Ligtas silang nakaalis non sa lugar at walang bakas at hindi rin nagsalita ang tauhan na pinagbantaan niya, “Doña kailangan munang umalis, baka makahalata na si Lucian dahil sa biglaan mo'rin na pagkawala sa mansyon.” Nag-aalala niyang sabi sa matanda. Ang balita ay pinakulong na ni Lucian si Karen pero bakit pakiramdam niya ay may mali? May mali talaga sa buong mga pangyayari at bakit parang ambilis lang naipakulong ni Lucian si Karen diba? Bumuntong hininga siya bago tumingin ulit sa matanda na tahimik lang. “Doña ako na'po ang bahala kay sir Timothy, basta po ay umuwi Kana kundi ay pumunta ka muna ng abroad dahil hindi talaga maganda ang kutob ko sa lahat.” Mabibigat na sambit niya. Tumango tango lamang ang matanda bilang pagsang-ayon sa kanyang sinasabi. “Iha alagaan mo ang anak ko