Nagising si Kali sa mga nagtatawanan mula sa labas ng kanilang bahay, humihikab siyang tumayo mula sa kama at agad sumilip sa bintana ng kanyang silid at tiningnan ang kanilang bakuran dahil sa mga taong nagtatawanan. Unang kita niya ay agad siyang napa kurap-kurap dahil sa nakita mula sa labas. “s**t! What is he doing here?” Tanong niya sa sarili, buong akala niya ay panaginip lang yong nangyari kagabi, “f**k! He's here!” Aniya bago sinara muli ang bintana. “Don't tell me that he will take me to prison himself? Is he insane!?” Matigas niyang ani at nag talukbong muli ng kumot at ipinikit ang mga mata. Hindi niya alam pero ramdam niyang naaapektuhan pa rin siya tuwing malapit sa kanya ang binata. Hinila siya ulit ng antok pero sa kasamaang palad ay may biglang kumatok sa kanyang pintu