Episode 7- Muling pag babalik

2434 Words
Present.... Mabilis na lumipas ang mga taon marami na ang nag bago. Meron ng sariling Pastry Cafe' si Elly at kasosyo n'ya ang bestfriend na si Tanya na nasa clothing line business. Naging fashion designer ang bestfriend n'ya gaya ng pangarap nito at s’ya naman e naging pastry chef. Bago pa lang nakikialala sa fashion industry si Tanya habang s'ya naman ay timano pag ka graduate nag decide sila ni Tanya na mag sosyo ng pag bubukas ng isang cafe na ngayon ay kilala at may mga branch na all over the country. Computer shop iyon s***h cafe kaya in demand na in demand para sa lahat ng tao na kailangan ng mabilis na internet connection at habang nanginginain. 6 years na ang business nila ni Tanya. Sa 10 years na lumipas at sa dami na nangyari sa buhay nilang mag kaibigan isa lang ang 'di nag bago ang t***k ng puso n'ya na si Noah pa din ang itinitibok. Nalaman n'ya kay Tanya na may nobya na si Noah sa America isang supermodel na kasing edad nito. Wala ka idea-idea si Tanya sa nangyari 10 years ago akala nito nag karoon lang ng problema ang parents n'ya. Idagdag pa na akalain mo nakabuo pa ang mama at papa n'ya kaya ngayon may kapatid na s'ya na 4 years old na 'di n'ya akalain pero tulad ng dati bumalik ang samahan nila right after her graduation ng napatunayan n'ya sa parents n'ya na nagkamali man s'ya noong una. Nagawa pa rin n'yang makabangon sa pag kakadapa. She never considered na pag kakamali si Noah sa buhay n'ya. Masakit man tangapin pero isang pagkakamali ang turing sa kanya ni Noah. Akala pa naman n'ya totoo lahat ng sinasabi nito sa kanya noon yun pala isa lang s'ya sa babaeng nadala nito sa kama ng walang kahirap-hirap. She even believes na pakakasalan talaga s'ya nito pag dating ng araw pero ngayon halos laman ng balita at magazine ang tungkol sa supermodel at young and hottest Pilipino bachelor in town na si Noah na mag papakasal 'di umano ang dalawa. Pero according naman kay Tanya malakas daw ang kutob nitong fake news iyon dahil kung totoo daw na ang supermodel na iyon ang pakakasalan ng kuya nito bakit daw ayaw nitong ipakilala sa parents nila. Kung darating man ang time na mag kikita ulit sila ni Noah. Ipinangako n'ya sa sarili na hinding-hindi na s'ya mag papadala sa mga magaganda nitong ngiti at sa matatamis nitong dila. Mananatili na lang itong kapatid ng bestfriend n'ya period. Tama na minsan na nabaliw s'ya rito at tama na rin siguro ang balde-baldeng luhang sinayang n'ya rito. Ilang taon din s'yang umiyak dahil sa breakup nila na nag makaawa pa s'ya para wag lang iwan nito pero sa huli umalis lang ito na 'di nag sasabi. “Be ready by 6pm okay dadaanan na lang kita d'yan sa shop.” “Sila mama at papa?” “Pinakaon na sila ni Daddy kaya don't worry okay.” 60th birthday ng Ninang Mildred n'ya at gagawin iyon sa hotel na pag-aari ng pamilya ng mga ito. Ayaw sana n'yang umattend dahil malakas ang kutob n'ya na baka umuwi si Noah kaso according to Tanya hindi ito makakauwi bukas pa daw ng gabi. Nag kunwari na lang s'ya na nanghinayang kunwari na 'di n'ya makikita si Noah. Nag papanggap s'ya na namimiss na n'ya si Noah pero deep inside totoo naman. Ayaw lang n'ya mag-isip si Tanya kung anong nagyari sa kanila ng kuya nito kaya she acts as if nothing happens. “Oo na.” “Make sure na ikaw ang pinakamaganda tonight ha! dahil ipakikilala ko sayo ang magiging Groom to be mo.” napangiwi naman si Elly. Wala na kasi ginawa si Tanya kundi ihanap sya ng boyfrend dahil gusto raw nito kapag kinasal ito at ang long time boyfriend e sabay sila kaso di pa sya nag kakaroon ng boyfriend after kay Noah. “Hay! sino naman pontio pilato ang ipakikilala mo sa akin.” maktol ni Elly sa kabilang linya ng phone. “Guwapo ba si Kuya Noah para sayo.?” tanong ni Tanya na ikinakunot ng noo ni Elly. “Oo naman at tingin ko wala naman makakahigit sa kuya mo.” “Ang Oa naman kasi ng standard mo kulang na lang sabihin mo sa akin na si Kuya ang gusto mong maging bf.” “Hello lahat ng babae gugustuhin talaga ang kasing perfect ng kuya mo ano.” patay malisyang sagot ni Elly. “Ibaba mo na lang kasi mahihirapan tayo kapag hahanap ako ng katulad ni kuya saka try mo kayang mag-ayos malay mo mapansin ka rin ni Kuya as a woman.” mapait na ngumiti si Elly. “Hay naku! babye na nga ang dami ko pang gagawin sige na babye na mamaya na tayo mag-usap. “Bilisan mo na tapusin mo na yan at mag papaparlor pa tayo.” ***** “Oh my God Shelly Mae. Napakaganda mo hija kailan lang tayo huling nag kita pero ngayon mukha kang diyosa na bumaba sa langit.” natawa naman si Elly sa exaggerated na bati ng ninang Mildred n'ya. Puting long glitter gown ang suot n'ya kung tutuusin simpleng simple lang ang damit na iyon na si Tanya mismo ang nag design. “Happy birthday po Ninang.” humalik pa sya sa pisngi nito bago inabot ang isang paper bag na may lamang regalo. “Mukhang may kulang sa outfit mo ngayon. Let’s go parang alam ko na. Anak Tanya hija ikaw muna bahala sa mga bisita natin. isasama ko lang saglit si Elly. Oh by the way ang papa at mama mo nandyan na rin sila baka kausap ng Ninong mo pati si Sherwin. tukoy nito sa bunso niyang kapatid. “Wow see napakaganda bagay na bagay sayo hija.” wika ni Mildred habang parehas silang nakatingin sa reflection n'ya sa salamin habang suot-suot ang isang set ng Emerald jewelry na napakaganda talaga. “Dapat isusuot ni Tanya yan kaso ayaw n'ya kasi 'di daw bagay sa gown n'ya kaya ikaw muna ang mag suot okay hija your so pretty talaga Niyakap pa s'ya niyo ng mahigpit bago nag yaya na bumalik sa bulwagan. “Hi.” nag angat ng mukha si Elly ng marinig ang isang boses. Pilit naman ngumiti si Elly ito yung sinabi ni Tanya. Hindi tulad nito ang tipo n'ya na pa boy next door ang dating at serious type. Mas gusto pa rin n'ya yung mukhang suplado at mayabang na tulad ni Noah. What you see is what you get ika -nga. “Ang cute naman ng brother mo.” puna pa nito na bahagya pang pinisil ang pisngi ng kapatid n'yang sinusubuan n'ya ng pagkain. Masama naman ang tingin ni Sherwin sa binata. Ayaw kasi sa lahat nito yung pipisilin ang pisngi. Mataba kasi ang kapatid n'ya na talaga naman napaka cute 'di mo ma pipigilan na pisilin ang pisngi. “Oh! I'm sorry, did I hurt you little boy.” “No! but I hate it when someone pitch me.” ngumiti si Jasper. “Ang ganda ng ate mo kapag ngumiti s'ya.” nabura bigla ang ngiti ni Elly ng mapansin na sa kanya pala ito nakatingin. “She’s not my ate.” kumunot naman ang noo ni Jasper. Pigil naman ni Elly ang mapangiti. Gaya ng napag usapan nilang mag ate na kapag meron lalaki lalapit sa kanya sasabihin nito na hindi sila mag ate kundi mag mommy. Ang usapang iyong e sapagitan lang nilang mag kapatid at syempre may kapalit iyon as always. “She’s my mom actually pero di puwede malaman ng iba hmmm kaya quite ka lang sir.” wika pa ng bata na iniharang pa ang hintuturo sa bibig. Halata naman nagulat si Jasper na tumunog ang cellphone saka saglit na nag excuse. Napahagikgik naman ang mag kapatid ng tumalikod si Jasper agad na nag Hi Five ang dalawa. “Is that the way how you rid your suitors.” anas ng britonong tinig na 'di na kailanagn kilalanin pa ni Elly kung sino kahit nakapikit alam n'yang si Noah iyon pero sabi ni Tanya hindi ito darating. “Who are you?” tanong naman ni Sherwin na nilingon si Noah na nakangiti na parang nag iisip. “Sabi mo kanina she is your mom, right?” tumango ang batang lalaki. “Then maybe I'm your father.” pakindat na sagot ni Noah. Gusto sana mapikon ni Elly sa sinabi ni Noah sa kapatid n'ya pero nag kunwari na lang s'yang deadma. Gaya ng mahabang panahon n'yang pinaractice in case na magkita ulit sila ni Noah mag papanggap s'ya na everything is alright kahit iniwan s'ya nito noon. “May daddy na po ako I dont need one.” “Oh! that sad, I would love to play as your dad pa naman.” “Kuya.” bulalas ni Tanya ng makalapit ito kasama ang nobyo. “Hi! Tans.” tumayo si Noah at humalik sa pisngi ng kapatid. “Ang sabi mo 'di ka darating that your busy.” “You really think that I would miss mom's birthday. I just said it for some reason.” pakibit balikat na sagot ni Noah sabay lingon sa kanya. Ubod tamis naman s'yang ngumiti na para bang tuwang-tuwa s'ya sa mga sagutan nito. “You have a brother Ate Tany.” tanong pa ni Sherwin. “Unfortunately, yes. And here he is my one and only kuya and this Sherwin Elly’s little brother as you know.” “Ate wiwi ako.” baling ni Sherwin sa kapatid na agad na tumayo at inalalayan ang kapatid. “Excuse me. Samahan ko lang muna kapatid ko sa bathroom.” ani Elly saka nag paalam at tumalikod. Napasunod naman ng tingin si Noah kay Elly saka ngumiti ng mapatingin s'ya sa kapatid masama ang tingin nito sa kanya. “What?” natatawang tanong ni Noah. “Don’t you ever-ever look at my bestie like that again and I swear to God dudukutin ko yang mga mata mo kuya.” banta ni Tanya sa kapatid. “Oh, come on Tans Give me a break. James paki layo mo nga sa akin yang Girlfriend mol alo akong nag kaka jetlag.” natawa naman si James na niyaya ang nobya na lumayo. “Mukhang 'di ka nag eenjoy sa party ni Mommy.” sandaling nilingon ni Elly si Noah na may dala-dalang goblet wine na inabot sa kanya ang isa na kinuha naman n'ya. “I don’t usually blend to your world.” simpleng sagot ni Elly kumunot naman ang noo ni Noah na nilingon s'ya sandali. “My world?” “This! meeting with everyone partying talking business etc. this is not the kind of life I wanted.” “Soon this will be your world whether you like it or not.” ani Noah tumaas naman ang kilay ni Elly at ano naman kaya ang gusto nitong iparating sa kanya. Iniisip ba talaga nito madali ulit s'yang mauuto gaya dati na parang 'di s'ya nito iniwan 10 years ago. Nanginginig ang laman n'ya na parang gusto n'yang isaboy rito ang hawak na wine. “No, I dont think so. I better be alone than accepting this in the future.” Ngumti si Elly saka sumimaim ng wine saka nag paalam kay Noah. Obviously malakaS pa rin ang effects sa kanya ni Noah. Nagagawa pa rin nitong patibukin ng mabilis ang puso n'ya na parang 'di s'ya nasaktan noon. “I better go-ahead mag papalam na ako kila Ninang. My parents, I belive dito sila mag ssaty sa hotel.” agad na humakbang papalayo si Elly pero mabilis naman sumunod sa kanya si Noah. “Maybe I can drive you—- “No thank you dala ko ang kotse ko.” sagot ni Elly na bahagya pang nilingon at nginitian si Noah. Walang nag bago kay Noah kundi mas lalo itong gumuwapo at naging attractive buti na lang pala kahit papano tumangkad s'ya hindi na sya hanggang balikat lang ni Noah lumampas s'ya ng konti better than before. “Pa.” nakasalubong pa ni Elly ang ama na ngumiti na binati pa si Noah ng makita ito. Mukhang nag ka ayos na ang dalawa bagay na kahit papano nakaluwag sa damdamin n'ya medyo kinabahan pa s'ya ng makita ang ama buti na lang pala maayos na ang dalawa. “Are you back for good hijo?” “Yes po.” “Good. Elly anak hinahanap ka ng mama mo.” “sige p0.” “Come hijo. siguradong matutuwa ang tita mo kapag nakita ka napakaguwapo mo ngayon ah.” napangiwi si Elly. Umiiwas nga s'ya ng pasimple kay Noah tas yayain naman ng ama n'ya. Wala ba pride ang dalawang to na iinis na lang na nauna ng humakbang palayo si Elly. “So, you're the lucky one.” ani ng isang matandang chinito na kasama sa table ng mga Monteclaro ng ipakilala s'ya ng Ninang Mildred n'ya sa mga bisita nito. Alanganin naman napangiti si Elly na nagtataka sa sinabi ng matanda na senigundahan pa ng ngitian ng mga bisita. “Ma, anong sinasbi nila 'di ko ma gets.” pa simpleng bulong ni Elly sa ina. “Yang suot mong jewerly set. It was a Heirloom of Monteclaro.” Nanlaki ang mata na wala sa loob na napahawak sa suot na kuwintas si Elly. “Pinahiram lang po sa akin to ni Ninang kasi ayaw isuot ni Tanya.” “Just smile okay don't make a big deal out of it.” bulong din ng ina. Pag lingon n'ya nakita n'ya uli si Noah na nag taas pa ng hawak na wine na parang nakikipag toss sa kanya. Ngayon parang nagkaroon na s'ya ng idea kung bakit nito sinabi ang sinabi kanina dahil alam nito na heirloom ang suot n'ya. Hinanap n'ya ang kaibigan at agad itong hinila sa isang sulok patungong ladies' room saka nag mamadaling hinubad ang alahas. “Oi! anong ginagawa mo.” nagulat na tanong ni Tanya ng kunin ni Elly ang purse ng kaibigan. “Uuwi na ako pakibalik sa ninang tong mga alahas okay.” “Parang may idea na ako kung bakit?” nakataas ang kilay na wika ni Tanya. “Bukas na tayo mag tsismisan basta uuwi na ako.” nakita ni Elly na panay ang lingon ni Noah obviously may hinahanap ito. “Dito na ako lalabas aa kitchen. Bye!” nag mamadaling humalik sa pisngi ni Tanya si Elly at malalaki ang hakbang na lumayo at hindi na lumingon pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD