Married life

1674 Words

Hindi pumayag si kuya Dave na doon kami ni Mon tumira sa bahay namin. Mas gusto ni kuya na magbukod kaming dalawa. Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na kami sa Makati. Ngayon ko lang nalaman na may bahay na pala itong naipatayo doon. Nagpaalam muna ako kay kuya kung puwedeng kumuha muna ako ng gamit pero naka – ready na pala lahat ang gamit ko. Naihanda na lahat ni kuya. Wala kaming imikan ni Mon habang nasa biyahe kami. Hindi nagsasalita si Mon at nakatutok lang ang atensyon sa pagmamaneho. Sa isang exclusive village sa Makati kami pumasok. Nakita ko pang sumaludo ang guard na nakabantay sa gate ng mapadaan ang sasakyan namin. Two blocks from the guard house ay huminto kami sa isang bagong bahay. Ito kaya ang bahay ni Mon? Ang laki kasi. Halatang bagong gawa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD