Chapter 27

3030 Words
[FRANCELI] Titig na titig sa'kin si Luthan at parang alam ko na ang gusto niyang ipahiwatig. Kaya naman, bigla akong namula at naging awkward sa kanya. "Sino naman ang gusto mong maging kasintahan pag maging tao ka na?" tanong ko na sa kanya kasi ayoko namang maging assuming, mahirap na. Nag-iwas na ako ng tingin kasi bigla akong nahiya sa mga titig niya. "Hindi pa ba halata kung sino?" tanong niya na lalong nagpa-awkward sa'kin. "Tatanungin ba kita kung obvious? Siyempre wala akong idea! Aba, malay ko ba kung marami ka pa lang crush? Pero Luthan ha, kapag sinabi mong si Luna ang gusto mong maging girlfriend, aba, magbalot-balot ka na dahil hindi ko gusto ang babaeng yun at ang pagkalulong non sa kape!" Natawa si Luthan sa pinagsasabi ko. Ako naman, bigla akong nainis sa naisip ko. Nainis ako bigla sa idea na baka nga si Luna ang gusto niyang maging girlfriend kung sakali mang maging tao na siya. At kaya niya siguro gustong magkatuluyan sina Kuya at Ate Ella ay para mag-break na sina Luna at Kuya. Kahit imagination ko lang yun, nakakainis pa rin talaga. "Hindi si Luna," seryosong sagot ni Luthan sa'kin at medyo na-curious ako dun. "Ayoko na lang sabihin sa 'yo kasi magagalit ka." Nagtaas naman ako ng kilay. "Bakit naman ako magagalit? Sino ba yan? Ako ba yan?" prangkang tanong ko na. At ewan ko ba, kinakabahan ako sa posible niyang isagot. Franceli, anong gagawin mo 'pag sabihin ni Star Boy na ikaw nga ang gusto niyang maging jowa? Napailing ako bigla dahil naprapraning na ako. Lately talaga ginugulo na ng mga weird thoughts tungkol kay Luthan ang isip ko. "Talaga, hindi ka magagalit?" masayang tanong niya. "Franceli, paano kung sabihin kong ikaw ang gusto kong maging kasintahan? " Naloko na. Sabi ko na eh. Dahil sa sinabi niya, bumilis bigla ang kabog ng dibdib ko. And for some unknown reason, parang aatakehin na naman ako ng syndrome ko kuno. "Wag kang magagalit ha?" nag-aalalang tanong niya nang makita niya ang gulat kong expression. "Hindi ko naman hinihiling na mangyari yun. Wag kang mag-alala. Alam kong mahal mo si Reuben at siya ang nararapat sa 'yo. Kaya sana 'wag kang mailang sa sinabi ko. Para sa'kin masaya lang kasing isipin ang bagay na yun..." Namumula na si Luthan na nakangiti sa'kin at ginawa ko talaga ang lahat makapagsalita lang ako nang maayos ngayon sa sinabi niya. Hindi kasi pwedeng ipagwalang-bahala ko 'yung sinabi niya, hindi pwedeng magkailangan pa kami ngayong may hinahabol na kaming deadline! Huminga muna ako nang malalim. Tapos nginitian ko siya. "Luthan, makinig ka sa sasabihin ko ha?" Tumango naman si Luthan na parang kinabahan. "First of all, salamat. Salamat kasi nakaka-flatter na gusto mo akong maging girlfriend kung maging tao ka na. Salamat, kasi it means a lot, na malaman kong may nilalang na ang tingin sa'kin ay isang ideal girlfriend. Ang awkward nga lang, kasi magkasama tayo sa iisang bahay at nagpapanggap pa tayong mag-boyfriend. Pero salamat talaga, kasi kahit hindi ko alam kung bakit mo nasabi yun, alam kong sincere ka dun." "Sinabi ko yun dahil yun ang gusto ko," sagot niyang parang nahihiya. "Masaya kasing isipin yun. Na magiging tayo. Parang ang lungkot lang kasi na kung sakaling maging tao na ako, aalis na ako sa bahay mo at hindi na tayo magkakasama. Masyado na akong nasanay na kasama ka, Franceli, at ayoko sanang magbago yun." Tumango ako sa sinabi niya. Pakshet, bakit ako kinilig dun sa sinabi niya? What's happening to me? Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinilig at nahiya sa kanya, at kinakabahan ako. Parang nawalan din ako nang sasabihin sa kanya. Ang gulo na ng nararamdaman ko, peste. "Pero 'wag mong alalahanin 'yung sinabi ko ha?" dugtong niya pa. "Pangarap ko lang naman yun. Hindi yun importante sa misyon natin. Saka magiging kayo na ni Reuben kaya imposible talagang mangyari yun. Isa pa, hindi nga ako sigurado kung magiging tao ako eh. Kumbaga, wishful thinking ko lang yun. Kaya okay lang talaga sa'kin kung hindi yun mangyari. Kasi imposible naman talaga." Tumawa pa siya sa sinabi niya at nakitawa na rin lang ako. Nakaramdam ako ng konting disappointment, pero hindi ko na lang yun pinansin. "Wow ha. At saan mo naman nakuha 'yang 'wishful thinking' mo na yan? Pero ganito, Luthan. Sikapin nating makuha 'yung liwanag mula kay Ate Ella at sa iba pa. Ayoko talagang maglaho ka at mauwi lang sa wala lahat nang ginagawa natin. Kasingtimbang na ng kagustuhan kong mapasakamay si Reuben ang kagustuhan kong maging tao ka na talaga... Naniniwala ka ba sa'kin? Hindi rin ako magiging masaya kung mawawala ka..." Tumango siya. "Salamat, Franceli." "Kaya gamitin natin 'yung natitirang 29 days mo nang mabuti. Bukas, kakausapin ko talaga si Kuya nang bongga." "Salamat, Franceli," sagot niya naman. "Hindi mo alam kung gaano mo ako napapasaya sa mga sinabi mo." Bigla niyang hinawakan ang kamay ko nang mahigpit at naloka na naman ako dun. "Luthan, basta 'wag tayong magkailangan ha? Ayokong mailang sa 'yo. At lalo namang ayokong mailang ka sa akin. Dapat partners tayo kasi kailangan natin ang isa't-isa para matupad natin ang mga gusto natin." "Tama ka. Dapat ang pangongolekta ng liwanag ang pagtuonan natin ng pansin. Ikaw, para mahalin ka na ni Reuben. At ako naman, para tuluyan ng maging tao." Nginitian ko na lang din siya. At least nagkasundo na kaming huwag magkailangan. Kasi mas lalo lamang kaming mahihirapan kapag hindi namin sineryoso ang pangongolekta ng liwanag. Nauna na akong tumayo para magsimulang ligpitin itong pinagkainan namin kasi nailang na naman ako kay Luthan. Naiinis nga ako eh. Ako itong nagsabing walang ilangan pero yun naman ang nangyayari sa'kin ngayon. Siyempre, hindi ko naman agad makakalimutan ang sinabi niya, na pangarap niya akong maging girlfriend. Iniisip ko na lang, baka nasanay lang talaga siya na ako ang palagi niyang kasama kaya ganun siya. Pero panigurado, kapag maging tao na siya, marami na siyang makikilalang ibang tao at mawawala na rin iyang nararamdaman niya 'kuno' sa'kin. Gusto niyang tumulong magligpit kaso hindi ako pumayag. Kahit eto man lang kasi, maitulong ko sa kanya. Nakakaawa na rin kasi si Luthan. Pero hinintay niya akong matapos maglinis saka sumabay siya sa'kin pag-akyat sa kwarto. Pinagmamasdan niya ako at naiilang na ako. Nang papasok na ako sa kwarto ko, hinawakan na naman niya ako sa kamay ko na ikinagulat ko. Dati, ginagawa niya naman iyon pero hindi ko yun alintana. Pero ngayon... Mukhang hindi talaga ako masasanay rito. "Good night Franceli, sweet dreams. Please dream of me tonight," sabi niya. "Good night din," sagot ko. "Talagang hindi ka na tumigil sa pagsasabi niyang Please dream of me tonight." Nagtaka siya. "Ayaw mo na bang sabihin ko yun? Gusto ko sanang sasabihin ko pa rin yun sa 'yo, tutal 29 days na lang naman." "Eh di wow," sagot kong kunwari hindi affected pero ang totoo ay naiinis na ako sa sarili ko dahil ayokong magtuloy-tuloy itong nararamdaman ko. Hindi ako manhid o tanga para hindi ma-recognize itong nangyayari sa akin, at natatakot ako sa posibleng kinalabasan nito. [LUTHAN] Maaga akong nagising kinabukasan at naghanda ako ng makakain namin ni Franceli. Hindi umuwi kagabi si Kuya Ferdie at nag-alala naman ako sa kanya bigla. Baka kasi kung anong ginawa sa kanya ni Luna eh. "Good morning, Luthan," narinig kong sabi ni Kuya Ferdie sa likod ko. Napatalon pa ako sa gulat nang magsalita siya. Paglingon ko sa kanya, naupo na siya sa upuan at nagtimpla siya ng kape. "Magandang umaga din sa 'yo, Kuya," bati ko. "Kina Luna ka po ba natulog?" Tumango siya. "Wag mo na lang sanang sabihin kay Frans ang tungkol doon, Luthan. Sabihin mo na lang na umuwi ako dito kagabi. Ayokong magalit pa siya lalo." Tumango ako. "Naiintindihan ko po. Pero nag-aalala lang si Franceli sa inyo. Alam niyo naman po yun." "Alam ko. Ang totoo nahihiya ako sa kanya. Dahil nalaman niya pa 'yung mga gulong napasok ko. Ayoko na sana kasing malaman niya pa ang tungkol doon." Tinitigan ko si Kuya Ferdie. Halatang balisa din siya dahil sa nangyari kahapon. "Bakit po ba ayaw niyong makahati sa responsibilidad sa bata si Ate Ella? Hindi naman po yata tama na ilayo niyo ang anak niyo sa ina niya." Tinitigan ulit ako ni Kuya Ferdie at kinabahan ako dahil baka magalit siya sa sinabi ko. "Yun kasi ang gusto ni Luna," matipid na sagot niya. "Ha?" "Si Luna kasi, 'di ba napansin ninyong hindi siya nagalit sa'kin nang malaman niyang may nabuntis ako?" Tumango naman ako. "Nagkaroon kasi kami ng kasunduan. Hindi niya raw ako hihiwalayan kahit pa may nabuntis akong iba basta pumayag ako sa gusto niya." "At ano naman po 'yung gusto niya?" "Wag daw akong pumayag na maging katuwang ko si Ella sa pagtaguyod sa bata. Kunin ko na lang daw sa kanya ang bata." Natigilan ako. Tama nga ako. Hinaharangan nga talaga kami ni Luna na makuha ang liwanag kay Ate Ella. Kung alam ko lang sana kung anong ginawa niya kay Kuya Ferdie, baka magawan ko pa yun ng paraan. Naghihinala na nga ako eh. Hindi kaya mahal naman talaga ni Kuya Ferdie si Maam Ella kaya kinailangan pa talagang may gawin si Luna sa kanya huwag lang silang magkatuluyan? Kasi kung wala namang pag-asang magkagustuhan 'yung dalawa, bakit pa humaharang si Luna at naging kasintahan pa siya ni Kuya Ferdie? Kaya nagtanong na ako. "Kuya, saan ba kayo nagkakilala ni Luna?" "Saan kami nagkakilala? Sa isang coffee shop sa Ortigas," sagot niyang biglang nangiti. Nakakapagduda na talaga. "Coffee shop? Yung maraming kape?" Natawa si Kuya Ferdie sa sinagot ko. "Oo. Actually, siya ang unang lumapit sa akin. Naki-share siya sa table ko at nagkakwentuhan kami." Tumango-tango ako. Sabi ko na eh. Sinasadya itong lahat ni Luna. Hindi na kami ulit nakapagkwentuhan pa ni Kuya Ferdie dahil bumaba na si Franceli na nakasimangot. Sumalo siya sa'min sa hapag-kainan at agad ko siyang pinagtimpla ng Milo niya. "Ako na, Luthan!" parang nahihiyang protesta niya pero naipagtimpla ko na siya. "Ang cute niyong dalawang tingnan. Parang nagliliwagawan pa lang kayo." Nakangiti sa'min si Kuya Ferdie pero agad siyang binara ni Franceli. "Tumigil ka nga Kuya, alam kong hindi ka umuwi dito kagabi. At dahil dun lalo akong binabagabag sa mga nangyayari sayo. Ano ba talaga ang gusto mong mangyari sa buhay mo?" Tahimik na lang akong nakikinig sa tabi ni Franceli. Alam kong maraming gustong sabihin si Franceli sa Kuya niya at dapat suportahan ko na lang siya. Kaso duda akong pakikinggan siya ng Kuya niya kung may kinalaman nga rito si Luna. "Anong ibig sabihin mo Frans? Galit ka pa rin ba? Pwedeng hayaan mong ako ang magdesisyon para sa sarili ko?" "Ikaw bahala. Pero may itatanong lang ako sa 'yo," sabi pa ni Franceli. "Ano yun?" "Kung halimbawa, naghiwalay kami nitong