Chapter 2. Lily the valley

1861 Words
Mirabella's POV . . Lily the Valley . .   "Bilisan mo, Mirabella," tawag ni Mama. "I'm coming, Ma!" . Mabilis kong tinali nang paikot-ikot ang mahaba at kulot kong buhok. Gusto ko sanang magpagupit na, kaso huwag daw muna at saka na pagkatapos ng kasal namin ni Juan Buenavista. Napamura ako habang inaayos ko ito. Sumabit kasi ang hairpin at bumaon sa ulo ko. Kung kailan pa ako nagmamadali ay saka naman ako natusok! . "Mirabella!" tawag ulit ni Mama. "Oo na! Ano ba!" padabog na tugon ko. . Mabilis na akong lumabas ng kwarto at pababa ng hagdanan. Kung marathon nga lang ito ay tiyak nahulog na ako. . "Aray ko po, pesting pusa!" mura ko. Natapilok ako at kamuntik ng mahulog sa hagdanan pagkababa ko rito. Isang baitang na lang ito, pero ang swerte ko naman oh! "Dios ko! Maria Santisima kang bata ka!" si Mama ulit at halos malagutan na siya nang hininga habang nakatitig sa akin. "Got you, babe!" . Ang matipunong katawan ni Juan ang humawak sa katawan ko. Mabuti na lang dahil kung hindi ay tiyak sa sahig ang bagsak ko. Ngumiti lang din ako at hindi bumitaw ang dalawang kamay ko na nakahawak sa tali ng buhok. . "Salamat my Juan, baby!" kindat ko sa kanya at bahagya na siyang natawa. Bumitaw na ako sa buhok ko nang maayos ko ang tali nito, at inayos ko na ang sarili ko. "Ba't ba ang tagal mo? At talagang hindi ka bumitaw at humawak man lang sa hawakan ng hagdanan! You're so clumsy as ever, Mirabella! Mamamatay ako sa'yo bata ka!" si Mama. Namilog ang mata niya at halos lumabas na ang lahat ng ugat sa leeg niya. "I'm fine, Ma. In-hale, exhale... Ang hypertension natin. Kaya ngumiti ka na, Ma. Nasalo naman ako ni Juan. My baby will always catch me every time I fall. Di ba, babe?" kindat ko at ngiti niya. Namaywang na tuloy siya at napailing pa. "Hay naku! Ikaw na ang bahala sa anak ko, Juan, hijo. Pasensya ka na at alam kong kilala mo na ang kabaliwan at kagagahan ng batang ito." "Wala pong problema, Tita. Sanay na sanay na ako sa baliw na ugali ni Mirabella," lambing na ngiti ni Juan sa akin at tumaas na ang kilay ko kay Mama. "Na hala sige, mag-ingat kayo. At ikaw, Mirabella? Umayos ka!" taas kilay ni Mama sa akin. Niyakap ko agad siya. "Hmm, I love you, Ma," agad na halik ko sa pisngi niya. "Saan nga pala si Papa? Hindi ko nakita ah?" tanong ko sa kanya. Bumitaw na rin ako mula sa pagkakayakap sa ina ko. "Sumama kay Nestor at pumuntang syudad. Naghahanap nang customer ang Papa mo. Kaya hayaan mo na," simpling sagot ni Mama at tumango na ako. . Papa is very hardworking in our business. Hindi naman kalakihan ang negosyo namin, pero sapat na ito para matustusan ang mga kalapit na farm sa buong baryo at syudad. We cater, sell and make organic fertiliser in farming productions and animals propagation. Agriculture ang natapos ni Papa at naging experto siya sa larangan na ito. Ito na ang ikinabubuhay ng pamilya niya noon at pinalago lang niya ang negosyo. . "Okay, Ma, we have to go. I love you!" "Tita, salamat po," galang na tugon ni Juan kay Mama at humalik din siya sa pisngi ng Mama ko. . Umalis na kami na gamit ang ford ranger na sasakyan niya. Sa hitsura pa lang ng sasakyan na gagamitin namin ay alam kong rough road ang pupuntahan namin. Ipapasyal kasi ako ni Juan ngayon sa Buenavista Farm at ipapakilala sa buong tauhan nila sa farm. . BITBIT ang basket na may lamang pagkain ay maingat ko itong nilagay sa