MEREDITH'S POV "Ano bah?!?" sabi ko habang inalis-alis yung kamay na niyuyogyog ako. Kaasar naman kasi eh! Kita niyang natutulog pa yung tao! "Meredith, nandito na tayo. Halos wala nang tao sa loob," bulong sa'kin ng isang lalake, kaya minulat ko yung mata ko. At nakita kong nakangiti si Deither sa'kin..... At.... At..... ANG LAPIT NG MUKHA NG ISANG TOH!!! Kaya tinulak ko siya malakas, bwisit ginulat niya ko "Aww," he winced and gently caressed his back. Pffftt... Mukhang napalakas ko yung pagtulak ko sa kanya. "Pasensya na." "O-okay lang.... Tara nah?" sabi niya habang hindi makatingin ng deresto sa'kin. Napano ang isang toh? Naalog siguro ang utak? Lumabas na kami, and I got mesmerized by the view.... Ang ganda, kitang-kita mula dito ang kulay asul na dagat, at hinihangin ang