Hilot hilot ni Lucian ang kanyang noo dahil sa stress na binigay ni Kryzel sa kanya, ang sabi niya ay linisin ngunit kabaliktaran naman ang ginawa nito. “You son of the b***h!”Galit niyang sambit sa kawalan. Agad niyang dinayal ang numero ng imbestigador upang busisiin kung sino ang may pakana sa post at pekeng impormasyon. “Hello Lorito.”Aniya. At tumayo upang makakuha ulit ng alak sa counter, kasalukuyan siyang nag iinom sa counter upang tanggalin ang stress pero mas lalo yata siyang na stress. “B-boss,” Lorito voice shaking. “Huwag ka ngang kabahan riyan, hindi pa ako nakapagsalita tapos nanginginig Kana?”inis na sambit ni Lucian at pabagsak na binaba ang baso. Naiinis na nga siya dagdagan pa sa mga tong nakapaligid na akala mo ay kakainin niya ang mga ito ng buhay. “Hanapin mo ang