Mirabella's POV
.
.
The other woman
.
.
Ang saya ng araw na ito dahil sa sorpresa ni Juan sa akin, at talagang hindi pa siya natapos dahil may inihanda pa siyang pasabog sa gitna ng lily the valley plantation. I probably got the widest smile on earth when I saw the beautiful set up picnic for us. There are lights around it and the table is set up below. Mas natawa ako nang makita ang dalawang tauhan niya na may bitbit na gitara.
.
"Come here, babe."
.
He grabbed my hand and hold it firmly. I kept smiling like a lunatic. Hindi ko inakala na ang isang Juan Buenavista ay romantiko pala. We walk down to the isle where everything was set. Then one of them started singing while the other one started playing the guitar.
.
"Alam mo mas maganda sana 'to kung ikaw ang kumanta at tumugtug ng gitara, Juan." I pouted and showed him my tongue. He just shook head and smile.
.
They haven't stop playing and I just smile watching them. Ang kantang 'Panalangin' ang kinakanta nila ngayon. Ang sarap pakingan nito sa tainga at hindi maalis ang ngiti ko sa labi. Pinaupo ako ni Juan at maingat na inayos ang mesa para sa aming dalawa. Siya na mismo ang kumuha sa pagkain na ginawa ko at nilapag sa mesa ito.
.
Wala nang iba pang mas mahalaga
Sa tamis na dulot ng pag-ibig natin dal'wa
At sana nama'y makikinig ka
Kapag aking sabihing minamahal kita
.
I though for a moment, did Juan really fall in love with me? E, mukhang hindi naman kasi ito nangyari sa aming dalawa. Since we were young we treat ourselves as brother and sister. Nag-iisang anak ako at walang kapatid, at si Juan ang naging karugtong ng buhay ko. Our families are so close to each other. Parang kapatid na ni Mama ang Mama ni Juan. Kaya ganito kami kalapit sa isa't-isa.
.
Natapos ang kanta nila at pumalakpak ako. Yumuko agad sila at nagbigay galang kay Juan. Sumenyas agad si Juan at umalis na sila rito.
.
"Iyon lang? Wala na? Gusto ko pa sanang kumanta," ngiwi ko sa kanya.
"That's all," he chuckled, shook his head and laugh a bit. Pinagtatawanan ako nang mukong na 'to!
"Kumain ka na. Lalamig na 'yan!"
.
Tinuro nang bibig niya ang pagkain na nasa plato ko. Namilog ang mga mata ko dahil egg tart ito. E, hindi naman ako gumawa ng egg tart ngayon. Alam talaga ni Juan ang paborito ko. Kaya nga mahal na mahal ko ang baliw na 'to kahit hindi ko siya gusto.
.
"Wow! Ginawa mo ano? Ayee! Ang sweet talaga ng baby ko!"
.
Straight away I grabbed it, open my mouth as wide as I can and ready to devour it. But what surprised me is when I chewed it, I felt the hard metal material inside my mouth. I spat it out. My mouth twisted while staring at him.
.
"Ano 'to? Did you drop hard eggshells?" kunot-noo ko at napailing na siya. Ngumiti lang din ang walanghiya! Pinunasan ko agad ang bibig ko at ininom ang tubig.
"Matakaw ka kasi. Kamuntik mo nang malunok 'yan," pilyong ngiti iya at mas ngumiwi ako sa kanya.
.
I rolled my eyes at him and look at the food that I spat before. My eyes widened when I saw the spark of a diamond ring. Holy molly! It's an engagement ring?
I pick it up and flick the remaining food around it. My mouth twisted while staring at him and I laugh.
.
"So, this is your way of proposing? Akala ko wala na akong singsing na matatangap mula sa'yo. Iyon naman pala niluto mo!"
.
Nilahad ko ito pabalik sa kanya at kinuha niya ito sa kamay ko. I gently smile and position my hand so that he can put in around my finger. He gently slid it in my finger and I smile.
.
"Salamat."
He chuckled and smirked. "Ba't salamat? Mirabella... It's my pleasure."
"Oh, shut up, Juan! Ikaw talaga kahit kailan wala ka talagang kaalam-alam sa gusto naming mga babae ano?"
.