si Luthan. Tapos umalis siya at nagpakalayo-layo na. Hindi na babalik. Tapos malalaman mo nabuntis niya pala ako. Hahabulin mo ba si Luthan?" Kumunot ang noo ni Kuya Ferdie. "Ha? Siyempre naman! Hindi pwedeng hindi niya panagutan ang nangyari sa 'yo!" "Exactly!" matagumpay na tugon ni Franceli. "Pero what if, hindi siya pumayag na tumayong ama ng bata. Tapos nagpakasal siya sa iba. Tapos after how many years, bigla siyang magpapakita sa'kin at gusto niyang kunin 'yung bata kasi mayaman siya at mas may kakayahan daw siyang itaguyod ang bata. Ano ang tingin mo nun kay Luthan?" "Eh gago pala siya eh!" turo sa'kin ni Kuya Ferdie na nadala na yata sa halimbawa ni Franceli. Kinabahan tuloy ako. "Bakit mo ba tinatanong---?" Biglang natigilan si Kuya Ferdie dahil naintindihan na niya yata kung bakit yun tinanong ni Franceli. "Kuya, please naman mag-isip ka muna nang maayos. Anak mo yun eh. Hindi lang naman yun kung ano lang na pwede niyong pag-agawan. Ang anak, kahit hiwalay ang mga magulang, hindi dapat pinag-aagawan. Dapat pinagtutulungang buhayin. Ayokong dumating ka sa point na magsisi ka at yun na lang ang kaya mong gawin kasi hindi ka na makapasok sa buhay ng anak mo. Kaya sana makipag-cooperate ka na kay Ate Ella." Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Kuya Ferdie sa mga sinabi ni Franceli pero sana kahit papano ay nakinig siya. Napahilamos sa mukha niya si Kuya Ferdie. "Mahirap kasi ang gusto mong mangyari, Frans," mahinang sagot ni Kuya. "Kailan ba naging madali ang pagiging magulang? At saka kakayanin mo bang kamuhian ka ng anak mo? Na lumaki yun na hindi ka kilala at ang tanging alam niya lang tungkol sa 'yo ay isa kang walang kwentang ama?" "Franceli---" "Kuya, please. Kung wala ka pang gagawin, magsasabi na ako kina Mommy ng mga nangyayari. Panigurado uuwi pa sila rito kapag malaman nilang magkakaanak ka na." "Frans naman," pakiusap ni Kuya Ferdie pero tumayo na si Franceli at nagtungo nang banyo para maligo. Mukhang talo si Kuya Ferdie sa naganap na diskusyon nila, kaya mas lalo akong namangha kay Franceli. [FRANCELI] Naiyak ako pagkalabas ko ng bahay kasi feeling ko hindi ko pa rin nakumbinsi si Kuya sa mga pinagsasabi ko. Mukhang may kung anong pumipigil sa kanya na panagutan 'yung bata at nalulungkot ako para sa kanya. Hindi lang naman dahil kay Luthan kaya ko siya nasabihan ng ganun. Dahil concerned din talaga ako sa kanya. Yes, tanga ako pagdating kay Reuben pero may alam naman ako tungkol sa mga ganyang eksena. Ilang pelikula na ba na ganun 'yung kwento ang napanood ko? Ilang teledrama na ba 'yung ganyan ang simula ng kwento? Sa sobrang dami nga, nakakainis na lang manood ng tv. Tapos makikiuso pa si Kuya? "Tahan na, Franceli. Baka pumangit ka," pag-alo ni Luthan sa'kin. Naglalakad na kami papuntang school. "Grabe naman kasi," reklamo ko sa kanya. "Bakit naman kasi nangyayari ito sa pamilya ko? Pwedeng sa iba na lang? Kasi ang hirap 'pag pamilya mo 'yung involved, 'di ko alam kung tama pa ba 'yung ginagawa ko." "Makukuha din natin ang liwanag ni Ate Ella. Kung hindi man ang Kuya mo ang susi para makuha natin yun, baka may iba pa namang taong pwedeng magmahal sa kanya." "Ngek. Mabuti sana kung hindi tayo naghahabol eh. Kapag shinip pa natin si Ate Ella sa iba mas matatagalan tayo. Parang ayoko na tuloy kay Reuben mylabs. Ang mahal ng presyo niya ah. Kapag ito talaga humantong sa away namin ni Kuya at ng parents ko---" Napatigil ako sa pagsasalita dahil tumigil naman sa paglalakad si Luthan. Parang nataranta siya bigla. "Franceli, gusto mo na bang ihinto itong ginagawa