likurang bahagi ng upuan. Napansin ko agad ang mga bulaklak na presko at nasa upuan ko ito. Napangiti ako at sinunod nang titig si Juan, na ngayon ay umikot na sa bandang bahagi ng upuan niya. Pumwesto na siya sa driver seat area at kinuha ang bulaklak sa upuan ko, para maupo ako rito. . "For you, babe." Sabay bigay niya nito. "Salamat," nakangiting tangap ko. "Saan mo 'to nakuha?" . Halata kasi na hindi ito galing sa tindahan ng mga bulaklak. Ang klaseng bulaklak na ito ay ang paborito kong lily the valley. Mahirap itong hanapin at madalas ay o-orderin pa talaga mula sa Bagiuo. Hindi siya nagsalita at nakangiting tahimik lang din. Napangiwi na ako at inamoy na lang ito. Pinaandar na niya ang sasakyan at tahimik na kaming dalawa. . "Ang bango talaga nito. Paborito ko," patuloy na titig ko sa kanya at lihim lang din ang ngiti niya. . Juan Buenavista is a typical timid yet a very classical, bold and loving person. Those people that didn't know his personality thought that he's very strict and snob. Hindi kasi siya palangiti at madalas ay seryoso sa negosyo na hinahawakan ng pamilya nila. Siya na mismo ang namamahala nito at solong tagapagmana. . "Nagluto ako ng paborito mo." "Really? Thank you," tipid na tugon niya at seryosong nagmaneho. . Tahimik na akong napangiti sa sarili. Binuksan ang dala kong bag at kinuha ang cellphone ko mula rito. Binasa ko ang mensaha na galing kay Bebe. . Bebe text message: Hoy, Mirabella! Ikakasal ka na ba? Anong klaseng kabaliwan na balita ito? Nabaliw ka na ba? Anong pumasok na kukuti mo? Kumunot ang noo ko habang binabasa ito, kaya nag-replay agad ako. . Me to Bebe: Oo, bruha. Ikakasal na ako! Bakit? May anggal ka? Mas mabuting magpakasal na kaming dalawa kaysa sa tumanda akong birhin na dalaga! . Bebe text message: Akala ko ba forever Travis ka? E, mukhang magbibigti ka na. . Halata sa mensahi niya na tawang-tawa siya at mukhang nag roll-over pa siguro sa lupa ang bruha! . Me text to Bebe: Hoy! For your information matagal na akong naka-move on sa pangit na iyon! Isa pa may asawa na ang mukong na 'yon! E, di' mag-aasawa na rin ako. Ano siya sinuswerte! . Ibinalik ko na agad ang cellphone sa loob ng bag. Walang kwenta ang pag-uusap na ito. Pinagtatawanan lang ako ng mga kaibigan ko. I stared back at Juan and his eyes are serious on the road. I grab my sleeping eye mask, dala-dala ko ito palagi dahil sa mahahabang biyahe. Isang oras at kalahati mula rito ang Buenavista Farm kaya matutulog na muna ako. . "Wake me up, babe. Kapag nakarating na tayo sa farm ninyo." Isinuot ko na ang piring sa mata ko at sumandal na ako para mahiga na. "Are they laughing at you again?" I heard him chuckled. "Oo! Alam mo naman kung gaano kabaliw si Bebe 'di ba? E, ba't daw tayo magpapakasal dalawa?" . Imbes na matulog ay tinangal ko na ang piring sa mata ko at nagtagpo na ang kilay ko habang nakatitig kay Juan ngayon. Ngumiti lang din siya. . "At anong mali sa atin, aber? Ba't 'di mo kasi niligawan si Bebe? Patay na patay ang bruha sa'yo! Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ko at sumang-ayon ako sa kagustuhan mo," sabay sandal ko sa upuan. "Babe, we're meant to be. So don't worry... What was our promise when we were kids? Di ba ang sabi ko sa'yo kapag tumuntong na ako ng trenta'y tres at wala pa akong babae na ipapakilala sa mga magulang ko, ay ikaw ang ipapakilala ko," lawak na ngiti niya at napangiwi na ako. "You have no boyfriend anyway. I know you love Travis, Mirabella. But he's happily married now. Wala ka ng pag-asa," kantyaw niya at bahagyang natawa pa. "Pesting pusa naman oh! Tigilan mo nga ako, Juan! I don't care about Travis anymore. Matagal na siyang namatay sa puso ko!" nguso ko. "I know, alam ko. Kaya nga magpapakasal na tayo 'di ba? And besides, we have talked about it. Both of our parents are excited, babe." . I sighed deeply and went quiet by myself. Hindi ko alam kong tama ba 'to, pero wala na akong choice. If there's someone that can satisfy my parents desire in having a son-in-law, Juan is the answer. Our families are ties and so as we. Wala ng bago sa amin dahil magkaibigan ang bawat pamilya naming dalawa. At simula't sapol ay kababata ko na si Juan, kaya kilalang-kilala ko na siya. . "Are you happy, Juan? I-I mean are you happy to be tied up with me?" naguguluhang tanong ko. . Hindi kasi ako sigurado sa sarili ko. Pero sa tuwing naririnig ko ang sagot niya ay nabibighani ako sa malalambing niyang salita. . "I am contented, Mirabella... Happiness and love will follow, babe. And besides, ako lang 'ata ang lalaki na baliw na pakasalan ka," bahagyang tawa niya. . My brows lifted when I stared at him. The sweet laugh he made is soft that I can't almost heard it. He's teasing me again. I shook my head in dismay. What else do I expect from him? . "Kung baliw ako, mas baliw ka! Ewan ko sa'yo! Hindi kita bibigyan ng anak at wala kang kiss mamaya!" Umirap na ako at pinaikot na ang mga mata ko sa kanya at mas natawa na siya. . NANG makarating kami sa Buenavista Farm ay abala ang lahat ng empleyado. Tahimik akong pinasyal ni Juan. Mas madaldal siya sa mga tauhan nila kaysa sa akin. E, sa kilala ko na ang bawat kilos niya, kaya alam ko ang dedikasyon niya sa negosyo. Ilang oras din kaming umikot sa buong hacienda. I thought we will go on the same spot as where we always go to eat our lunch in picnic. But he took me to a different direction. This area was closed before and he didn't even let me in for a purpose. . "Hang-on, Mirabella." Tinakpan niya agad ang mga mata ko nang tumitig ako sa kanya. "Juan Buenavista? Ang ka-dramahan 'to ah!" reklamo ko, pero kinikilig din naman ako. . I remember he didn't made his proposal yet. Kasal diretso ang lumabas sa bibig niya noong nakaraang buwan at wala man lang singsing sa kamay ko. Ang cheap nga! Dahil hindi niya ako binigyan ng engagement ring. . "I want you to know that I have no regrets in choosing you as my future wife, Mirabella." . Parang may kung anong kumalabit sa puso ko at natatawa ako ngayon. Hindi ko makuhang magseryoso sa kanya. Inalis na niya ang kamay sa mata ko at tinitigan na ako. Nakaharap ako sa kanya at hinawakan niya agad ang kamay ko. . "Let's get married and be happy, Mirabella. And as a token of our marriage of convenient I made this project for us in the future, babe," ngiti niya. . Dahan-dahan niyang pinaikot ang katawan ko hanggang sa makita ko na ang lily the valley plantation area. Namangha ako at amoy ko ang bango nito sa hangin. . "What the- lily the valley?" awang nang bibig ko. . Ang akala ko engagement ring ang matatangap ko, e hindi naman pala! Hay, naku Juan Luna, este Juan Buenavista. Ang baliw mo talaga! Short-cut na 'ata ito. Walang engagement ring at wedding ring na diretso. . . C.M. LOUDEN/Vbomshell
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD