhod ang mama n'ya sa harapan ni Noah.
“Tita She.”
“Wag ang anak ko Noah! pakiusap wag s'ya simple lng ang buhay na pangarap namin sa kanya. At hindi ikaw yun Noah please lang.” napapikit si Noah masakit para sa kanya ang lahat ng naririnig pero 'di n'ya magawang mag salita. Napatingin si Noah kay Elly nakamarka pa sa pisngi nito ang kamay ng ama. Marahil nasaktan din si Elly ng unang beses na malaman nito ang tungkol sa kanila at kung ipipilit n'ya ng ipipilit ang pag mamahal nilang dalawa si Elly ang labis na mag susuffer. Ngayon lang ito nasaktan ng papa nito ng dahil sa kanya. Tumanda ang ang hitsura ng mag asawa na parang napakalaki ng suliranin na wala ang nining sa mata ng ina ni Elly. Habang si Elly naman ang laki ng ipinayat. Napahinga ng ng malalim si Noah at pinahid ang butil ng luha ng pumatak sa mga mata nya. Tama ang papa it's his call s'ya lang ang makakapag desisyon kung ano ang tama. Malalaki ang hakbang ni Noah na lumabas ng bahay mabilis naman humabol si Elly.
“Saan ka pupunta?”
“We need to break up Elly.”
“Ano No?!” matigas na tanggi ni Elly.
“This is for the best. Tama ang parents mo mali ako na mahalin ka.” napakagat labi si Elly mas malakas pa sa sampal ng ama ang impact sa puso n'ya ng sinabi ni Noah.
“Days from now aalis ako papuntang America. Mas tama na rin siguro na ako na ang lumayo.”
“Puwede naman tayong mag mahalan kahit malayo diba. Meron naman long distance relationship.”
umiling si Noah.
“There is no such thing like that Elly. Lalaki ako.” pumiyok si Noah sa pag kakasabi na iyon.
“At bata ka pa nga talaga at mali lahat ng ginawa natin. We need to listen to your parents.”
“Ayoko Noah! mahal kita. Ayokong mag break tayo ng ganito.” napa hagulgol ng iyak si Elly pero mabilis na tumalikod si Noah habang kuyom ang mga palad.
“I already made up my mind. I'm going to America at break na tayo as of today.”