Mirabella's POV . Snob . . Halata na galing siya sa shower at kalalabas lang din niya dahil sa basang buhok nito. Sa dibdib niya agad napako ang mga mata ko. Ang baliw mo talaga, Mirabella! Sigaw ng isip ko. Ang mga mata ko! Dios ko po. . Mabilis kong iniwas ang titig sa dibdib niya at tinitigan na siya sa mga mata. Gumapang na tuloy ang init ko sa mukha. . "Uh... Um. Mga papelis mo!" Sabay lahad ko nito sa kanya. . Kumunot agad ang noo niyang tinitigan ito. . "I've told Kimberly to drop it. Not you. She only drop it on the side of the main door. She knows what to do." . Parang sampal sa mukha ang sinabi niya nang marinig ko ito. Nag-praktis na ako kanina sa sasabihin ko, kaso naging blanko ang utak ko ngayon at hindi na ako makapagsalita sa harap niya, at tanging kurap lang