natin?" seryoso niyang tanong. Kinabahan naman ako. "Ah, hindi! Joke lang yun! Sorry, Luthan! Natakot ba kita? Nag-alala ka ba? Sorry, hindi ako nag-iisip!" Napangiti naman siya agad. "Ayos lang. Hindi rin naman ako magrereklamo kahit gusto mong itigil na ito." "Ano ka ba, ayan ka na naman," sagot ko at hinila ko na siya para bumilis kami. "Wag nga tayong magdrama dahil ang aga-aga pa!" *** Pagdating namin sa school agad ding umuwi si Luthan. Ang sabi niya, may importante pa raw siyang gagawin. Nang tinanong ko naman siya ay hindi na siya sumagot. Ang nakakaloka, bigla niya akong sinabihan na bantayan ko raw ang mga kilos ni Luna, yes, oo, ang mga kilos daw ni Luna Anaesthesia! Nawindang ako dun dahil bakit ko naman daw gagawin yun? Ano ba talaga ang meron sa babaeng yun bukod sa ganda niyang nakailang boundary na? Yun pa rin ang iniisip ko nang makita ko naman siya na may kausap na babae. Nasa kiosk sila at nakatambay. Nagulat pa nga ako dahil kilala ko 'yung babaeng kasama niya, si Lacie iyon, ang reigning beauty queen dito sa school. At ako naman itong na-curious, lumapit ako nang kaunti sa kanila para mag-imbestiga. Pasimple akong naupo sa isang bench malapit sa kiosk nila at nakinig sa usapan nila. Wala namang kakaiba sa pinag-uusapan nila, tungkol lang sa mga Kpop at kung ano-anong kakikayan. Peste talaga itong si Star Boy, ito ba 'yung gusto niyang manmanan ko? Yung mga crush na Koreano ng mga lokaret na ito? Pero naagaw ang atensyon ko ng lalaking nasa kabilang bench. Siya kasi 'yung dating bulalakaw, si Nerdy Guy! Ang napansin ko, kunwari nagbabasa siya ng libro pero panay naman ang sulyap niya kina Luna at Lacie. Tapos bigla siyang magbubuntong-hininga. At ewan ko ba, may topak na yata talaga ako, pero bigla akong nainis sa lalaki. Agad akong tumayo at sinugod ko siya. Nagulat pa siya nang lumapit ako at magsisigaw sa kanya. "Hoy, ikaw! Bakit ang torpe mo? Kung may gusto ka kay Luna, lapitan mo na! Wala nang hiya-hiya! Parang lalapit lang, mahirap ba yun? Wala akong paki kung shy type ka, o nerd ka basta push lang nang push! Go lang nang go! Try and try until you die! Malay mo naman may mangyari! At 'wag mong sabihing mahirap gawin 'yung sinasabi ko kasi 'yung iba nga diyan may 29 days na lang para mabuhay pero positive thinking pa rin sila! Kaya ikaw, kung ano man 'yang problema mo, keep moving forward!" Habang nagsasalita ako, nakatulala lang siya sa'kin na nakanganga marahil dahil sa gulat. Iniisip siguro niya na nababaliw na ako pero hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko. Nakaka-stress kasing ang liit lang ng problema niya, 'yung katorpehan lang niya! "Miss, excuse me pero okay ka lang ba?" tanong niya sa'kin nang makabawin na siya mula sa gulat, na lalo kong ikinainis. "Sa tingin mo okay lang ako? Okay ba ako? Eh ikaw, okay ka lang ba?" Bakit ba kasi may mga torpe sa mundo? Ano ba ang gusto nilang protektahan sa mga sarili nila at takot na takot silang gumawa ng first move? Tumayo na siya para umalis na umiiling sa'kin pero hinawakan ko siya sa kamay. "Hoy, saan ka pupunta? Hindi pa kita tapos kausapin!" Sumisigaw na ako pero wala na akong nagawa. Umalis na siya na parang nagmamadali. Napansin ko namang pinagtitinginan na pala ako ng mga tao at kasama na doon sina Luna at Lacie. Nahiya naman ako bigla sa ginawa ko kaya tatakbo na sana ako palayo kaso may humigit sa kamay ko kaya napatigil ako. "Franceli, anong nangyari? Anong ginawa sa 'yo ni Xander?" tanong ni Reuben at lumuwa ang mga mata ko sa gulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD