[FRANCELI]
May naramdaman ako nang tingnan ko si Luthan sa mga mata niya. Hindi ko alam kung ano, pero damang-dama ko yun. Magkayakap pa rin kasi kami hanggang sa mahulog kami sa tubig. And for a moment ay nagkatitigan lang kami at doon ko na nga naramdaman yun.
Weird.
Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ng moment na iyon pero nag-iwas na ako ng tingin sa kanya dahil bigla akong nailang. Gusto kong kumalas mula sa yakap niya pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa'kin. "Franceli... ayos ka lang?" inosente niyang tanong nang makaahon kami.
Nginitian ko na lang siya. "Oo naman. More than okay pa nga ako eh. Masaya ako, Luthan!" saad kong parang medyo plastic. Pero totoo din yun na masaya talaga ako. Kasi finally, nakuha na namin ang liwanag kay Dean. Two ex-shooting star down, Franceli.
Nginitian din ako ni Luthan. "Ang galing mo, Franceli. Lahat ng plano mo nagtatagumpay. Bilib na talaga ako sa 'yo."
Natawa ako dun. Bilib na bilib talaga sa'kin si Star Boy. "Syempre, ako pa ba? Nagpaka-expert na kaya ako sa psychology, logic, tapos gender studies at ngayon naman pati swimming," pagmamalaki kong natatawa sa kanya. Lumangoy pa ako palayo at nag-exhibition ako sa harap niya gamit ang aking 'swimming skills.' Ang totoo medyo may konting alam ako pagdating sa swimming as a sport kasi hilig din naman namin ito dati ni Kuya. At nag-aral ako last year ng swimming sa pinsan ko, si Ate Sophie, na isang swimming instructor. Humabol sa'kin si Luthan at para siyang bata na winisikan ako ng tubig gamit ang mga braso niya. Gumanti naman ako at nagharutan na kaming dalawa sa pool.
Hindi ko nga namalayan na tinutukso na pala kami nina Steph nang dumating sila sa pool. "Naku besh, mang-inggit talaga? O 'di kayo na ang sweet!" sigaw niya sa'min na lumusong na rin sa tubig. Natawa na lang sa kanya si Luthan.
"Kayo kaya ang sweet," hirit ko kay Steph pagkalapit niya sa'min. "Kayo nitong si Luthan. Aba'y may modelling na pa lang nagaganap at 'di ko pa nalalaman?"
Si Steph naman ang natawa dun. "Eh surprise yun ni Luthan sa 'yo eh! May surprise bang pinagpapaalam sa 'yo? At 'wag ka na ngang magreklamo, ang sweet-sweet kaya ni Luthan sa 'yo."
Namula ako sa sinabi niya kasi oo nga naman, kung tutuusin nakakakilig 'yung ginawa ni Luthan. Kung totoong boyfriend ko siya at ginawa niya yun, malamang nangisay na ako sa kilig. Kasi yun ang ginagawa ng mga boyfriends 'di ba, sinosorpresa ka tapos mata-touched ka 'pag nalaman mong nag-effort pala siya para sa surprise niya. Dapat sana sobra na ang kilig ko kasi kahit papano na-experience ko 'yung ganun kay Luthan. Kaso nakakalungkot din na hindi galing kay Reuben ang ganoong ka-sweet na surprise.
Pinagmasdan ko rin kasi si Reuben. Lumusong na rin siya sa tubig kasabay nina Mikka, Glen, at Leila. May hawak siyang beach volleyball at naglalaro sila nun. Oblivious siya na tinitingnan ko siya, at enjoy na enjoy siya sa pagtira sa bola.
"Naku besh, 'wag ka nang umasa sa lalaking yan," sabi sa'kin ni Steph na nakatingin din kay Reuben. May konting kalayuan kami mula sa kanila kaya 'di nila kami marinig. "Feeling ko lumaklak yan ng anaesthesia tapos nagpa-heart transplant yan tapos may aksidenteng nalagay na bato dun sa puso niya."
Hindi ako natawa kasi nalungkot ako sa idea na kahit yata maghubad ako sa harapan niya ay 'di man lang siya maaapektuhan. Parang ang sakit lang i-internalize.
"Oy, sali kayo sa'min!" yaya ni Glen sa'min. Mukhang masaya ang volleyball on water nila. Nakita kong andun na si Luthan sa kanila na kanina lang ay lumalangoy pa sa tabi namin. Kaya sumali na rin kami ni Steph.
Naging boys versus girls ang labanan. Ako, si Mikka, si Steph, at Leila laban kina Luthan, Glen at Reuben. Mas marami kami kaso dehado naman kami kasi ang galing ni Reuben. Kapag siya ang tumitira walang nakakakontra, lalo na ako. O baka masyado lang akong nami-mental block sa presence niya kaya ganun.
Si Luthan naman, enjoy na enjoy rin kahit walang ideya sa mechanics ng laro. Tinatawanan ko na lamang siya sa ginagawa niya. "Uy Franceli, ano pala ang nangyari dun kina Ate Daniella at Kuya Dean? Nag-away ba sila? Umiiyak kasi si Ate Daniella, tumakbo papunta sa cr," tanong ni Mikka sa akin habang naglalaro kami. Agad naman akong nakaramdam ng guilt sa nangyari kasi ako naman talaga ang may pakana ng lahat.
"Baka LQ," sagot ko na lang dun sa tanong ni Mikka.
Parang shocked na shocked dun si Mikka. "Bakit, sila ba? Oh my gosh, lalaki pala si Kuya Dean?"
"Oo kaya," sabi ko na lang dahil feeling ko responsibilidad kong ipagtanggol sina Dean sa mga issues sa kanila.
May naisip naman ako kaya tinawag ko si Luthan at ibinulong ko sa kanya 'yung gusto kong gawin. Tapos sabay kaming umahon mula sa pool at hinanap namin 'yung dalawa. Narinig ko pa ang biro ni Steph na bumalik lang daw kami agad ni Luthan at baka akitin ko pa raw si Luthan. Binato ko nga ng bola 'yung loka-loka kong bestfriend.
Agad namin silang nahanap, or rather, narinig. Nasa loob silang dalawa ng cr ng girls, at nag-uusap sila. Technically, nagsisigawan sila sa isa't-isa.
"Umalis ka rito!" rinig kong sigaw ni Daniella sa kausap niya. Lumapit na kami ni Luthan sa pinto para makinig. "CR 'to ng babae! Ah, sabagay, pusong-babae ka pala kaya okay lang!" Halatang nasasaktan si Daniella sa mga pinagsasabi niya dahil tunog iiyak na siya.
"Bakit, may problema ka ba sa l***q members, Daniella?" boses iyon ni Dean at mabuti naman at nakikipagsagutan siya. Para kasi sa'kin sign yun na hindi sila masisira. Sabi nga nila, communication is the key, 'di ba?
"Wala akong problema sa l***q. Sa 'yo lang!" singhal ni Daniella. "Ang problema ko sa 'yo, manhid ka na, duwag ka pa!"
"Kumalma ka nga, Daniella! Baka may makarinig sa 'yo!" sigaw na rin ni Dean. Kami naman ni Luthan, tahimik lang kaming nakikinig. Nag-aabang.
"Paano ako kakalma, aber? Kanina tinawag mo akong loka-loka. Tapos tanga. Ngayon sasabihin mo gusto mo akong halikan? Paano ako kakalma?" Nagkatinginan na lang kami ni Luthan dahil dun sa narinig namin. Nanlalaki ang mga mata namin pareho. Bumulong si Luthan sa'kin na 'Di na nila kailangan ang tulong natin' at umalis na raw kami. Pero umiling lang ako at nakinig pa rin kami.
"God, Daniella!" sigaw ni Dean na naiinis na yata sa nangyayari. "Gusto ko lang naman malaman kung gusto nga ba talaga kita! Kaya kita hahalikan! In fact kaya ko ginagawa yun sa 'yo kasi nalilito ako, gusto ko lang na makasiguro!"
"Makasiguro saan?"
"Sa feelings ko!" sagot ni Dean. "Akala mo ba, madali 'to para sa'kin? Na mailang sa 'yo? Na may maramdaman para sa 'yo? Nakakabaliw, minsan gusto kitang halikan pero minsan naaakit pa rin ako sa lalaki! Nalilito nga ako! Kaya please, pwede ba kitang halikan, kasi gusto kong malaman kung ano talaga ako?"
Matagal bago sumagot si Daniella. "Ah so ako ang testing experiment mo ganun? Ano ka ba talaga? Boy, girl, bakla, tomboy, butiki, baboy?" Muntik na akong mapatawa dun. Mabuti na lang tinakpan ni Luthan ang bibig ko. "At sino bang nagsabi sa 'yo na sa halik mo sa'kin mararamdaman kung ano ka talaga? Ano'ng pauso 'to?"
"Kay Luthan," sagot ni Dean at napatingin ako kay Luthan na gulat na gulat sa narinig ko. "Tinanong ko kasi siya kung pano siya nakakasiguradong mahal niya si Franceli. Ang sabi niya nung hinalikan niya raw si Franceli."
"Iba naman kasi si Luthan! Lalaki naman kasi talaga siya!"
"Kaya nga hahalikan kita 'di ba? Malay mo ganun din 'yung maramdaman ko para sa 'yo! Di lang ako aware kasi matagal ko na 'tong nire-repress itong feelings ko na 'to para sa 'yo!"
Natahimik 'yung dalawa sa loob. At kami rin ni Luthan rito sa labas. Nakatitig lang ako sa kanya. Sinabi niya ba talaga yun? Na sigurado siyang mahal na niya ako nang mahalikan na niya ako?
Anak ng patola... Bakit parang... bumilis ang t***k ng puso ko doon?
Homaygad, Franceli, what's happening to you? Wag kang mag-isip nang ganyan! Malamang nagsinungaling siya kay Dean! Nagpapanggap kayong mag-boyfriend, remember? At talagang sasabihin ni Luthan kay Dean ang lahat makumbinsi lang nito si Dean tungkol sa feelings niya para kay Daniella!
"Ano, kumusta?" tanong ni Daniella sa loob ng cr at nag-loading pa ang utak ko bago ko maintindihang naghalikan na yata sila sa loob ng girl's cr ng resort na 'to.
"Isa pa," naririnig kong sambit ni Dean. "Hindi ko pa alam kaya isa pa." Napapangiti na lang ako dun kasi malamang naghahalikan pa sila sa loob nang bigla na akong hinila ni Luthan palayo sa pinto ng cr.
"Teka, saan mo ako dadalhin? Bakit mo naman ako hinila?"
"Alis na tayo," sagot niya. "Hindi na natin kailangang tumulong. At tingin ko kailangan na nila ng privacy."
"Wow, Luthan ha," nakangiting sagot ko. "May privacy ka nang nalalaman ngayon. Saan mo natutunan yun?"
Nagtaas siya ng mga kilay niya. "Yung privacy? Dun sa trabaho ko. Kapag magbibihis ako, pinapalayo ni Maam Ella 'yung mga babaeng katrabaho ko kasi kailangan ko raw ng privacy."
Napanganga na lang ko dun sa sinabi niya, at di ko maiwasang isipin na malamang ay pinagpapantasyahan itong si Luthan ng mga co-models niya doon sa trabaho niya.
"Tama naman ako 'di ba?" tanong niya sa'kin at tumango ako.
"Nakakaloka ka talaga Luthan. Pero sabagay tama ka. Kailangan nga nila Dean at Daniella ng privacy. Mission accomplished na naman tayo eh. So okay na."
"Bakit gusto mo pa silang tulungan?" tanong niya naman bigla. Naglalakad na kami pabalik sa pool. "Nakuha ko na 'yung liwanag 'di ba?"
"Hindi naman porket nakuha ko na ang gusto ko ay wala na akong pakialam sa kanilang dalawa. Syempre I want them to end together. Ang cute kasi ng kwento nila eh..." sagot ko. Hinawakan naman ako ni Luthan sa kamay at nailang na naman ako. "A-At isa pa, ang saya kaya sa pakiramdam ko na nakakatulong ako sa love problems ng iba. Para bang kapag ginagawa ko yun, gumagaan ang pakiramdam ko at lalong tumitibay ang pagtitiwala ko na balang araw, magugustuhan din ako ni Reuben."
Humigpit ang hawak ni Luthan sa kamay ko at namula ako bigla. Bakit ganito, hindi ko na nagugustuhan ang nararamdaman ko ah. Bakit parati akong nae-excite sa ginagawa niya sa'kin? Ano ba 'to?
[LUTHAN]
Naroon na sa swimming pool sina Kuya Ferdie at Luna nang makabalik kami ni Franceli. Agad bumitaw si Franceli sa pagkakahawak ko sa kamay niya at nagpunta kay Steph. Ako naman, niyaya ako ni Kuya Ferdie na lumangoy ulit.
Nakakatakot man kasi baka makilala ako ni Luna, lumusong ulit ako sa tubig. Mabuti na lang kinausap nina Mikka at Leila si Luna kaya lumayo sila sa'min sa pool. Kumukuha sila ng litrato nilang tatlo gamit 'yung telepono nila.
Lumapit naman sa'kin si Kuya Ferdie. "Ang tagal ninyo ni Frans ah," sabi niya. "Saan kayo galing? Luthan, lalaki rin ako kaya alam ko yung nararamdaman mong urges mula sa hormones mo pero sana 'wag muna niyong gawin ni Frans kasi 'di pa siya tapos mag-aral at bata pa kayo. Nakaka-tempt pa naman ang setting natin dito kaya tibayan mo ang loob mo."
Agad akong namula kahit hindi ko masyadong naintindihan 'yung sinabi ni Kuya Ferdie. "Naku, hindi po, Kuya. Nagkakamali po kayo, sinamahan ko lang po si Franceli kina Ate Daniella..."
Bigla namang tumawa si Kuya Ferdie na ikinagulat ko. "Binibiro lang kita. Alam ko namang mataas ang respeto mo sa kapatid ko. Nakikita ko naman yun. At teka, asan ba sina Daniella at Dean? Sabi nila Mikka umiiyak daw si Daniella?"
"Nasa cr po," sagot ko at nagpaalam agad si Kuya Ferdie na pupuntahan niya daw 'yung dalawa sa cr.
"Luthan."
Nilingon ko 'yung tumawag sa'kin at agad akong kinabahan. Si Luna iyon. Lumapit siya sa'kin. Gusto kong lumayo sa kanya pero huli na. Hindi pa naman kami napapansin nina Franceli dahil nagtatawanan sila ni Steph.
"Luna."
Ngumiti siya. "Kilala mo ako 'di ba? Alam mo kung ano ako 'di ba?"
Bahagya akong tumango. Malamunay lang ang boses niya pero hindi pa rin nababawasan 'yung kaba ko. Huhulihin na niya ako. Mukhang kailangan kong makausap ulit si Aster para malaman ang katotohanan.
"Ibig sabihin alam mo na siguro na naparito ako para hulihin ka." Nagkatotoo na ang kinatatakutan ko. Lalo pa siyang lumapit sa'kin. "Malaking kasalanan ang ginawa mo, Luthan. Bumagsak ka rito kahit hindi mo pa oras. At hindi lang iyon, alam ni Franceli at Steph ang tungkol sa 'yo. Kung ano ka talaga."
Napalunok na lang ako sa sobrang kaba sa sinabi niya. Huwag niya sanang idamay sina Franceli at Steph!
"Hindi ko alam kung bakit mo ito ginagawa, Luthan, pero alam mong mabigat ang naghihintay sa 'yong kaparusahan, hindi ba?. Pati na rin sa dalawang dalagang nakakaalam tungkol sa 'yo. Hindi ko ito palalampasin."
Yun na ang huling sinabi niya. Lumayo na siya sa'kin. Lumangoy na siya papunta sa gilid ng pool. At bago siya tuluyang umahon, kitang-kita ko kung paano umilaw ang tubig sa paligid niya, at kinutuban ako nang masama doon.
At tama ang kutob ko.
