Mirabella's POV . Visit . . Panay ang titig ko kay Nemo rito sa gilid ng kwarto. I have decided not to take him with me at work. Mas mabuti na dito na lang siya sa kwarto ko. Tutal maliwanag naman dito ngayon. Nakabukas ang malaking bintana at pumapasok ang liwanag ng araw. Pinag-iisipan ko pa kung gagamitin ko ba ang aquarium na bigay ni Travis sa akin na tinago ko. . "You're going to be late, hija," si Mama sa likod ko. . Napalingon na ako sa kanya. Nilapag niya ang mga damit na nilinis kagabi at pati na rin ang pagkain na ginawa niya. . "Salamat, Ma." Kinuha ko na ang sling ba at ang pack lunch na gawa niya. "Ayaw mo ba talagang kumain?" "Hindi na, Ma. Late na rin ako sa trabaho. Doon na ako kakain," ngiti ko at humalik na ako sa kanya. . I arrived without Travis around.