MEREDITH's POV "Ganun na ba talaga ako kasarap magluto?" tanong niya sa'kin. Aba't! Ang hangin din pala ni Dale? Hindi ko inaakalang may pagka-arogante rin pala ang isang 'to "Che! Gutom lang ako," ani ko atsaka umirap sa kanya. "Hmm.. Talaga lang ha?" Tiningnan ko siya ng masama. Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya, aba't! Nang iinis na din pala 'to. Kay aga-aga napipikon ako sa mukha niya. "Pwede ba Dale? Kumain ka na lang, male-late na ako ne'to kung hindi ka pa kakain diyan... Kaya kain!" kumunot yung noo niya, at tiningnan yung oras sa kanyang relong pambisig. Tumingin siya sa'kin at itinaas ang isa niyang kilay. "What are you trying to say? May isang oras pa kaya bago mag 7, kaya hindi ka male-late sa trip niyo, Meire." pagdadahilan niya. Gusto ko na namang umirap muli sa s