Chapter 32

3500 Words
[FRANCELI] Maganda ang mood ko kinabukasan dahil sa pagtawag sa'kin ni Luthan. Kahit pa nag-aalala pa rin ako dahil palapit na nang palapit ang full moon ay masaya pa rin ako dahil hindi naman pala ako nakalimutan ni Star Boy. At bukod pa sa pagtawag ni Luthan, masaya rin ako sa naging 'exciting' development kay Kuya. Masaya ako kasi kahit ginagayuma siya ni Luna ay pinakinggan niya pa rin iyong payo ko. Naiisip ko nga, may feelings kaya ang kuya ko kay Ate Ella at kahit gayuma powers ni Luna ay kaya niyang talunin? Kaya bang kabugin ng true love ang powers ng gayuma ni Luna? Kasi kung effective at infallible 'yung gayuma ni Luna, bakit ako pinakinggan ni Kuya at lumayo pa siya rito? Sana lang talaga ay makalayo na nang tuluyan si Kuya kay Luna para makagawa na kami ng paraan ni Luthan upang mapalapit ulit siya kay Maam Ella. At kapag mangyari yun, isang malaking tinik ang maaalis sa'min ni Luthan at magagawa ko namang pagtuunan ng pansin sina Xander at Lacie. Kaya maaga akong nag-ayos para pumasok sa school. Siyempre malungkot pa rin na mag-isa na lang ako sa bahay at wala nang naghahanda ng almusal ko pero pinilit kong ngumiti at maging positive. Naisip ko kasing wala namang maitutulong ang pagiging masyadong emotional sa sitwasyon namin ni Luthan ngayon. Kaya itong natitirang 20 days, susulitin ko na talaga ang mga ito. Gagamitin ko na nang mabuti. At sisimulan ko yun sa pagplaplano. *** Pagpasok ko sa school agad akong nilapitan nina Steph at Reuben. Since wala kaming first period, nagkwentuhan na lang kami tungkol sa pwedeng gawin ni Xander upang mapansin na siya ni Lacie. May sina-suggest si Reuben at pinakinggan namin siya. "Sa Sabado ay magpupunta kaming dalawa ni Xander sa Rizal upang mag-hiking. Sinabi ko kay Xander, yayain niya si Lacie," balita sa'min ni Reuben. "Okay yan," pagsang-ayon naman ni Steph na parang kinikilig. "Pwede silang mag-share ng tent tapos malay natin, maging close sila. At least may mangyayaring ganun." Kahit gusto kong tumutol at mag-isip ng ibang pwedeng gawin kasi parang wala namang kasiguraduhan itong naisip ni Reuben, hindi na rin ako nagprotesta kasi wala rin naman akong naisip na mas magandang gawin. Ang importante, may magawa kami kahit ngayong weekend lang. Para hindi naman sayang 'yung araw. "Gagawin kong free ang expenses para sumama si Lacie at kung gusto niyang magsama ng kaibigan, okay lang basta sumama siya." "Naku, hindi pwedeng sumama si Luna!" sabi ko agad dahil alam kong delubyo lang ang dala ng impaktang yun. Si Luna lang kasi ang alam kong kaibigan ni Lacie. Tiningnan ako ng dalawa na nagtataka kaya agad akong nagpalusot. Hindi kasi nila alam na si Luna ang Tagahatol. "Eh kasi naiinis ako sa kanya. Nag-away kasi sila ni Kuya." "Kung sabagay... Pero kapag hindi sumama si Luna baka magdalawang-isip si Lacie..." May punto si Steph. "Pero teka muna Reuben, paano naman mapapapayag ni Xander si Lacie? Mahilig ba yun sa mountain hiking?" "Hindi. Pero ayon kay Xander, mahilig daw magtravel si Lacie. Lalo na kapag sa nature. May blog daw kasi ito na nagfi-feature ng mga travels niya. Kaya umaasa kami ni Xander na kakagatin ni Lacie ang invitation namin. Tutal marami naman tayong pupunta. Kayong dalawa. Tapos sina Glen, Mikka, Leila at Paco iimbitahan ko rin para lang magmukhang isang grupo tayong mamumundok." "Hindi naman halatang stalker ni Lacie 'yang