May liwanag na ng magising ako kinabukasan. Hindi pa agad ako nakakilos kasi nakapulupot pa ang braso ni Mon sa katawan ko. Napangiti ako at tiningnan ang singsing na ibinigay niya sa akin. Ang ganda. Pero mas kinikilig ako sa paraan ng proposal niya. Nabigla ako ng sobra kagabi. Walang kaplano – plano pero talagang na – surprise ako. I looked at Mon beside me at napakagat – labi ako. He is so georgous. He is so neat. He is so masculine. Parang lahat na ng magagandang katangian nasa kanya. Ganito yata ang inlove. Wala akong makitang kapintasan kahit isa kanya. Napahinga ako ng malalim ng marinig kong nagba – vibrate ang telepono ko sa bedside table. Someone is calling me. Ang aga namang istorbo. Kakainis. Painis kong dinampot ang telepono at tiningnan kung sino ang tu