Tinitigan ko na ang kamay ko at napangiti lang din ako. I don't love Juan, don't get me wrong. I don't use him too. This marriage of convenience is long past overdue. Dapat sana noong nakaraang taon pa ito. Pero dahil broken hearted ako ay hinintay niya munang maka-move-on ako kay Travis. The heck with Travis! He was never mine to begin with. Ako lang 'ata ang naging baliw sa kanya noon.
.
"Kumain ka na nga at tama na ang reklamo!" tawang tugon niya at inihanda na ang pagkain ko.
.
We ate happily and talk on few things. We've talk matters about his business and my so-called-life business. Ang totoo wala akong pinagkakaabalahan dahil wala naman akong trabaho. Katulad ako ng Ama ko, Agriculture ang tinapos ko. Veterinary sana ang gusto ko. Pero ang mamahal ng mga kabayo para gawin lang experimento. Kaya huwag na! Mababaliw lang ako sa pag-dissect nang lahat nang mga hayop sa mundo!
.
Nang matapos ay nag-ikot kami sa boung lily the valley. Medyo high maintenance ang mga ito, at hindi ko alam kung kikita ba siya ng tudo. Pero ganito naman talaga kasi si Juan. Mapilit siya sa mga bagay na gusto niya.
.
"Sir, Juan!" tawag nang isang emplyedo sa kanya. Napatingin kaming dalawa at patakbo siyang lumapit sa amin.
"Yes, Mang June?" si Juan sa kanya.
"May naghahanap po sa inyong babae sa labas, Sir?"
"Mang June. Sabihin mo abala ako," tigas na tugon ni Juan.
"A, e, Sir, galing pa po siyang malayong lugar, Sir. Kawawa naman, Sir. E, mukhang buntis pa at parang nahihirapan sa biyahe."
Namilog agad ang mga mata ko at napako ang tingin ko kay Juan. Sumeryoso at kumot agad ang noo niya.
"Ako talaga ang hinahanap niya?" si Juan kay Manong.
"Oo, Sir. Ikaw talaga, Sir. Tinanong ko pa nga ng makailang beses. Baka kasi nagkamali siya. E, ikaw talaga, Sir."
Tumitig na si Juan sa akin at tumaas lang din ang kilay ko.
"May binuntis ka na? Agad-agad? E, wala ka namang girlfriend?" pabirong tugon ko.
.
Humawak agad si Juan sa kamay ko at sabay kaming lumabas sa plantasyon. Nakita ko agad ang babae. Nakatayo siya at may malaking maleta sa gilid niya. She stared at me like how I stared at her. She seems pretty and decent to me. Mahaba ang buhok at may simpling ganda. Malalim ang mga mata at halatang pagod siya sa biyahe niya.
.
"Manong June, pakihatid po si senyorita Mirabella sa kanila," utos ni Juan kay Manong June.
.
Napakurap agad ako na parang kinabahan na. I stared at Juan but he's not staring back at me. He's eyes darted to the woman whom standing in the corner.
.
"J-Juan, babe-"
"Babe, will talk tonight... Okay?" tipid na tugon niya at tumango na ako.
"Dito na po tayo dadaan, Senyorita Mirabella," si Manong June sa akin.
.
Traditional ang pamilya nila Juan. They speak in old fashion way at times. Kaya madalas ay senyorita ang tawag nila sa akin. Pero kung kaming dalawa lang ay ang mga pangalan lang namin sa isa't-isa.
.
"O-Okay..."
.
I took a deep breath and slowly strode away from him. I stared back at the woman again and something is not right. Kakaiba ang pakiramdam at kinakabahan ako ngayon.
.
Sino kaya siya sa buhay ni Juan? Ngayon ko lang siya nakita. Is she the other woman? Is she Juan's secret one? Imposible naman! Wala naman akong kilalang babae na nagugustuhan ni Juan noon. Ngayon pa kaya? Oh my god, holy molly! Baka naka one night stand niya ang babaeng iyan at ngayon ay naghahabol na!
.
Dios Mio, Marimar! Napatakip bibig ako at napamura ang isip ko habang pinagmamasdan ang babae na nakatayo sa malayo.
.
.
C.M. LOUDEN/Vbomshell