stepbrother mo," komento ni Steph at natawa kaming tatlo. "Maganda ang naisip niyo, Reuben. Ang problema, maliit ang chance na sumama si Lacie kasi hindi naman tayo close sa kanya. Lalo naman si Xander. Kelangan may kakilala siya na sasama sa'tin para maging kampante siya sa atin." Tumango si Reuben na parang may nakahanda na siyang sagot. "Si Leila. Nasa iisang club sina Leila at Lacie. Yung Photography Club. At medyo close naman sila. Pwede nating pakiusapan si Leila na tulungan tayo." "Sige," sagot ko. "Ikaw na ang bahala kay Leila, Reuben. Alam mo namang may history kami ni Steph diyan sa kaibigan mong yan. Kami na lang ni Steph ang bahala sa pwedeng gawin ni Xander habang nasa hiking tayo." May naiisip na kasi akong pwedeng gawin at tiyak kong gagana ang plano ko. "Okay. Papupuntahin ko dito mamaya lahat nang sasama para ma-orient sila sa plano natin. Mas maganda kasi kung lahat nang sasama ay alam na may agenda tayo para matulungan din nila tayo kung sakali." "Ay, bet ko yan," sabi ni Steph na umapir sa'kin. "Sige, ikasa na natin ang 'Oplan Pag-ibig!' I-push natin ang love team ng dalawa!" At nung hapon nga pagkatapos ng aming mga klase, nagtipon-tipon kami sa isa sa mga bakanteng kiosk upang mapag-usapan ang lakad namin. Dumalo sina Glen, Mikka, Paco at Leila na barkada ni Reuben at siyempre si Xander na tila nahihiya sa ginagawa namin para sa kanya. Si Reuben na ang nagpaliwanag sa lahat sa plano naming paglapitin sina Xander at Lacie. Okay naman ang lahat kaya ako naman ang nagpaliwanag sa plano ko at mukhang game na game din sila sa gagawin namin. Tapos pinakiusapan na ni Reuben si Leila na siya ang mag-invite kay Lacie. Pumayag naman si Leila dahil hindi niya naman yata kayang tanggihan ang request ng pinakamamahal niyang si Reuben. Nang matapos na ang 'meeting' namin ay nagsiuwian na ang iba. Nagpaiwan si Xander para personal akong pasalamatan. "Franceli, thank you pala ha, sa pagtulong niyo sa'kin." Nginitian ko siya. "No problem. Friends na rin naman tayo." "Talaga bang ginagawa mo ito para sa isang study?" nagtatakang tanong niya. Malamang ay hindi naniniwala si Xander sa ginawa kong dahilan kung bakit ko siya tinutulungan. May pagka-genius kasi itong si Xander kaya baka nahulaan na niyang wala naman talaga kaming subject sa school na nagre-require ng ganitong study. "Ha? Ah eh... ganun na nga. Pero alam mo, tinutulungan din kita kasi relate na relate nga ako sa 'yo dati. Sinabi ko na sa 'yo 'di ba?" "Pero wala ka namang makukuha sa pagtulong mo sa 'kin. Kung wala ka lang boyfriend, iisipin ko pa na ginagawa mo ito para mapalapit kay Reuben. Kaso 'di ba boyfriend mo 'yung model na laging naghahatid sa 'yo rito dati? Kaya hindi ko talaga alam kung bakit mo ginagawa ito." "Alam mo ikaw, ang dami mong tanong," singhal ko sa kanya. "Sige, aaminin na ako sa 'yo. May makukuha ako kapag maging kayo ni Lacie. Pero hindi ko sa 'yo pwedeng sabihin. Besides, hindi ka rin naman maniniwala kapag sinabi ko sa 'yo." Kumunot ang noo niya doon. "Ano naman yun?" "Wag mo nang tanungin," sabi ko na lang. "Promise, hindi ka naman mapapahamak. Ang isipin mo na lang ay kung pano mo aayusin ang sarili mo para magustuhan ka ni Lacie." "Ha? W-What do you mean?