Dahil nakita kong tumalon sina Franceli at Steph sa tubig, at bumilis ang t***k ng puso ko sa takot dahil umiilaw pa ang tubig na pinagbagsakan nila. Alam kong hindi nila iyon nakikita. Bigla na lang umikot ang tubig, at alam kong malulunod sila.
"Franceli! Steph!" sigaw ko at lumangoy ako papunta sa kanila.
[FRANCELI]
Hindi ko alam kung anong nangyari. Basta parang may humihila sa katawan ko pailalim sa tubig. Hanggang sa maubusan na ako ng hininga at nakainom na ako ng tubig, at bago ako mawalan ng malay, nakita ko pang lumulubog na rin si Steph, at may naaaninag akong tao na lumalangoy papunta sa'kin...
[LUTHAN]
Nawalan na sila ng malay. Nalulunod na talaga silang dalawa... Pinilit kong maabot ang kamay ni Franceli pero umikot ang tubig na parang ipoipo at nalayo siya sa'kin.
At si Steph, nakita ko siyang nasa sahig na ng swimming pool, at sinubukan ko siyang abutin. Umikot ulit ang tubig, kaya napilitan akong gamitin ang liwanag ko...
Natigil ang paggalaw ng tubig dahil sa ginawa ko at naabot ko si Steph. Iniahon ko siya. Pinahiga ko siya sa gilid ng pool. Takot na takot ako.
Tumili si Mikka. "Oh my God!"
Lahat kami nataranta na. Si Franceli... kailangan ko siyang balikan!
Pabalik na 'ko sa tubig nang makita kong tumalon si Reuben para iligtas si Franceli...
At ewan ko ba, napatigil ako...
Gusto kong iligtas si Franceli... Kaso naisip ko... Tiyak matutuwa siya kung malaman niyang si Reuben ang nagligtas sa kanya.
Kaya hinayaan ko na lang si Reuben na iligtas si Franceli.
[FRANCELI]
Wala na ako sa tubig. May nagligtas sa akin. May naririnig akong mga boses. May dumidiin sa dibdib ko. At nahihilo ako.
Tapos naramdaman kong may dumiin na rin sa labi ko.
At hinalikan ako.
[LUTHAN]
Naiahon ni Reuben si Franceli.
"Franceli! Franceli!" tawag ni Reuben. Inihiga niya ito at diniinan sa dibdib niya.
Naiinis ako. Kasalanan ko ito at pakiramdam ko dapat ako ang nagliligtas sa kanya. Kaso 'di rin makahinga pa si Steph at ginaya ko 'yung ginagawa ni Reuben kay Franceli. Agad umubo si Steph ng tubig. Nagkamalay na siya.
Pero si Franceli... wala pa ring malay. Hanggang sa hinalikan siya ni Reuben. Ano nga ba 'yung tawag ni Franceli dun? Mouth to mouth? Oo, yun ata. Basta naiinis ako ngayon sa kung sino man ang nakaimbento ng mouth to mouth na yan.
[FRANCELI]
Napaubo ako nang maraming tubig. Syet. Nalunod ako! Si Steph kaya? Ligtas kaya siya? At anyare sa swimming pool? Bakit gumalaw 'yung tubig? May ginawa ba si Luthan?
Napaupo ako. Magpapasalamat sana ako kay Luthan sa pagligtas niya sa'kin kaso iba 'yung nakita kong katabi ko.
Si Reuben.
Si Reuben mylabs!
Holy packingtapes!
Si Reuben ang nagligtas sa'kin at nag-mouth-mouth sakin!
Anak ng ginataang kalabasa, totoo ba ito? O baka naman nalunod talaga ako at patay na ako?
Nakatulala lang ako sa kanya. Yung syndrome ko kuno, lumevel up na yata kasi hindi na ako halos makahinga.
"Are you alright Franceli?" tanong niya. Ilang segundo muna ang lumipas bago ako tumango.
"Franceli!" sigaw rin sa'kin ni Luthan na humahangos patakbo sa'kin. Mukha siyang alalang-alala at napangiti ako nang bahagya. Ngayon ko lang kasi siya nakitaan nang ganitong pag-aalala.
Pero bago pa man niya ako marating, natumba na siya dahil sinuntok na siya ni Reuben na nakaabang na pala sa kanya.