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano ka ba? Siyempre kailangan mong magmukhang matino at pogi sa harap niya!" Pinatutsadahan ko siya ng tingin sa itsura niya. May itsura naman si Xander. Ang kaso, laging magulo ang buhok niya at naka-glasses pa nang napakakapal. Kaya lalo siyang nagmumukhang nerdy. "May mali ba sa itsura ko?" Nahihiyang tanong niya. "Wala naman, Xander. Alam ko namang sa get up mo na yan ka komportable. At wala namang problema dun. Kaso, gusto mong ma-impress si Lacie sa 'yo 'di ba? Siyempre dapat magpapogi ka. Parang pagtitinda lang yan ng produkto eh. Dapat presentable 'yung nagtitinda. Yung appealing kumbaga." Tumango si Xander. "Alam ko naman yun. Kaso hindi ba parang binago ko na rin nun kung sino ako?" "Ano ka ba. Hindi naman porke't mag-aayos ka ay magbabago ka na. Yes, brainy ka at naiintindihan ko kung bakit nag-aalangan kang magbago ng look. Sinabi na rin sa'kin ni Reuben ang tungkol diyan sa problema mo. At totoo namang mas importanteng may laman ang utak mo kesa sa itsura. Pero Xander, maganda rin naman kung presentable kang tingnan." Lalo lang kumunot ang noo ni Xander. "Bakit Franceli, hindi ba ako presentableng tingnan ngayon?" "Okay naman ang itsura mo eh. Pero aminin mong mahihirapan kang magka-love life kung hindi ka mag-aayos ng sarili mo. Iyon bang 'better version' mo kumbaga. Siyempre, special na tao sa 'yo si Lacie 'di ba? Hindi ba tama lang na para sa kanya, you will look your best? At saka ayaw mo nun, matalino ka na, pogi ka pa?" Napangiti si Xander sa sinabi ko. "Tama ka. Sabi rin ni Reuben, kailangan ko lang daw ng confidence." "Oo. At makukuha mo 'yung confidence na yun kapag nagdesisyon kang maging better version mo." "Sige. Susubukan kong baguhin ang itsura ko." "Tutulungan ka naming tatlo," sabi ko pa at sumama ako sa bahay nina Xander kasama si Steph upang tulungan si Xander sa kanyang makeover. [LUTHAN] Agad akong sumalampak sa kama ko pagkarating ko sa unit ko. Pagod na pagod ako. Paano ba naman, mahigit isang linggo kaming nagpunta sa iba't-ibang lugar upang magtrabaho. Kasabay ko si Maam Ella na umuwi dito na nasa kabilang unit lang. Halos nakaidlip na ako nang mag-ring ang telepono ko. Akala ko nga si Franceli 'yung tumatawag pero si Kuya Ferdie iyon. "Hello? Luthan?" "Kuya Ferdie. Napatawag po kayo?" sagot ko. "Nasa biyahe ako. Papunta sana ako diyan sa condo mo. Ayos lang ba?" Halatang may inaalala si Kuya Ferdie sa boses niya. "Okay lang po. Teka Kuya, totoo po ba 'yung binalita sa'kin ni Franceli? Nag-away daw po ba kayo ni Luna?" "Oo eh. Kaya nga diyan muna sana ako sa 'yo uuwi. Ayokong umuwi dun sa bahay at baka puntahan niya ako." Lihim akong napangiti. "Bakit po? Ayaw niyo na po ba siyang balikan?" "Ayoko na, Luthan," sagot ni Kuya Ferdie. "Tama na 'yung ilang linggong kinokontrol niya ako." "Mabuti naman po kung ganun, Kuya," natutuwang sabi ko at natawa si Kuya Ferdie. Mabuti na lang talaga at nakalaya na si Kuya Ferdie sa gayuma ni Luna. Siguro may ginawa si Franceli at napigilan niya ang pag-inom ng kape ni Kuya Ferdie. Ang galing talaga niya. "Pati ba naman ikaw eh masaya ring iniwan ko na si Luna?" biro niya. "Nga pala Luthan, ano ang number ng unit mo?" Napaisip ako. 1016 ang numero ng unit ko pero iba ang sinabi ko. May naisip kasi akong plano. "1017 po Kuya. Tatawagan ko po 'yung receptionist para maabisuhan silang may bisita ako at nang paakyatin ka na nila agad." "Sige. Salamat Luthan." Pero gabi na nang mag-text sa'kin si Kuya Ferdie na nasa palapag na siya ng unit ko. Nag-abang ako sa may pinto ko upang pakinggan ang mangyayari sa labas. Dahil mali ang binigay kong unit number, sa katabing unit kakatok si Kuya Ferdie. Sa unit ni Maam Ella. Narinig ko na ngang kumatok si Kuya Ferdie sa pinto sa kabilang unit at narinig ko ring may bumukas na pinto. Tapos may parang napasinghap sa gulat. "Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" dinig kong halos sigaw na ni Maam Ella. Halatang gulat din si Kuya Ferdie at 'di ko maiwasang makonsensya sa ginawa ko. Pero kailangan na kasi nilang magkausap. "Ella? Bakit ka nandito sa condo ni Luthan?" "ANONG CONDO NI LUTHAN? UNIT KO ITO!" sigaw ni Maam Ella. Narinig kong sumara ulit ang pinto ng unit niya. Akala ko nga pinagsarhan na niya si Kuya Ferdie. Pero yun pala, tuluyan nang lumabas si Maam Ella para harapin si Kuya Ferdie. Malakas na kasi ang mga boses nila. "You mean, hindi yan ang unit ni Luthan?" "Hindi nga! Ang kulit lang ha? Ayan ang unit niya o? Bakit 'di ka diyan kumatok?" Nagkaroon ng katahimikan. Malamang nagkakatitigan sila ngayon. "O bakit nakatayo ka lang diyan? Kumatok ka na! Si Luthan ang pinunta mo rito 'di ba?" Pero hindi yata gumalaw si Kuya Ferdie. Bagkus ay nagsalita ito ulit. "Kumusta ka na, Ella? Kumusta ang pagbubuntis mo? Regular ba ang check up mo? Do you take vitamins?" "Wow ha. Feeling close ka? O nagka-amnesia ka yata, Ferdie James Demonyo Solis," sarkastikong sagot ni Maam Ella. "I'm sorryElla, pero ngayong nandito na rin naman ako, can we talk about it?Mula nang natauhan ako mula kay Luna, I've been meaning to talk to you. To say sorry." "Weh?" "Oo nga." "Seryoso ka ba?" "Yes. I want to apologize to you. Alam ko namang nagkamali ako. Na mali 'yung ginawa ko. Pero aminado akong kahit alam kong mali 'yung ginawa ko ay pinagpatuloy ko pa rin---" "Kasi gago ka! Tarantado! Kampon ni Satanas!" sabat ni Maam Ella. "At bakit ganyan ka? Kung kailan konting push na lang at tuluyan na akong makakapag-move on, saka ka naman babalik para guluhin ulit ako? Nang-iinis ka na lang yata eh!" Tumahimik na naman sila saglit at hindi ko na alam kung anong nangyayari. Natukso nga akong silipin sila kaso baka makita nila ako at ayoko namang maudlot pa ang pag-uusap nila. Matagal naming hinintay ni Franceli ang pangyayaring ito. Gusto ko nga sana ay nandito siya para makita niya mismo ang nangyayari. Tiyak kasi matutuwa siya. May narinig akong humikbi at napagtanto kong umiiyak si Maam Ella. "Umalis ka na nga, Ferdie. Umuwi ka na. 'Wag mo na akong paasahin pa. Ayoko na." "Sorry, Ella. For everything..." "Bakit, sa tingin mo ba maidadaan mo ang lahat sa sorry? Akala mo ba ganun lang kadali yun? Na pagkatapos mo akong paasahin at iwanan, babalik ka lang at magso-sorry ka lang, ay okay na?" "Hindi ko naman sinasabing patawarin mo na ako ngayon. In fact kahit hindi mo na ako patawarin, matatanggap ko yun. Kasi alam kong masyadong mabigat ang kasalanang ginawa ko sa 'yo. Pero magso-sorry pa rin ako. Paulit-ulit o araw-araw kung gusto mo. Mapatunayan ko lang sa 'yong nagsisi na ako sa ginawa ko. Gusto mo ba lumuhod ako sa harapan mo?" "Ano ba? Eh 'di lumuhod ka diyan! Sa tingin mo maaawa ako sa 'yo?" Batay sa boses ni Maam Ella ay malamang ay nakaluhod na nga si Kuya Ferdie sa harapan niya ngayon. "I'm really sorry, Ella. Sana maramdaman mo kung gaano ako ngayon nagsisisi. Kahit hindi mo ako patawarin, okay lang. Basta pumayag kang ayusin ko ang lahat. Let me make it up to you and to our baby." "Grabe ha. Kung maka-our baby ka parang hindi mo ako iniwan sa ere at pinagpalit sa babaeng parang kinilaw sa suka! Ano nga pala ang nangyari at nag-iba ang ihip ng hangin?" Natawa ako sa tinuran ni Ma'am Ella. Parehas kasi sila ni Franceli. Nagagawa pa rin nilang makapagbiro kahit seryoso na 'yung sitwasyon. Siguro kaya agad kong nakapalagayan ng loob si Ma'am Ella kasi pareho sila ng ugali ni Franceli. "Ella naman, hindi ba pwedeng magkaroon ako ng change of heart? Hindi ba pwedeng mapag-isip-isip ko ang mga bagay-bagay?" "Ewan ko sa 'yo!" singhal ni Ma'am Ella sa kanya. "Hindi mo ako masisisi kung hindi na kita kayang paniwalaan, Ferdie. Nang iniwan mo ako, dun ko na-realise na wala akong ibang dapat pagkatiwalaan. Sarili ko lang. At salamat dahil kung hindi mo ako iniwan, hindi ako magiging mas matatag na tao ngayon. Ferdie, now I am stronger. Now it's nothing but my way. Loneliness ain't killing me no more. I am stronger!" Tumawa si Kuya Ferdie. "Kanta yun 'di ba?" "Eh ano ngayon kung kanta yun? At natawa ka talaga ha? Bakit, feeling mo okay na tayo?" "Natawa lang ako kasi ayan ka na naman. Yung napapatawa mo ako ng wala sa oras. Yan 'yung nagustuhan ko sa 'yo," paliwanag ni Kuya Ferdie. "Ella, ayaw mo bang balikan 'yung nakaraan natin?" "Past is past, Ferdie." "Ella, you shouldn't say past is past. Especially when flashbacks exists." Natahimik na naman ang dalawa habang ako ay patuloy na nakikinig sa kanila. Alam kong mukha na akong tsismoso pero ayokong mapalampas itong pag-uusap nila. Sana nga ay nandito si Franceli at kasama kong nakikinig. Tiyak kung nandito siya at kasama kong nakikinig, malamang nagpipigil na yun ng tili. Narinig kong humikbi si Ma'am Ella. "Bitawan mo nga ako. Tama na! Ayoko nang umasa! Bakit ako ang sinusuyo mo? Bakit hindi 'yung girlfriend mo 'yung suyuin mo?" "Nakipaghiwalay na ako sa kanya. Hindi na ako babalik kay Luna," mahinang sagot ni Kuya Ferdie. "Bakit? Kasi nakuha mo na rin ang gusto mo sa kanya?" "Kasi hindi ko pala siya mahal. Kung ano man 'yung meron kami, hindi pagmamahal yun. Kasi iba 'yung totoong pagmamahal. Naramdaman ko na 'yung ganun dati. Naramdaman ko na yun sa 'yo. Pero gago ako. Iniwan pa rin kita. Kung hindi pa ako pinayuhan nina Frans at Luthan, hindi pa yata ako magigising sa katotohanan. Na ikaw pala ang mahal ko." "Alam mo Ferdie, ang gulo mo. May topak ka na yata. Saka ayoko sa ganyan, 'yung walang sariling desisyon at nadadala lang sa mga sinasabi ng nasa paligid niya. Matanda ka na. You should man up you know." "Oo alam ko na ganun ako. Pero sina Luthan at Franceli, hindi naman nila ako pinilit na bumalik sa 'yo o kinonsensiya ako para lang magpunta sa 'yo rito. Siguro ginising lang nila ako mula sa kagaguhan ko. Pero iyong kagustuhan kong makausap ka at humingi ng tawad, sariling desisyon ko yun." "Good for you, kung ganun. Pero gago ka pa rin." "Listen to me, Ella," pakiusap ni Kuya Ferdie. "Itatama ko lahat ng nagawa kong pagkakamali sa 'yo at sa magiging anak natin. Kahit hindi mo na ako patawarin, basta hayaan mo lang ako sa tabi mo. Hayaan mo akong alalayan ka sa pagdadalang-tao mo. Para makabawi man lang ako." "Kung 'yung sustento 'yung inaalala mo, 'wag na lang Ferdie," naiiyak na sagot ni Ma'am Ella. "Kaya ko nang mag-isa." "Mahal kita, Ella. Yun ang dahilan kung bakit nasa harapan mo ako ngayon. Kaya gagawin ko ang lahat para sa 'yo at sa baby natin. Kahit ipagtabuyan mo pa ako." Malapad na ang ngiti ko. Kahit kasi hindi pa patawarin ni Ma'am Ella si Kuya Ferdie ngayon, naipakita na ni Kuya na mahal niya nga si Ma'am Ella. Dahil nagawa niyang labanan ang gayuma at 'yung epekto ng liwanag ni Ma'am Ella. Nagawang labanan ng pagmamahal niya ang liwanag sa katawan ni Ma'am Ella. Kaya hindi na ako nagtaka nang biglang nagliwanag nang napakatindi sa labas ng unit ko at binuksan ko na ang pinto at lumabas na ako upang kunin 'yung kumawalang liwanag mula kay Ma'am Ella. [FRANCELI] Gabi na. Naglalakad kami ni Reuben pauwi ng bahay. Inalok niya kasi akong ihatid pauwi. May pinuntahan pa kasi si Steph kaya hindi kami sabay umuwi ng babaeng yun. Gusto ko ngang tumanggi kaso mapilit si Reuben. Ako naman, hindi makapaniwalang heto ako ngayon, hinahatid ni Reuben pauwi ng bahay. Dati kasi, sa imagination ko lang ito nangyayari. Pero ngayon, eto na. Ang kaibahan nga lang ngayon, hindi na ako kinikilig sa nangyayari. Hay, Reuben. Kung sana ay mylabs pa rin kita eh 'di sana ang saya-saya ko ngayon. Habang naglalakad, nagkwentuhan pa kami tungkol sa future love life ng stepbrother niya at 'di ko maiwasang ma-excite. Paano kasi, nang iniwan namin si Xander dun sa bahay nila, ang laki ng pinagbago ng look niya at imposibleng hindi malaglagan ng panty si Lacie 'pag makita niya ang bagong look ni Xander. Lahat na kasi ng pwede naming gawin upang pumogi lang si Xander, ginawa na namin. Natahimik naman kaming dalawa bigla ni Reuben. Nagkadikit kasi 'yung mga kamay namin at nailang kami pareho. "Franceli... kumusta na kayo ni Luthan?" biglang misteryosong tanong sa'kin ni Reuben. Hindi ako agad nakasagot kasi ako mismo iniisip ko rin yung tanong na yun. Kumusta na nga ba kami ni Star Boy? "May problema ba kayong dalawa?" tanong niya pa. "Ha? Bakit mo naman naitanong yan?" "Napapansin ko lang kasi, hindi ka na niya hinahatid sa school. At nung muntik ka nang mag-crash sa harap ng school gate, umiiyak ka nun at sabi mo dahil yun kay Luthan. Tapos nalaman ko kay Steph, hindi na raw siya nakatira sa bahay niyo." Hanubey. Akala ni Reuben may LQ kami ni Luthan? "Basta, Franceli, kung kailangan mo nang mapagkukwentuhan, I am just here ready to listen." aniya na nahihiyang ngumiti sa'kin. At dahil naiilang pa rin ako sa nangyayari, hindi na ako umimik hanggang sa makarating kami sa bahay. Pinatuloy ko muna siya at pinakain ng meryenda. "Reuben, salamat sa paghatid ah," sabi ko nang magpaalam na siyang uuwi na siya. Hinatid ko siya sa may gate. "Basta, kung ano man 'yang problema niyo, maaayos niyo rin yan," sabi niya pang napahinto sa may labasan. Halatang nag-aalala talaga siya sa'kin at na-touched naman ako dun. Kahit kasi hindi ko na siya mahal tulad ng dati, nakakatuwang makitang heto siya ngayon, ang lalaking pinapangarap ko noon, ay nag-aalala para sa'kin ngayon. Kaya niyakap ko siya bilang pagpapasalamat. Nagulat pa siya, pero yumakap din siya sa akin. Kahit kasi huli na 'yung pagpapakita niya ng concern, at least pinakita niya. Pero habang magkayakap kaming dalawa, bumukas ang pinto ng gate at tumambad sa'min si Luthan na nakangiti pero nawala agad yun pagkakita niya sa'min ni Reuben. "Surprise!" sigaw niya sana pero napatigil siya sa kalagitnaan nang pagsasalita niya dahil siya yata ang na-surprise.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD